Ikawalo

3 0 0
                                    

Hunter's Father

Hunter's POV

Tahimik lang akong nakahiga habang iniisip ang mga kinuwento ni Nimrod, hindi ako naniniwala na isang bampira o ano si Fear dahil sa tuwing nakikita ko sya at tumitingin ako sa mga mata nya ay karaniwan at mahinang babae ang nakikita ko, yung tipong ang sarap mahalin.

"KUYAAAAAAA!" nagulantang ako sa sigaw ng kapatid kong iyon kaya dagli akong lumabas ng kwarto. Nastatwa na agad ako ng makita ko ang taong nagpagulo ng buhay namen.

"P-papa..." mahinang tawag ko rito, hayon paren ang mga berde nyang mata, ang maangas nyang dating at ang kahanga hanga nyang tindig.

"KUYAAAAA!" sigaw ni Nimrod habang naiyak, gusto ko syang lapitan pero di ko magawa, gusto ko syang patahanin pero kahit akoy, napako na sa kinatatayuan ko.

"Umalis kana dito, Homer. Maayos na ang buhay ko at ng mga anak mo" matigas ang pagkawika ng aking ina sa mga katagang iyon, nawala ang makulit at maingay na nakasanayan namen.

Sandali kong sinulit ang mumento ko na nakatingin lamang sa aking ama, dahil unti unti ko ng naramdaman ang sakit ng marka ko sa may dibdib.

"Pedeng payakap si Papa?" Sabay ng pagkakasabing iyong ni Papa ay ring pagbukas ng pinto, agad na napalingon ang lahat maliban sa akin.

"A-Ate F-Fear..." nang kumpirmahin ni Nimrod kung sino ang taong nagwaglit sa sinaryo namin kanina ay saka na ako naglipat ng mata sa kanya, walang bakas ng takot, o ni kahit na aning emosyon ang mukha nya, kahit ang mata nyang maingay ay tila wala ring sinasabe. Para bang nakatingin lang sya sa isang bagay na walang kwenta, walang papel sa mundo, at sa tatay ko sya nakatingin.

"Ms. Muerte" banggit ng aking ina, doon pa lamang naglipat ng pansin si Fear, umamo ang mukha nito, bumalik sa pagiging maingay ang mata nya at saka ngumiti ng pagkatamis tamis sa aking ina.

"Madame." Aniya sa aking ina at saka tumungo ng mababaw, gumagalang.

"Ate Fear?" Nahihirapan pang sabi ng kapatid ko, nginitian lang sya ni Fear at ganon nalang din kabilis na pawang gumaan ang loob nito. "Kukuha lang ako ng maiinom nyo" agad na nagtungo si Nimrod sa daan papuntang kusina ng sambitin nya iyon.

Pumihit naman si Fear kay Papa at saka yumuko ng mababaw, tila gumagalang. "Magandang gabi po, Mister" magalang ngunit nagbibirong ani nito sa aking ama. Nabigla pa ako ng ngumiti din sa kanya si Papa.

Umupo na si Fear kahit wala pang sinasabi ni isa sa amin, ibinaba nya ang bag na dala nya at sinuot ang tila toga sa kanyang unicorn na panjamas. Hindi ito ang oras para makyutan ako sa kanya pero yun ang naiisip ko, kaines.

"Okay na po ba ang pakiramdam ng dibdib nyo, Madame?" Tango lang naman ang itinugon ni Mama, umupo na din ako sa isang single sofa namin at saka nagobserba.

Ineneksamin nya ang mga braso, pulso at dibdib ni Mama, nagtataka man ay nanahimik lang din ako dahil ganon din ang ginagawa ni Papa.

Maingat nyang inayos ang mga syringe at kinuha ang isa, may mga sinasabi sya kay Mama pero hindi ko na maintindihan. "Pampamanhid ito, Tita, para hindi mo maramdaman ang sakit ng sugat mo, heto naman ang ipapaturok nyo kay Nimnim, bukas ganitong oras den. Stay away from stress and please take your maintainance." Tumayo ito at naghikab. Walang pake sa nakakakita sa kanya.

Inilagay nya ang mga kamay nya sa puting gown na isinuot nya kanina at saka itinali ng bahagya ang buhok. Doon naman ang pagdating ni Nimrod, matamlay man pero alam mong gumaan na ang loob nito.

"Hindi na po ako magmimiryenda, malapit lang naman po ang bahay ng lola ko dito, uuwi na po ako, start napo ng duty ko sa may Antipolo, bukas ng gabe. Salamat po ulet" masiglang ani nito. Saka isinuot ang back pack nya at kumuha ng orange doon.

"Can you please stay for a while, ija? I wanna talk to you." Nagulat ang lahat ng bigla ay nagsalita si Papa, wala sa amin ang mga mata nya, at tila napakaseryoso nya kesa sa seryoso nyang mukha date.

"No Pa, I mean, sa susunod nalang at alas otso na, sa may bandang unahan pa ng village ang bahay ng lola nya." Noon palang ako nagkaroon ng boses para magsalita, tiningala naman ako ni Fear ng magbanggit ako non, mas matangkad ako kaya kitang kita ko ang pagkainosente ng mga tingin nya.

"Okay lang po, Mister Montreal" nabigla ako ng sabihin iyon ni Fear. At napapikit naman ako ng marinig ko na naman sa ulo ko ang boses nya, baliw na yata ako.

Im good, dont worry

Muli kong nilingon si Fear ng marinig ko iyon, kumindat lang naman sya sa akin at saka seryosong tumingin sa ama ko. Hayon na naman ang mga titig nya nung hinalikan ko sya. Maangas na syang maglakad ngayon kesa sa isip batang lagi na nakabuntot sa akin.

Ayoko man pero sinundan ko si Fear hanggang sa maabot namin ang hardin. Doon ay sandali pa syang tumigil dahil naabutan nyang kausap ni Mama si Papa.

"Lunatic" rinig kong ani Mama, tinutukoy si Papa. "Ang batang iyon ang huling emperatris? Kalokohan, she's just an ordinary girl, isang babaeng alam kong di mo matatagalan dahil kahit anong sungit mo sa kanya ayon parin ang ngiti nya."

Hahakbang na sana ako ng bigla ay nasa tabi ko na si Fear, nakatiad at inaabot ang mga tenga ko.

"Sya ang Papa nyo?" sandali lamang iyong pangyayare na iyon at bumalik na syang muli sa kanyang puwesto, tila, sinasadya nyang patunugin ang kilos ng kanyang mga paa upang malaman nilang parating sya, ako naman ay umupo na sa may madilim na parte ng aming hardin.

Tinititigan lamang sya ni Papa at nanlaki ang mata ko ng nagbago ang itsura ng lalaking naandoon, hindi nga sya ang Papa ko, pinigil ko ang paghinga ko dahil alam kong baka isa rin sya sa gustong pumatay sa akin, nakangisi lamang ito kay Fear, di ko alam kung umaarte ba sya pero para na syang bata ngayon na hawak hawak sa leeg nung lalake, sinasakal.

"Its been years, Last Empress"

To be continue~~

HAPPY NEW YEAR EVERYBODY! I LOVE YOU💕

-FP.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon