Ika-Una

13 0 0
                                    

*17 years later~~*

Hunter's POV

"Ang gwapo mo talaga, self! Kaya maraming babae ang nagkakandarapa sayo eh!"

"Kuya! Get faster please! Im 20 minutes late!"

"Hi 20 minutes late!" Natawa ako matapos magpapadyak ng kapatid kong si Nimrod (Nimrad),binaliwala ko nalang iyon, at tyaka inayos  maige ang necktie ko bago ako humarap kay Nimnim, napakabratenela talaga ng batang ito, lagi akong pinapatawag ng Dean dahil sa kanya, 3 taon  ang tanda ko sa kanya pero grabe ang record ng isang ito sa Dean's office tambak! Natawa ako sa sarili kong naisip. Spoiled brat.

"Akala mo naman talaga e tunay kang nagaaral no, Nimnim? Mahiya ka naman na ang kapatid na BABAE ng running for top student of the year ay isang bulakbol!" Asik ko sa kanya at ginulo gulo ko pa ang buhok nya saka ko inabot ang bag ko at nilampasan sya.

•••••••••••••

"Urgh! Kuya! Ano matagal pa ba yan? Babalik na talaga sa bahay!"

"Bat ba napaka reklamador mo? Sandali lang to, saka wag ka nang bumalik sa bahay, gusto mo bang ihatid ka ni Mom?" Nandito kame malapit sa gate ng village dahil biglang naubusan ng gas ang kotse ko, tas reklamo pa ng reklamo tong batang to!

"Hmp! Moro---, ARAY!" Daing nya ng pitikin ko ang noo nya. Napakasama talaga ng ugali.

"Itigil mo na iyang bunganga mo dahil mapuno na---"

"Anong problema?"

"Nimro--" natigil ako sa pagsasalita ng makita kong nasa loob na ng kotse si Nimrod at na headset. Kung nasa loob na si Nimrod...Sino yung nagsalita?

Dagli akong lumingon sa likuran ko at isang babae ang nakadungaw sa akin, bahagya syang napaatras ng magtama ang dulo ng ilong naming dalawa, at para bang napakaswabe ng galaw nyang iyon.

"Ano kako ang problema?" Napaayos naman ako ng tayo ng magpitik ang daliri nya sa harap ng mukha ko, matagal siguro akong namangha sa kanya.

"N-naubusan kase kami ng gas." Tanging nasagot ko,tumango tango naman sya saka sumilip sa likod ko.

"Nimrod?" Literal na nanlaki ang mata ko ng bigla nyang banggitin ang pangalan ng nakababata kong kapatid.

Hinarangan ko agad ang bintana sinisilipan nya. "Bakit mo kilala ang kapatid ko?" Tinapunan nya lang ako ng tingin saka ulit tumabingi ang kanyang ulo at tinignan ang kapatid ko, syempre humarang ulit ako.

"Kapatid mo sya? Kala ko girlfriend mo." Inosenteng sabi nito saka nakipagpatintero sa akin ang kanyang ulo para lang masilip ang kapatid ko.

"Pede bang tumabi ka?"

"ARAYYY" shit shit shit shit, nagpagulong gulong na ako sa sakit ng bigla ay parang nakoryente ang leeg ko. Napahawak ako sa markang tinatago ko sa bandang leeg ko. Nang mawala wala na ang sakit ay tinignan ko sya ng masama, pero nagulat ako ng makita ang lamlam ng mga mata nyang nakatingin lang sa akin, para bang may pumapasok na sa utak nyang kasamaang ginawa ko.

"Ate Fear?, asan si Kuya Hunter?" Parang mas lalo pa akong nagulat sa itinawag sa akin ng kapatid ko.

"Ate Fear?" Ulit pa nito, kaya dali dali na akong tumayo at inalis ang pagkakatitig ko sa mga mata nya.

"Kilala mo sya, Nimnim?" Tango naman ang isinagot nya sa akin.

"Wahhhh! Nimrod!" -_- kanina ang lungkot lungkot ng mata ng babaeng to, tapos nakikipagyapusan na ngayon sa kapatid ko? Why so bipolar girls?

Her PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon