Ikatlo

2 0 0
                                    

6 months ago

Fear's POV

"Fear! Fear!" Sigaw sa akin ni Papa ng makalabas na ng gate ang sasakyan ko, unti unti kong sinasara ang mga bintana, hinito ko malayo sa kanya ang sasakyan sabay ang kaway.

"I love you, Papa! See you later!" Balik kong sigaw sa kanya saka pinaharurot ang Lamborghini Montreal ko.

Ilang saglit pa ay nakalabas na ako ng village namin, sumalubong sa akin ang maingay, mausok, at napakaraming sasakyan.

Agad kong binuksan ang bintana ko para malanghap ang napakalamig na hangin, desiyembre na ngayon at damang dama ko na ang simoy ng kay sarap na hangin.

Napapikit ako at saka dinama ang napakasarap sa taingang huni ng mga ibon, isa sa mga kakayahang ipinamana sa akin ni Mommy.

"Ansaya! Nakabalik na ako!" Masayang sabi ko saka mas pinaharurot pa ang kotse ko, good thing na maluwag ang trapiko ngayon at makakapagpatakbo ako ng mabilis.

Napabagal lang ang pagmamaneobra ko sa aking sasakyan ng madaanan ko si Nimrod sa may waiting shed. Nagsignal agad ako ng left at mabilis na tumabi malapit sa waiting shed na iyon, doon ko nakita ang maruming damit ni Nimrod, pinakatitigan ko sya para malaman ko at makita ang nangyare, at tulad lang rin ng dati ay binubully sya ng mga babaeng pinaglalaruan na ngayon ang wallet nya.

Ang alam ng kuya nya ay maldita at bratinela sya, pero ito talaga ang inaabot nya.

"Ehem!" Pagpaparamdam ko ng presensya ko sa kanila, ganon nalang din ang panlalaki ng mga mata ng mga babaeng iyon, hindi na ito ang unang beses na nangyari ito, at di parin sila nadadala.

"A-Ate F-fear..." agad na nanlumo ako pagkakita ko sa mukha ni Nimrod, hindi ito ang unang beses syang ginanito simula nung umalis ako?

Parang gusto kong sisihin ang sarili ko, kailangan ko ang proteksyon para sa pamilya nila kaya ganon katagal na panahon akong nawala.

"Ilang beses ko na kayong pinagsabihan tungkol dito?" Maangas kong ani, isang hakbang palang ang nagagawa ko ay nagmamadali na silang nagsialisan.

"Ayos ka lang ba, Nimrod?" Agad kong lapit dito, hirap na syang itunghay ang ulo nya, matagal nya na siguro itong iniinda.

Antanga naman ng Kuya mo para hindi ka mabantayan!

"Im starting hating you, Ate" pagkasabi nya noon ay humagulhol na sya, agad ko syang hinapit at niyakap, apat na taon ko naring kilala si Nimrod, mas bata sya ng tatlong taon sa akin, nahuli nya ako noong nageensayo ng pagkokontrol sa hangin at oras. Dumaan ang ilang taon hangang sa sabihin ko sa kanya kung sino at ano ako. Mapagkakatiwalaan sya at isang mabuting bata.

"Im sorry, Nimrod" yakap ko pagkadaka sa kanya, humagulhol lang sya sa mga balikat ko at saka nanghina na doon hanggang sa sya na ang tumigil.

"Ate, ilang buwan na akong ganito, wala ng Fear na makakaramdam ng takot ang makabangga nya, wala ng Fear na galit na galit kahit hindi pa ako nasasaktan, Bakit ngayon ka lang Ate Fear?" Hikbing ani pa niya sa akin, nang makabawi bawi na sya ay inalalayan ko sya at pinapasok sa sasakyan ko.

"Feel better?" Tulad ng dati ay dinala ko sya sa sikat na icecreaman dito sa amin, nakamangiti na sya ngayon at maayos na rin ang itsura.

"Grabe! Kala ko, di kana aabot sa birthday at graduation ko Ate Fear! Aalisin talaga kita sa Friend list ko kahit kayong dalawa lang ni Kuya ang nadoon!" Tawa nyang ani sa akin, sasagot na sana ako ng bigla ay sumlpot sa harap ko ang may umiiyak na babae sa harap ng centro, malabo ang imahe kaya hindi ko mawari kung sino iyon.

Her PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon