Sujin's note:
Dedic sa BesteverFriend kong si @shadowsblade. Ang twiny ni Anne Bernadette Castueras (@berna3gurl). Ang isa pang nawawalang dyosa sa lahat ng social network. Bernadette Ocampo po. Bwahahaha! Labyu mga dyosa. :-* :-*
★
★
★
Gemini Kanzaki Stratford
aka Sky Shadow
Miracle, hanggang kailan ka ba magtatago?
.
.
.
.
.
.
Hindi ako mapakali dito sa condo ni Seira. May invitation akong natanggap kahapon lang. Di kaya nagkamali lang nagpadala nito? Baka sa kabilang unit ito.
Gayunpaman kahit isipin ko na para sa iba hindi maiakila na para nga sa'kin ito dahil nakasulat ang pangalan ko sa loob ng sulat. Kompletong detalye ang nasa invitation. Naroon ang lugar na dapat kong puntahan at kung para saan iyon.
Pupunta ba ako o hindi?
Tingala ko sa kisame.
Hayy~ makapunta na nga lang!!!
Mabuti't pinahiram sa'kin ni Seira ang kanyang motor at nang may magawa ako. Nakakapagod na rin na sa buong tatlong taon kong pag-iikot sa buong planetang earth at sa kalawakan ay nilunod ko ang aking sarili sa alak.
Ayos to battle of the band. Alam ng nagpadala nito na mag-eenjoy ako rito. Kung sino man siya, Salamat! Nakakamiss na rin ang ganito. Kamusta na kaya silang lahat?
Nakarating ako sa school na tinutukoy ng invitation. Aba tingnan mo nga naman marami nang pumapasok, siguro ang iba rito ay mga taga-labas at ibang school din. Pinakita ko kay manong guard ang invitation card at saka niya tinuro ang parking area at kung saan yung battle ground.
Miracle, tanda mo pa kaya yung panahon na nangako kang maghihintay ka?
Nasaan ka ba, naghihintay ka pa rin kaya?
---- Pagkauwi ko ng gabing iyon hapong-hapo ako sa pagod galing sa sideline kong trabaho. Hindi ko kasama ang banda dahil day off namin sa gig. Sa sobrang pagod nahiga na ako sa kama ng hindi nakakapagpalit ng damit.
Pagkalipas ng dalawang oras nakita ko ang cellphone ko na marami ng missed calls na hindi ko nasagot sa iisang tao. "Pss. ano naman kaya nangyari dito at kung anu-ano na rin ang pinagtitext niya?" Tatawagan ko na sana siya nang biglang nag-ring ulit ang phone ko at sinagot ko ito.
"Hello?" bakit parang ang ingay? Ha, tumugtog sila na wala ako? Mga siraulo 'to ang dadaya ah?!
"Hell~ow!?" ang hinhin ng boses na may kasabay pang tawa. Nababaliw na naman siguro to.
"Hoy buang! Nasaan kayo? Daya niyo ah? Hindi niyo ko sinama."
"Hello? ikaw na ba yan? --ahehehe....sinagot na niya tawag ko.---Hoy babae, umayos ka nga! ang bigat mo kaya." patay! sino mga kasama niya? Hindi sila Purpleblade kasama niya? Nangchi-chix na naman to. Hindi siya kakayanin ng mga babae sa bigat pa naman niya.
"Hoy buang ka na naman! Saan ka ba ngayon ha?"
"Sa SandyRock Bar. Yung pagmamay-ari nila Kuya Rocky? Hehehe! Ang saya kaya. Pupunta ka ba rito? Ang daming chix dude."
"Baliw! Hoy alam mo namang hindi ka pwedeng sumobra ng inom. Hindi ka na makakauwi niyan. Mananakawan ka na naman ng gamit nyan?"
"Tange! edi pumunta ka na lang dito para samahan mo ko."
"Sinu-sino kasama mo?"
"Syempre yung mga chix dude. ---~Diba babe? Ano nga pangalan mo?
--naku po manahimik ka dyan Yua iwanan ka namin dito sige ka.. (sabi ng isa nyang kasama. Siguro mga kaklase nya yun.) Grabe ka babe makalimutin ka.. Ako si Margaux. At ako naman si Jacqués [pronounce as Jacky]. (Ano raw? Tay na.)~Hoy kayong dalawa manahimik nga kayo nilalandi niyo pa yang isa. Hoy kung sino ka man kausap nitong isa ilalabas na namin sya sa bar. Wala na sa katinuan 'to eh." naririnig ko na lang tumatawa at humihikbi sa kalasingan 'tong si Miracle. Anak ng tokwa. Naku sumobra nga sa inom 'to. Talaga naman!
"Hoy Miracle! umayos ka pupuntahan kita dyan."
"No,no,no! Sumakay na ko ng taxi. Ayaw na nila ako kasama eh. Manong doon po tayo sa Stratford beach house resort, alam mo po ba yun manong?-----Opo mam."
"Hoy hoy! Uuwi ka ng Batangas? Bakit doon ka pa baliw?"
"Bakit bawal ba ako sa resthouse namin?"
"Hoy maka-angkin ka! Amin yun. Baka makita ka ni Matanda dun."
"At bakit, ano gagawin niya sa'kin? Bali-bali sa'kin yun pag hinawakan ako." pagyayabang niya. Yabang!
"Hayy ewan ko sayo! May lakas ka kaya sa ganyang kalagayan mo ha?! Baliw! Sige on the way na ako doon. Tsk."
Nasa Beach house tayo noong panahon na yun. Hindi ako makawala sa pagkakayakap mo. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Para kang drugs nakakaadik. Parang paninigarilyo hindi ko mapakawalan. Kahit anong mangyari gusto ko lagi akong nandyan. Naghihintay ka pa rin kaya? Miracle naman wag mo na akong pahirapan. Nakaka-bading pakinggan pero nagiging corny na ako mula ng mawala ka. Badtrip! Bakit kasi ikaw pa?
★ Tinigil ko saglit ang panaginip na bangungot na lang ng nakaraan. Siguro pagkatapos ng event na ito babalik na ako sa pag-aaral. Makikipagsundo na lang ako doon sa matanda at nang may mapala pa ako sa wasted na buhay ko.
Marami ng nagsimulang bandang tumugtog. Umikot-ikot ako saglit sa mga booth stores na nandoon malapit sa stage. Dalawang stage ang nilagay nila para atleast sabay mai-judge ang mga kasali. Ayos din yun. Efficiency and less time nga naman.
Maraming nagbebenta ng mga souvenirs, parang tunay na concert lang. Ayos din ng mga trip nila maka-benta lang.
BINABASA MO ANG
Codename: Star Miracle
Random" Never dares if you can't. Stop the fuck ups and shut your mouth. Araso? Jugulle?" Yan ang madalas niyang nasasabi sa lahat ng mga bumabangga sa kanya kapag nasa gangster mode lang naman. Magulo ang character ni Star Miracle, may pagka-antukin na l...