Sujin's note:
Nakakadalawa pa lang ako pero bigla akong tinamad. Naku pasensya na. Napre-preoccupied ako sa dami nang iniisip at isa pa medyo napre-pressure. Pasensya na talaga. Pakiramdam ko kasi hindi talaga maganda ang magiging flow nito. (_,_)
II. Seira's POV
Seira Fenrir. 20. Ms. Congeniality. Ang sadistang sexy.
Maganda, matangkad, friendly at kilala nang lahat. Pero merong isang tanga na tila mukhang pa-loner na antukin, na kunwaring mabait, na madaling pasunurin na babae na hindi ako nakilala nang malaman kong nagtransfer siya dito sa Black hearts Academy at parang wala siyang alam na dito ako pumapasok. Sinadya kong palitan ang course na kinuha ko kahit nasa kalagitnaan na ng taong iyon, pati na rin ang mga subjects ko para na rin madali ko siyang masundan.
The typical Miracle. Punong-puno na naman ang schedules niya. Wala siyang binigay na vacant hour para makapagpahinga. Bulong ko sa sarili habang nandito ako ngayon sa harap ng school office para makita ang course at subjects na pinagkukuha niya. Napangisi ako dahil alam kong mas magaling lang siyang makipagbugbugan pag nasa gang fights. At heto kukunin ko rin ang Thaijutso na kinuha niya sa vacant time para talunin siya sa mga matches.
Huh! Jouons le jeu, Miracle. (Let's play the game, Miracle.)
Aller lutte! (Go Fight!)
-----* * *
"Chicsy pa-sleep over sa inyo wala namang pasok bukas eh."
yuck! Nandidiri na ko 'pag sinasabi ko yan sa kanya. Nagyaya akong mag-sleep over sa kanila para kuno manood ng mga movies.
"Naku baka di tayo magkasiya. At isa pa hindi pa ko nakakapaglinis eh. Next time na lang kaya?"
"Sige na please?" (*___*)
"Oo na. Sige na nga. Ano gusto mong pagkain? Dumaan na lang tayo sa grocery wala na rin akong stock sa bahay eh."
Yes! Napapayag ko siya.
"Pwede ba Yats na lang? Ang kulit mo talaga."
"Ang cute kaya." (>,>) cute? saan banda? Kailangan ko lang gawin to para mapalapit sayo.
Nakarating kami sa bahay niya. What? Ito ang bahay niya? Ito yung maliit? Oh mudslide shake!
"Wow! Ang laki pala nang bahay mo para sa nag-iisang tumitira dito. Ito ba yung maliit sayo? Samantalang ako sa condo lang nakatira."
Papatayin ko yung matandang tatay kong iyon 'pag hindi niya ako ililipat ng bahay. Bulong ko.
"May sinasabi ka?"
"A-ah w-wala. Sabi ko nasaan yung tv set mo?"
"Nandyan lang yan.Teka punta lang ako ng kusina."
She's now in the kitchen and I'm alone in her living room. Syete! Nasaan ba yung tv niya? Tsk. Habang hinahanap ko yung pesteng tv niya eh tiningnan ko ang mga gamit niya sa buong bahay. Makikitang organise naman siya sa mga gamit. Wala gaanong nakasabit o nakadikit sa ceiling o sa mga ding-ding. Mukhang fully secured ang buong bahay dahil sa may security system ditong nakakabit. Di ko sadyang nabuksan ang isang kwarto na malapit lang sa sala. Makikitang meron itong drum set, guitar, beatbox, ampli, at mukha itong recording room.
Tumutugtog pa rin pala siya? Tss~I will see you on stage soon.
Naiingit na ako ah. Lagot talaga yung Mr.Richman Fenrir na yun sa'kin.
I know her family is really rich enough to afford all of this kind of stuffs. Hmm...Well my family is richer than hers. hssh...Okay back to reality.
"Hoy chicsy! Saan ba yung tv mo dito? Sabi mo may tv set ka?" Sabi ko na pasigaw na medyo naiirita na, habang tinatanaw ko siya sa may kusina at nakaupo na ako noon sa kulay black niyang leathered sofa bed. May binubulong siya pero hindi ko masyadong mabasa labi niya dahil medyo nakatagilid siya sa akin.
"Barney bumukas ka." Sigaw niya habang dala-dala ang bowl ng pancit canton na pinaluto ko. At may lumabas na tv set sa mala-kulay lilac niyang ding-ding. Syete! Napanganga ako nun ah.
"Wow! Ang lufet Chicsy. (*o*) High tech ng bahay mo. Pero ang corny mo. Barney the purple gay dinosaur ang password?" Anak ng tokwa! Ang corny pala nitong babaeng ito. Ito ba talaga ang babaeng kinatakutan ng lahat. Pss~
"Yats sabi. TSs~ gusto ko lang kulay nya pero di ko trip si Barney." Alam kong naiinis na siya sa tawag ko sa kanya, konti na lang lalabas ka rin Miracle.
"Aha favorite ni chicsy si Barney. Pahug nga. Cutie pattotie na purple dinosaur." Niyakap ko siya at kinutkurot sa pisngi. Okay malapit na talaga.
"Ahem!! Tigilan mo na pagpapacute mo hindi ako si Shitake. Isaksak mo na yang usb at baka lumamig pa itong pancit canton na pinaluto mo sakin."
"Shintaru hindi shitake!" Pagtatama ko sa pangalan ng boyfriend ko at sabay nag-pout.(*3*) Ampupu talaga hirap na hirap na ako sa pagkukunwaring ito. Ilang taon ko na ba ito tinitiis? Naku mahaba-haba na rin ang isang taon ano! Tsk. Yung pakiramdam na nasa loob ka ng klase tapos nauutot ka. Ganito yun eh. Peste ka Miracle lumabas ka na at nang mabugbog na kita.
Umalis siya at pumunta ulit ng kusina para kumuha ng maiinom namin habang sini-set up ko ang tv at namimili ng panonoorin.
Pinagbigyan niya ko sa mga panonoorin namin. Sabi niya corny daw kasi puro love story. Nakakaiyak kaya pati. Batong puso. Hmm. Yan na nakikita ko na ugali ni Miracle. Tiis pa mauutot na ko sa sobrang banas sa kahihintay.
Sunod naming pinanood ang Devil inside na kunwari natatakot ako kaya ginawa ko niyayakap ko siya at pinaghahampas.
"Ohwaaah!! Chicsy stop that movie now. I'm so scared. Please!!
At patuloy ko lang siyang pinaghahampas. Hanggang sa may binubulong na siya.
"Hindi pwede..hindi pwede..." bulong niya.
"Alin ang hindi pwede? Hindi pwedeng mamatay yung kuya nung bida?" pagtataka ko 'kunwari'.
"A-ah o-oo."nauutal na siya. Gusto ko na siyang dambahin at sabihang "Kamusta ka na miracle? Long time no see?" kaya lang bigla siyang nagtatakbo at iniwan ako mag-isa sa sala.
"Noooo!!! Sh*t!! not this time."
BINABASA MO ANG
Codename: Star Miracle
Random" Never dares if you can't. Stop the fuck ups and shut your mouth. Araso? Jugulle?" Yan ang madalas niyang nasasabi sa lahat ng mga bumabangga sa kanya kapag nasa gangster mode lang naman. Magulo ang character ni Star Miracle, may pagka-antukin na l...