Fear's POVNagising ako dahil sa tunog ng mga makina, alam ko na agad kung asaan ako, amoy palang. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago pinatigil ang lahat.
"Letse!" Asik ko sabay hablot sa mga kung ano anong nakamabit sa may kamay ko, bangdang dibdib at yung parang plantsa na nakalagay sa dibdib ko na hawak hawak pa ng taong nakagown na puting ito, doktor ang naririnig kong tawag sa tulad nya. Psh.
Ibababa ko na sana ang mga paa ko ng marinig ko ang pamilyar na hinga. Tinaas ko ang paningin ko at doon ay natunton ko si Hunter.
I sighed. "What the fuck?! Anong panaginip to?" Aniya, pinagpatuloy ko lang ang pagtatali ng suot ko at pagaayos ng tsinelas na nasa paanan ko na. "Fear! Anong nangyayare?!" Galit na sigaw nya sa akin.
"Tingin mo?" Natatawa kong sagot sa kanya, nagtiim naman agad ang bagang nya na tila ba asar na asar na sa akin. Tindi din nitong taong to e! Namomoroblema na nga ako dahil hindi sya naaapektuhan ng mga kakayahan ko tapos sya pa galet? Huwaw! Huwaw lang!
"Fear! What.the.fuck. is. Happening?" Jusq! Kung maingay si Nimrod ay saksakan na itong kapatid nya, maingay man ako pero grabeeeee! Parang siraulong plaka na may kakaibang taglay na ingay ang isang to!
"Sigurado kang hindi mo natatandaan?" Taas kilay kong tanong sa kanya "Hay nako! Ikaw na lalaki ka! Kaya ako nagkaganito e! Dahil dyan sa laway mo!" Sumbat ko sa kanya, nanghuhuli. Alam kong nahihirapan akong bigyan sya ng epekto gamit ang mga kakayahan ko. Imposibleng nabura kong lahat ang ala-ala nya nung una kaming nagkita.
"Ibig mong sabihin ay bawal sa mga bampira ang laway ng mga tao?" Gulat na tanong nya. SAPUL!
"GOT YA!" Maingay na sigaw ko sabay ang akbay sa kanya. "Hindi mo nakalimutan yon, tama ba?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Nawalan lang ako ng malay ng araw na yon. Now Fear Kaleesi Muerte, explain to what are you, and who are you. Totoo ba yung nasasaksihan ko?" Tumawa ako ng malakas dahil sa reaksyon nyang parang bakla. "Dude! HAHAHAHHA! IRRRR!" Pagpapakita ko sa kanya ng mga pangil ko, sabay naman noon ang pag-atras ng ulo nya at panlalaki ng mga mata. "Ting!" Asar ko pa sa kanya at pinitik ang lamok na nakalutang sa ere. Saka ko sya hinila palabas ng ospital. Lumalagi lang kase ang pagpapahinto ko ng oras sa loob ng 5 minuto, at dahil sa kadaldalan ng lalaking ito ay isang minuto nalang ang natitira sa aamin. PAKINING PAKERS!
"BUKSAN MO BILIS!" Sigaw ko sakanya ng makalabas kami ng ospital at makarating sa tapat ng kotse nya dahil paniguradong nagkakagulo na sa loob.
"Teka teka sandale" tarantang aniya rin sa akin.
"Bilisan mo, nagiging bampira ako sa ganitong oras!" Kita ko pa ang pagtaas ng dibdib nya sabay ang paaalinlangan nyang magbukas. "Biro lang hehe, buksan mo na dahil nagkakagulo na sa loob."
"Siraulong babae." Bulong nya at saka binuksan ang pinto.
"Ate Fearrrrr! Sandaleeeee!" Laging tatandaan, ang maingay at rindi sa kapwa maingay, asar.
---------------------------
"NOW TELL ME ALL ABOUT YOU FEAR." Mariing aniya sa akin. Nasa isang pribadong restaurant kami ngayon na pagaari ng lola ko, yung huling centro ang tinutukoy ko, dahil namatay ang mga magulang ng Mommy ko ng ipinanganak ako dahil sa dami ng nagtatangkang patayin ako, sa part naman ni Daddy ay napatay sila ng mga kaaway na Muerte ng dahil din sa akin. Kaya kailangan kong ingatan ang lalaking nasa harap ko ngayon, dahil nasa kanya ang simbolong makakapagpahina at makakapagpalakas sa akin.
"Easy, kumalma ka." Natatawa ko pang sabi sa kanya at saka tinapik tapik ang balikat nya.
"Im not kidding around, Fear Kaleesi, Ilang beses na kong nalalagay sa panganib, pero may isang tao ang laging nagliligtas sa akin sa loob nung anim na buwang wala ka." Tumango tango ako sa mga sinasabi nya at saka humigop na parang bata sa harap nya, ngumiwi sya sa akin *plok* (tunog yon ng pitik, wag kang ano*
"Arat! Tadyakan kita dyan e!" Pinitik nya kase ang noo ko. IDIOT! Pinagdikit ko ang mga labi ko at saka nagmakeface nung bumaling sya sa inumin nya.
"Oh, cut that crap, Fear! Nakikita kita." Tumuwid ako ng upo at ngumiti sa kanya (pabebeng ngiti, gets nyo?)
"Im not doing anything, I promise!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko para makatotohanan, charot.
"Bad Liar" aniya saka nya ginulo ang buhok ko.
"Beautiful Liar" pagtatama ko sa kanya, sabay ang napakainosente kong mukha at ngumiti sa kanya, tumayo pa ako ng konti para maabot sya at saka hinaplos ang buhok nya, taray ang lambot! "Sa susunod na haplusin mo ang buhok ko ay dahan dahanin mo na parang ganito, okay?" Pagpapaliwanag ko sakanya saka muling umayos sa upuan ko.
"O-okay?" Ginantihan ko lang sya ng ngiti at saka isinenyas sa kanya ang pagkain na nakahanda.
"Kain kalang Nimnim!, wag ka ng aabsent para sa akin ulit, malinaw? Mag aral kang mabuti! Aja!" Baling ko kay Nimrod, nagpapapalit palit lang ang tingin nya sa amin ng kapatid nya at saka ngumiti ng tipid sa akin, bago ngumiti ng ngumiti sa pagkain nya, masarap naman talaga kung magluto ang lola ko, talent nya yon.
Ganito pwesto namin para manamnam mo ang pagbabasa, kagatin kita dyan e, gigil.
Ako ||(table) || Hunter
NimrodNasa gitna na kami ng pagkain ng magsimula na akong magpaliwanag.
"Isa akong bampira, kalahating Muerte o Red Vampire at kalahating Sauveur o Blue Vampire." Ipapagpatuloy ko na sana ulit ng nangabala si Hunter.
"Seryoso ka?" -_- nagpapasalamat talaga ako at pinalaki akong matalino ng magulang ko, ganyan din ang tanong ni Nimrod nung nagkwento ako sa kanya.
Hindi ko na sinagot ang tanong nya at hinawakan nalang ang kamay nya, saka sya tinitigan sa mata, ito ang kakayahang naipamalas ng aking ama, ang mailahad ang mga gusto kong sabihin sa pamamagitang lamang ng titig at pagkonekta sa kanila. Best Stupid Daddy Ever! But I Love Him so much!
"Ako ang huling emperatris sa aming lahi, nasa akin ang lahat ng simbolong naghahatid ng kakayahan maliban sa isa, yang nasa dibdib mo. Ako ang imposible sa imposible dahil namamatay ang sinumang mahaluan ng dugo ng isang Muerte na isang Sauveur, ako lang ang nagiisang hindi, at base sa propesiya ay ang huling emperatris lamang ang magkakarion ng taglay na mabuhay sa kabila ng magkahalong dugong dumadaloy sa kanyang katawan, hindi kame nakain ng tao o naninipsip ng dugo tulad ng mga napapanuod at nababasa nying vampire stories, kumakain kame ng gulay prutas at mga pagkain katulad nyo maliban sa karne. Nagkakasakit ako dahil sa likido ko mga bagay na nakakapasok sa katawan ko na galing sa katawan ng tao pero hindi naman ako mapapatay nito. Ikaw ang napili ng simbolo na yan, kung bakit ay hindi ko alam at kung maaare ay wala kang pagsasabihan nito, wala rin sanang makakita ng tatak na iyan hanggang kaya mong itago dahil mapapahamak ka."
Pumikit na ako matapos kong ipaliwanag sa kanya ang dapat nyang malaman.
"Ano? Naniniwala kana?" Mayabang kong tanong sa kanya, umiling nanamn sya na para bang hindi makapaniwala.
"Gusto ko ng yema at mais" nakasimangot kong sabi, nang nagangat ako ng tingin sa kanila ay kakaiba na ang itsura ni Hunter at nagpipigil na ng tawa si Nimrod,
"You are unbelievable, Fear." Aniya at saka parang timang na sumubo ng pagkain.
"And amazing!" Dugtong ni Nimrod.
~Tobecontinue~~

BINABASA MO ANG
Her Promises
Teen FictionHindi mo masasabi na sa lawak ng mundong ito ay tao lamang ang naninirahan o hindi kaya'y hayop. Hindi ako naniniwala sa mga ganong klase ng nilalang, pero mali ako ng akala ng nakilala ko si Fear, ang babaeng ginawang posible ang imposible. Ang ba...