Ang Wakas

10 1 0
                                    

Matamis.
Matamis ang mga ngiti habang umuusal ng mga matatamis na salita.
Kahit ang iba ay parang napapaitan dahil sabi nila hindi tayo bagay.
Ngunit iyong sinabi na ako, ikaw, tayo ang itinadhana.
Tayo.
Tayo ang mayroon at walang sila.
Tayo.
Tayo ang nagmamahalan at ekstra lang sila.
Tayo.
Tayo ang bida sa ating pagiibigan kung kaya't hindi ko dapat alalahanin ang sinasabi ng iba.

Humakbang ka paabante at tinangay mo ako.
Sabay natin tinahak ang landas na tayong dalawa lang ang nakakakita.

Landas na tayo lang ang may kakayahan makita ang dulo.

Ang dulo na sana hindi na natin marating upang hindi matapos ang masarap na pakiramdam habang kasama ka.
Ang dulo na kinatatakutan ko.
Ang dulo na nagsasabing tapos na.
Ang dulo na gigising sakin sa pagkakahimbing

Pero humakbang ka ulit ng isa at mas hinigpitan ang kapit sa kamay ko na namamawis na dahil sa tindi ng kaba

Sinabi mo na sabay natin tutuklasin ang kinabukasan at pareho natin itong lalagpasan na magkahawak ang mga kamay. Mahigpit. Sa tindi ng higpit wala hangin ang kayang dumaan.

Paraiso.
Ang tamang salita para ilarawan ang landas na sabay nating pinasok

Paraiso kung saan puno ng magagandang bulaklak na nagsisilbing kulay sa pagmamahalang magkasama nating binuo.

Paraiso na may batis kung saan tayo maghahabulan at magbabasaan.

Paraiso na tila'y pinupuno ng tawa at tuwa.

Tuwa. Sobra ang tuwa sa mga araw na tila ba'y sa mundo mo ay ako lang ang laman bukod sayo.

Labis ang tuwa sa bawat bulong mo sa aking tenga ang katagang "mahal kita" . Katagang paulit ulit mong binibitawan at sinisiksik sa puso at isip na ikaw lang naman ang tanging laman.

Laman ka ng bawat panaginip na sa gabi ay nagpapahimbing. Na tila ba'y ang paggising ang aking bangungot.

Bangungot.
Sana bangungot na lang noong magsimula ang pagbabago ng lahat.

Lahat ay tila nagbago.
Nagbago ang mga bulaklak na kala ko'y naggagandahan ngunit may tinatago pa lang tinik.
Tinik na uti uting nagpapakirot ng puso kong labis na nagmamahal.

Ang paraiso na akala ko noon ay perpekto ay bunga lang pala ng ilusyon.
Ilusyon na akala ko ay totoo. Ilusyon na akala ko'y magtatagal.

Ito na ba ang dulo ng paraiso na sabay nating hinarap

Humakbang ako ng isa habang ang pawis sa noo ay dumadaloy
at sa pagabante ko natuklasan ko na ang dating mahigpit na kapit ay naging maluwag.

Sinubukan kong humakbang ulit ng isa at nakita ko na ako na lang pala ang nakakapit.
Bakit hindi ko naramdaman.
Na sa bawat hakbang pala ng ating mga paa ay kasabay ang unti unting pagkalas ng kamay mo na akala ko ay hindi kaylanman bibitaw.

Ang pagmamahal mo ay tila kasabay ng tubig sa batis na dumaloy papalayo.

Ang dating pagkatuwa ay tila bay naging pagiyak. Pagiyak sa pagtanaw sa mundo mo na tanging ako lang ata ang hindi nakakaalam.
Pagiyak sa bawat salitang binubulong ng mga tao na nagpapakirot ng labis sa aking sugatang puso.

Sabi mo tayong lang dalawa.
Sabi mo hindi ko dapat intindihin ang sasabihin ng iba pero bakit sa pagbukas at pagsara ng iyong bibig ay tila naririnig ko ang mga masasakit na salitang pilit kong sinasalag. Bakit mas masakit ang pinararamdam mo sakin?
Bakit sa istorya natin ay muka akong ekstra at sila ang bida.

Bakit ang tamis ay naging pait?


Paano tayo umabot sa dulo?...

Ang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon