Chapter 7

826 27 5
                                    

"HI, MANANG FELY," bati ni Stephanie sa matanda.

"Oh, hija! Buti napadalaw ka. Pasok ka at ipaghahanda kita ng meryenda," masiglang sabi ng matanda.

"Salamat po, Manang. Si Mama po?"

"Wala pa siya eh. Alam mo naman ang Mama mo. Napaka-busy niyang tao. Mahirap naman kasi patakbuhin mag-isa ang kompanyang iniwan ng Papa mo," sabi ng matanda habang pinaghahain ang dalaga.

"Naiintindihan ko naman po iyon pero nami-miss ko na kasi siya. Matagal na rin kaming 'di nagtatagpo dahil sa salungat na schedule namin," malungkot na sabi ni Stephanie.

"Huwag ka nang magtampo diyan sa Mama mo. Alam kong miss ka na rin naman niya kaya nga tinatapos na niya lahat ng gagawin niya sa trabaho para magkaroon siya ng libreng araw para sa'yo. Alam mo namang lahat ng ginagawa ng Mama mo ay para rin naman sa'yo, hija."

"I know, Manang. Nanghihinayang lang naman po ako kasi 'di ko siya nakasama kahit isang beses sa pag-aayos ng kasal ko."

"Okay lang 'yun, hija. At least, siguradong present siya sa kasal mo at buong araw siyang nandoon para sa'yo," pag-aalo ni Manang Fely.

"Sa bagay, tama ka Manang," nakangiting tugon ng dalaga.

"Mabuti pa ay tuturuan kita ng bagong putahe para naman hindi masayang ang pagpunta mo rito."

"Salamat po, Manang."



KINAGABIHAN...

"Manang, 'wag niyo na po akong gisingin mamaya. Hindi na po ako kakain," sabi ni Sophie na ina ni Stephanie.

"Hindi pwede! Bumaba ka agad pagkabihis mo at kainin mo itong niluto ng anak mo!"

"Pumunta kanina si Stephanie?" hindi na tumuloy sa pag-akyat ang ginang at sa halip ay lumapit ito sa matanda.

"Oo, at hinahanap ka kanina. Ewan ko ba sa'yong bata ka. Bakit kasi hindi ka man lang magpakita sa anak mo? Nami-miss ka na nung bata," sabi ng matanda habang pinaghahanda ng pagkain ang ginang.

"Pinupuntahan ko siya sa ospital pero hindi talaga kami nagtatagpo eh. Lagi siyang nasa ER o kaya operating room 'pag napapadaan ako roon. Ano pang sabi niya, Manang?" parang excited na batang sabi ni Sophie.

Ikinuwento naman ni Manang Fely ang mga naganap habang wala ito sa bahay.

"Kung hindi lang talaga nagkaproblema ang kompanya ni Stephan edi sana mas marami akong time para sa anak namin," malungkot na sabi ni Sophie nang maalala ang yumaong asawa.

"Bumawi ka na lang sa kanya. Bakit hindi ka muna magbakasyon sa anak mo kahit ilang araw lang? Makipag-bonding ka sa kanya bukas," suggestion ng matanda.

"I can't, Manang. I have a business trip tomorrow. Next week pa ako makakauwi. Pero dadaan na lang ako sa kanila bukas," nakangiting sabi ni Sophie.

"Mabuti 'yan. Ipagluto mo na rin siya ng paborito niyang caldereta. Tutulungan na lang kita. Alam ko kasing pagod ka na."

"Okay lang ako, Manang. Kaya ko na mag-isa. Matagal na rin naman nung huli ko siyang ipinagluto eh," nakangiting sagot ng ginang.

Napangiti naman si Manang Fely. Kitang-kita niya kung gaano kamahal nito ang anak at kung gaano na ka-miss ng ginang si Stephanie.



KINABUKASAN, sa bahay nila Stephanie at Dave...

ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon