Zac's Pov
Actually medyo napaaga nga yung pagpaplano kong pagdalaw kay Kam. Pero kasi I have a feeling, that soon maghihiwalay na kami.
Well ako wala akong planong makipag break up !!, pero siya Im 100% sure. Kaya naisipan kong puntahan siya kahit busy yung mga sched ko. Hindi ko hahayaang mawalay siya saken.
Matagal kong pinangarap na makasama siya. At hindi ko hahayaang maagaw na lang siya saken ng basta-basta. Alam kong sa simula pa lang na marami na akong kakumpetensya ,hindi naman ako magtataka kung maraming nagkakagusto sa kanya.
It just !!! I can't help to be a possessive boyfriend when Im around with her. I love her so much. She's my childhood bestfriend and a lover. Simula pa lang nung mga bata kami may gusto na ako sa kanya. She's my first love but not my first girlfriend ,kasi nung mga time na yun I have my doubts pa rin sa feelings ko sakanya.
Kaya sinubukan kong makipag relasyon para mawala yung pagmamahal ko sa kanya. naka dalawa rin akong gf bale pangatlo siya. Ilang beses ko siyang hinikayat na bigyan niya kami nang chance. She only see me as a bestfriend and big brother. Dun ako nasaktan , buti na lang nakumbinsi ko siyang i-try yung relationship.
At nung pumayag siya , hindi ako nagsayang ng araw para ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Her parents knows about our relationship. Kaya legal kami.
Nung sinagot niya ko!!, that is the most happiest of my life. Alam kong minsan nagmumuka na akong aso sa kanya kasi buntot ako ng buntot. Tumagal din kami ng mahigit 1 year and 6 months.
Masyadong marami na kaming pinagdaanan , I won't waste the chances habang kami. Ipapadama ko sakanya na I'm better with anyone.
I can't wait for Saturday.
Kam's Pov
Ang sweet naman ng bff ko hinitay pa ko. Pero nabobother talaga ako kung bakit napaaga yung pagdalaw ni Zach. Ano ka yang problema nun? I have a feeling na I won't like it. Hay!sana naman hindi.
Umakyat na kami.
Hinapit ako sa bewang ni Mitch habang naglalakad. Napaka-ano talaga nitong babaeng to. Nagtitinginan yung mga tao. Ang sama ng tingin ng mga babae saken. Problema nitong mga to? Tumingin ako kay Mitch chin up lang siya at straight na nakatingin sa dinadaanan tapos tinignan ko yung pagkakahawak niya sa bewang ko tas tumingin ako sa mga babae, kaya pala ang mga bruhang malalanding maiitim ang budhi nagseselos. Nakanang mapapaaway pa ako neto lalong dadami yung may galit saken.
Pede ba mitch bitawan mo nga ako!!.
Bakit ko naman gagawin yun?
Baliw ka ba? Ang daming nakatingin sa atin,pati ang sama ng titig ng mga babae saken -mitch
Hayaan mo silang mamatay sa inggit, hayaan mo rin yang mga babaeng yan hindi ka naman nila mahahawakan dahil ako ang makakalaban nila.
Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan na lang. Makulit talaga tong babaeng to.
Habang naglalakad kami sa hallway may lalaking huminto sa harapan namin .
"Hi kamylle, chocolates for you!"
Huh? ah thank you.
Nagsmile ako at umalis na sya sa harapan namin. Ang sama ng tingin saken ni Mitch.
Bakit nagpapaligaw ka pa huh? Di ba sinabi ko sayong akin ka lang.
Pede ba tigil-tigilan mo kong unggoy ka !!!!!- kam
What?? Did u just call me a monkey?
Di ka lang pala unggoy !!! bingi pa!!!!! Maiwan na nga kita.
Bwisit na babaeng to! Binilisan ko ng maglakad na patakbo. Kaya lang ang lola niyo pinanganak na kabayo , naabutan pa rin ko.
Hey babe wait for me! -mitch
Pede ba mitch layuan mo na ko.
You know I wouldn't do that.
Kringgggggg......
Shittttt... nag bell na ..Buti na lang pag pasok namin wala pa yung prof. Umupo na ko sa usual sit ,pangalawa sa likod katabi tong unggoy na to. Sa kabila kong side walang nakaupo dahil pinagbawalan niyang may tumabi saken. Di ba baliw na babae. Andito na rin sila Ann yung bff ni mitch.
Hindi nila kami ma-approach dito sa klase kasi strict yung mga proff namin. Kaya sinusulyapan lang nila kami dito. Pati classmate din namin si jarred.
Hirap talaga pag pinanganak na maganda !!! shett daming naghahabol. Haha sige ako na talaga. Pero kasi yun talaga ang totoo.
Kaya I will face the truth na lang.
2 days from now yung dating ni Zac, pag na-iisip ko !! kinakabahan ako na ewan. Hay!!! nakakabaliw .
Mitch keep glancing on me. Tignan mo tong babaeng to !! kanina lang nagtatampo. Susulyap na lang !! halata pa. Unggoy talaga.
I give her a questioning look !!!
She just smile!! Her killer smile.
Well,well,well It doesn't have an effect on me.
Wala nga ba? Siguro.
Nakaka-ungas kinakausap ko na naman yung sarili ko. Nakinig na lang ako. Actually nung summer may tutoring session ako kaya advance ako sa lesson. Kaya nakikinig lang ako kapag may dinadagdag na kaalaman yung proff.
Kringgggg..........
Wohooo. tapos na rin. Next class naman.
Lumabas na kami at pumunta na sa next class. Homeroom. Hmmm.Kya umupo na kami. Biglang may nag announce.
" Guys !!! wala daw yung mga proff may meeting "
"Wohooo"
"Yes"
"Shett party party"Ayan lang naman yung reaction na mga walanghiya kong classmate. Kaya lumabas na kaming magbabarkada. Qoute barkada,,yup kasi lagi na namin silang kasama.
"So san tayo mga guys?" -Ann
"Kayo na bahala"sigaw nila.
" Ah alam ko na dun tayo sa tambayan natin sa may likod" -ann
"sige dun na lang"
Kaya ayun pumunta na kami sa likod. Syempre di ko pa alam yun.
Kaya na eexcite ako. Nasa tabi ko lang si Mitch which is nakadikit nanaman.
Wow ang ganda as in ang ganda walang halong kabiruan at kaseryosohan. Puro flowers..
Umupo kami sa mahabang upuan na kawayan, nasa gitna naman yung lamesa nasa loob ng nipa hut.
"So!! dahil may bagong recruit tayo!! iinterogate namin kayo kam and jen "
Shit! ano namang kalokohan ang pinasok ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/15631140-288-k142159.jpg)
BINABASA MO ANG
Possessive AND Sadist Girlfriend (gxg)
Teen FictionPano na lang ang gagawin mo kung magkagusto sayo ang super possessive and sadist na soon to be girlfriends. Basahin mo na lang para malaman mo. This is gxg., if u don't like it I don't care. ^.^ wag niyo nang basahin kung close minded lng nmn din k...