Hunter's POV
"Dismissed" ani Miss Laufey matapos ang mahaba habang sermon sa aming klase.
"Gg ka na naman, Hunter HAHAHHAHA!" Pangaasar pa sa akin ni Josh.
Bakit ba kasi naubusan kami ng gas? Bakit dumating pa yung bababeng yun? Urgh!
"Hunter, san tayo mamaya?" Naputol ang pagiisip kong iyon ng bigla ay kumapit sa braso ko si Aisha.
Sh*t bakit ba napakalandi ng babaeng to?
"Wala." Walang gana kong sabi, saka inalis ang pagkakakapit nya bago ako sumalagpak sa upuan ko.
"But babeeee! I want you now!" Maktol nito sabay ang pagkalong sa akin at paghimas sa natatago kong pagkalalaki.
"Sh*t Aisha! Pede ba? Badtrip ako ngayon at wala akong oras para sa mga makeouts makeouts! Alis." Singhal ko sa kanya.
Tama kayo, kung gaano ako katinong kuya at anak sa bahay ay ganito ako kagago sa school. I love playing around, hilig ko ang maglaro at makipaglaro.
"Attention for Mr. Hunter Montreal, please come to the Council's Office now." Hindi ko na hinintay ang hustisyon ni Aisha, basta na lang ako tumayo dahilan ng pagkakalagapak nya sa sahig, hindi ko na ito tinapunan ng tingin, tamad na tamad na lang akong naglakad.
"Wahhh! Girls! Its Hunter!"
"Where?! Where?"
"OMG he's gwapo when he look so bored!"
" Sana ako naman ang ikama nya, sh*t, its really are my pleasure!"
Napangisi ako sa mga naririnig ko sa paligid ko. Ang gwapo mo talaga self!
Aakyat na sana ako sa hagdan papunta sa Council's Office ng biglang...
"Tabe! Shit! Shit! Shit! Tumabiiii kayoooo!" Naalarma ako ng isang babae ang nakasakay sa Skateboard na may dalang bowl. Mabilis ang takbo nito dahil na rin siguro sa dulas ng sahig, tatabe na sana ako dahil deretso sa dereksyon ko ang tulin nya pero huli na ang lahat. "Shit! Tabeeee!" Sigaw nya pa sa akin.
"Hala! Hala! Sorryyyyy! Okay ka lang? Wahhhh! Patay na naman ako nito!" Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa pagkakabagsak ng bowl dito, kung ano ano na rin ang nasabi kong mura dahil sa sakit, malagkit narin ang uniporme ko panigurado, dahil ramdam ko ang lagkit ng aking mga braso.
Nakahiga na ako sa sahig at hindi makabangon dahil sa sakit ng paa kong tinamaan ng skate board at kung hindi ako nagkakamali ay nakaluhod sya malapit sa kanan ko.
"Huy! Teka, Hunter? Hunter? Wahhhh! Hunter! Hala? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"
'Tangna! Ikaw ang tamaan ng kahoy na bowl sa mata, matapunan ng malagkit na laman non at matamaan ng skate board sa paa? Okay pa kaya sya non? Sino ba to?'
Maghihimagsik na sana ako dahil sa ginawa nya ng bigla ay hawaka nya ang mata ko, unti unti ay nawala ang sakit na kanina ay iniinda ko. Matapos nyang hawakan ang kamay ko ay dumako sya sa aking tainga at may ibinulong
'Facultatem et sanitatem, et vulnera morbus fatisque infracta'
Gumaan bigla ang aking pakiramdam, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ay doon ay kitang kita ko ang mukha ni Fear na tila alalang alala sa akin.
Doon ko rin napansin ang pagtigil ng mga tao sa paligid namin, wala ni isang nagalaw, si Fear lang ang mabilis ang paghinga, parang kabadong kabado, at gulat na gulat ng magmulat ako. Pinapatigil nya ba ang mundo? Ang oras? Sh*t, dahil lang siguro to sa pagkakabagok ko sa baitang ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Her Promises
Teen FictionHindi mo masasabi na sa lawak ng mundong ito ay tao lamang ang naninirahan o hindi kaya'y hayop. Hindi ako naniniwala sa mga ganong klase ng nilalang, pero mali ako ng akala ng nakilala ko si Fear, ang babaeng ginawang posible ang imposible. Ang ba...