The Bored Wife Next Door

37K 130 12
                                    

"Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit pinagtatagpo ng tadhana ang dalawang taong hindi naman pwedeng magkasama pero nagmamahalan, at kung bakit pinagtatapat nya ang dalawang taong hindi naman nagmamahalan pero nagsasama."

* * * * * * *

Nahihiwagaan na talaga ako sa bago kong kapit-bahay. Ni minsan kase hindi ko pa sila nakitang lumabas ng bahay. Laging sarado yung pinto nila.

Sabi sa akin ng landlord namin, mag-asawa daw sila. Isang buwan na daw mula nung maglipat sila. Kung hindi pa sya pumunta dito at naningil ng renta hindi ko pa malalamang may nakatira na pala sa kabilang unit ng inuupahan kong apartment.

Actually, dalawang butas lang ito. Isa sa akin at yung isa dun sa mag-asawa sa kabila. Medyo malayo kasi ang lugar na ito sa syudad, akala ko nga ako lang ang matyagang uupa sa liblib na apartment na ito, eh.

By the way, i'm Aaron. Third year student sa isang unibersidad dito sa Maynila. Scholar lang ako kaya dito ako nakapag-aral kahit pa sobrang layo na nito sa probinsya namin.

Maganda naman yung apartment ko. May sala, kusina, banyo at isang kwarto, at kung paano mo ito nakita sa loob ganun din sa kabila, magkapareho lang, duplex kasi. At dahil malayo at liblib dito, mura lang ang renta.

Isa na rin ito sa mga pinagtatakhan ko sa mag-asawa. Bakit sa dinami-dami ng apartment o house for rent sa bayan, bakit dito pa nila naisipang manuluyan?

Hindi naman siguro sila pusher o sindikato, ano? At lalong hindi naman siguro sila riding in tandem.

Kada umaga bago ako pumasok sa school lagi kong inaabangan ang paglabas nila. Pero sa tuwing dadaan ako laging sarado ang bahay nila.

Minsan pasulyap-sulyap pa ako sa bintana nila pero wala pa rin akong makita dahil natatakpan ito ng makapal na kurtina.

Siguro masyado pang maaga. Alas sais kasi ng umaga ako umaalis sa bahay, at malamang tuwing school hours lang sila lumalabas, yung time na wala ako at abala sa school.

Kaso tuwing weekend na wala akong pasok hindi ko pa rin naman sila nakikitang lumalabas.

Ano ba naman ang mag-asawang ito?! Hindi ba dapat mini-meet mo mga new neighbors mo kapag bagong salta ka sa isang lugar?

Gusto ko lang naman silang makilala, eh. Sila lang naman kase ang kasama ko sa apat na sulok ng bakurang pader namin.

Isang gabi hindi ako madalaw ng antok, inaatake na naman ako ng insomia ko. Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Umupo lang ako sa tapat ng pinto ko habang nakasalpak ang earphones sa magkabilang tenga ko.

Inabot na ako ng hating gabi pero buhay na buhay pa rin ang diwa ko. Ilang saglit may pumaradang puting kotse sa harap ng gate.

Biglang bumukas ang pinto ng gate at pumasok ang isang lalakeng hindi ko nakikilala. Sya yung lulan ng kotse. Pilit kong inaaninag ang mukha nya pero dahil sa sobrang dilim hindi ko talaga ito makita. Napansin ko lang eh yung kumikinang nyang gold pendant na krus.

Naghanap ako ng matataguan na kung sakaling magnanakaw ito o masamang loob ay akin syang lulusubin. Pero ang unang pumasok sa akin ay sya ang Mister sa mag-asawa kong kapitbahay.

At mukhang tama nga ako dahil dumiretso sya sa kabilang apartment at may sarili ata syang susi dahil nabuksan nya ang pinto.

Kinukutuban na talaga ako sa kinikilos ng mag-asawang ito, kaya nagdesisyon akong manmanan sila.

Sinadya kong magising ng hating gabi at bumangon ng madaling araw kahit mapuyat pa ako. Inabangan ko talaga ang paglabas nila.

At sa mahigit isang linggo kong pagmamatyag ay aking napagkaalaman na tuwing hating-gabi lang talaga umuuwi si Mister, tapos hindi na sya inaabot ng sikat ng araw dahil madaling araw pa lang aalis na sya.

Tatak FicFacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon