*1999*EMPRESS'S POV
Ngiti ang sumilay sa aking mga labi ng matanaw ko ang aking anak na buhat buhat ni Thanos.
"Laufey, Ang ganda ganda nya." Tinapos kong agad ang aking paglalagay ng aking simbolo at lumapit sa mag-ama ko.
"Sino ba naman ang hindi gaganda pag ako ang nanay? At ikaw ang..." tinignan ko sya ng nangungutya, saka ako humagalpak ng tawa "...ang ama." Sambit ko.
"Napakasama mo talaga sa akin" ngisi nya sa akin sabay nakaw ng halik sa labi ko. "Pero mabuti, kadalasan" aniya saka binalik ang tingin sa aming anak ng nakangisi.
Gusto ko mang titigan sila magdamag, pero natatakot ako sa kahihinatnan ng aking Emperatris, ang aking munting emperatris, takot na nagpinahihina ng lakas ng loob ko sa labanan.
Rumihistro sa aking harapan ang aking malaki na na emperatris na masayang nakikipagkwentuhan sa isang binatang lalaki.
"May problema ba, Laufey?" Bumalik ako sa reyalidad sa pagtawag ni Thanos sa akin ng ganon.
"Wala naman, babasbasan na sya, parang kahapon lang ay nanganganib ang buhay nya." Malungkot na ani ko rito, hinapit nya naman ng marahan ang aking balikat at saka ako hinalikan sa noo.
Natigil lang kami sa pangungulit sa aming anak ng pumasok si Profeit, ang Future teller ng mga Blue Vampires, at hindi nga kayo nagkakamali, kaya ganon nalang ang takot ko dahil si Fear na ang huling Emperatris ng aming lahi.
"Pasensya na, Emperatris, dalawang emperatris pala, nakakapanibago." Natatawang sambit ni Profeit pagpasok sa aming silid "dumating na ang mga Centro para sa basbas. Kailangan nya ng lumabas" patukoy nito sa aking munting anak "Thanos, Ikaw ang gustong manumpa ng centro para sa Emperatris. Maghanda na kayo." Sabi pa nito at saka ako tinignan ng makahulugan.
Ito na ang araw na ipapasa ko na ang aking simbolo, ang kalhati ng aking angking husay ay ipapasa ko na rin sa sanggol na nasa aking kalong. At ako naman ay tatahak na sa susunod na yugto ng aking pagiging isang Muerte, ang maging isang Mistresa ( Master ang sa lalake at Mistress naman ang sa babae, wag kayo -_- )
Ilang minuto pang pagpapakalma ko kay Thanos at kami ay lumabas na.
"Ano ba?" Asik ko kay Thanos na parang batang natatakot sa mga lola nya, duwag HAHAHHAHA
"Bakit ba kase ako pa ang napiling manumpa nung mga kalahi mo?" Nagmamaktol na tugon nito, tumingin ko naman sya ng seryoso.
"Ano ang sabi mo?" Mayabang kong sita sa kanya, ugali nya talaga ang magmaktol, di ko alam kung anong nakain ko't pinakasalan ko ang isang ito.
"Aishhh! Nakakainis naman! Nakaktakot kaya yung mga Centro! Lalo na ang lola mo! Para lagi akong kakainin! Pwerkat, may dugo akong Red Vampire." Natawa ako dahil sa pagkakanguso ng kanyang pagkasabi noon.
"Empress, kailangan nyo na talagang dalian ang pagparoon dahil paparating na ang pagdungaw ng araw." Tinignan ko si Profeit na kanina pa palang naroon. Tinanguan ko sya bago kami mabilis na umalis.
Matapos manumpa ni Thanos ay ibinaba ko na ang aming anak sa centro ng pagbabasbas. Lumayo na rin si Thanos at ako naman ay naghanda na.
"Ikaw ang huling basbas, Empress Hella Laufeydoffir Muerte. Ihanda mo ang iyong sarili." Napalunok ako sa paalala ng Punong Centro ng hindi man lang ako tinatabunan ng tingin. Titig lamang ito sa akin anak na nakatingin rin sa kanya,tila ba naguusap silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Her Promises
Teen FictionHindi mo masasabi na sa lawak ng mundong ito ay tao lamang ang naninirahan o hindi kaya'y hayop. Hindi ako naniniwala sa mga ganong klase ng nilalang, pero mali ako ng akala ng nakilala ko si Fear, ang babaeng ginawang posible ang imposible. Ang ba...