Fighting Spirit Chapter 10

3.6K 86 0
                                    

Mitch's Pov

Hinatid ko na si kam pauwi sa bahay nila, kahit ayaw niya wala na rin siyang nagawa. Nabibiwisit talaga ako sa mga bisugo na yun. Ang kapal ng budhi.

Kasalukuyan na kaming naririto sa kotse. Tahimik lang siyang nakadungaw sa bintana. Hinawakan ko yung kamay niya. Nagpupumiglas nanaman siya pero mas lalo ko lang hinigpitan.

pahawak lang ako.

Ayoko nga.

Ay ang damot naman ng baby ko.

Hindi niya na naman ako pinansin. Umatake na naman ang pagkasuplada. Natutuwa talaga ako sa kanya , hindi siya katulad ng ibang babae na malandi pag dating sa akin, na puro gusto lang gawin ay maglampungan. Hindi rin siya linta kung makadikit ay wagas. Kakaiba talaga siya. Hinding-hindi ko talaga siya pakakawalan. Parang sa puno siya yung nasa tuktok na mahirap abutin, kailangan mo pang pumatong para maabot lang. Ibig sabihin kailangan mo pa siyang paghirapan bago mo makuha.

Bakit mo ginawa yun?

Ang alin?

Yung kanina sa mga babaeng mukang bisugo?

Ah! well ilan bang beses gusto mong sabihin ko sayo na mahal kita? I mean hindi naman ako napapagod ,pero gusto ko sana mong maintindihan itong nararamdaman ko para sayo. Na seryoso ako sayo.

Bakit muka ba akong nakikipaglokohan? Alam mo kasi kung umasta ka dun akala mo ikaw may-ari nung iskwelahan na yun.

Kami naman talaga ah!.- mitch

Kayo nga, pero yung ikaw mismo tanga!

Ang sungit mo talaga.

Ganun? Eh! di sana layuan mo na ako.

Dyan ka nagkakamali , kala mo ganun-ganun lang na makakatakas ka sa akin? pwes hindi ! Magiging akin ka. Sa ngayon dadahan-dahanin ko muna , para maging girlfriend kita. At lalong hindi ka ma freaked out kasi minamadali kita.

Bugok ka ba? Bugok ka talaga,akala mo ba may balak akong makipagrelasyon sayo, utot mo -kam

Huh? Tandaan mo laging akin ka lang at walang ng iba.

Tandaan mo ring hindi ako sayo.-kam

Nasa tapat na kami ng gate nila. Bumaba na ako kaagad, at pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse.

Dederetso lang siya. Pero hinawakan ko siya sa kamay at hinila palapit sa akin.

Hinalikan ko siya sa labi, nung una hindi muna niya ginagalaw , pero bumigay rin siya.

Tumagal rin ng ilang minuto at hiniwalay ko na yung labi ko sa kanya. Tinitigan ko sya sa mata habang hinihimas yung pisngi niya.

At pumasok na rin siya sa loob. Pumasok na rin ako ng loob ng kotse at pinaharurot ko na pauwi.

Mahal na mahal ko na talaga tong babaeng to, hindi ko makakaila iyon.

Kam's Pov

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Umakyat at humiga sa kama. Kakaiba talaga yung babaeng yun.Sobrang kulit, at yung mga katagang binitawan niya kanina habang nasa kotse. Tapos hinalikan pa niya ako bago siya umalis. Ibig sabihin ba nun nag che-cheat na ako kay Zach? Pero mabait na tao si Zach. Hindi na rin kami gaanong nagkakausap. Dahil parehas kaming busy sa pag-aaral. Sa totoo niyan mahal ko siya pero parang nababawasan na dahil na rin siguro sa hindi kami nagkikita. Mabait siyang tao, pero hindi ko kayang lokohin siya kahit na hindi naman ako mismo yung may gawa. Naguguilty pa rin ako. Siguro tsetsempo ako, makakahanap din ako ng time para masabi sa kanya , at tapusin ang relasyon sa kanya. Dahil hindi nagtatagal ang relasyong katulad nito.

Possessive AND Sadist Girlfriend (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon