Paramour Bestfriends

5.3K 22 11
                                    

I've been in so many different relationship but I never been this happy.

No commitment. No attachment. No feelings. No emotions. No love. And most of all, no pain.

Ilalahad ko ang kwento ko sa pangalang Jennilyn. 29 years old ako ngayon. Single pa rin sa kabila ng kagandahan ko.
Oo, maganda ako, at dahil do'n kaya nagkandaletse-letse ang buhay ko.

Sixteen ako nung unang magka-boyfriend, at sya rin ang naka-una sa'kin. Ibinigay ko ang virginity ko sa kanya, ang unang pagkakamaling nagawa ko sa buhay dalaga ko.

Minahal ko sya pero iniwan nya lang ako't pinagpalit sa iba. Masamang-masama ang loob ko nung mag-breakup kami, at doon pumasok ang ikalawang lalaki sa buhay ko.

Sa konting malasakit na pinakita nya, sinagot ko agad sya at ilang buwan lang isinuko ko narin ang pagkababae ko sa kanya.

Tama! Iniwan lang din nya ako. Katawan ko lang ang habol nya. Hindi ako nadala, pumasok sa buhay ko ang ikatlong lalaki. Tulad nung dalawang nauna, matapos nyang makuha ang buong pagkababae ko, iniwan lang din nya ako.

At hindi pa dun nagtatapos ang kagagahan ko. Every quarter of the year, iba-iba ang nagiging boyfriend ko, at lahat sila pinagbigyan ko.

Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko nagmahal lang ako. At lahat ng lalaking minahal ko, naikama ako.

Hanggang sa mauntog ang ulo ko at natauhan. Dumating sa puntong nagsawa ako at namanhid ang puso ko dahil sa patong-patong na sakit na dulot ng pag-ibig.

Ang walang kwentang pag-ibig.

Sa ngayon, hindi na ako naniniwala sa pag-ibig. Para lang yan sa mga mapanghangad na nakikipaglokohan sa kapwa mapanghangad. Nakikipagplastikan para lang hindi masaktan! Mga pangakong napapako! Ginagawa ang lahat para mapasaya ang isa't-isa pero sa bandang huli putcha, magkakasakitan lang!

Nagpapakamanhid. Nagpapakamartyr.
Pero kapag nakatalikod halos ilabas na ay dugo sa mata. Away-bati, oo, away-bati, at oo, sa huli away nalang wala ng bati!

Takot na ako sa mga lalaki. Ayoko nang magka-boyfriend. Punong-puno na ako ng pangamba. Para sa'kin, ang mga lalaki pare-pareho na lang. Mambobola, manloloko.

Liligawan ka para matali sayo, pero kapag nakuha ka na, aawayin ka para makalas ang taling sila rin ang pumulupot. Iiwan kang sugatan at wala na silang pakialam sayo.

Fuck!

Lalong tumindi ang paniniwala ko sa bagay na ito buhat nung hiwalayan ni Papa si Mama. Imagine, malalaki na kaming mga anak nya pero nagawa parin nya kaming iwan at makipaghiwalay kay Mama, at ano? Ayun, sumama sa ibang babae.

Mula noon pinangako ko na sa sarili ko na 'di na 'ko muling iibig pa. Hindi na ako magmamahal para hindi na ako masaktan pa. Naging bato ang puso ko. Ayoko na!

Hindi porke walang lovelife, wala na ring sexlife. Meron pa! In fact, sa aming mga babae madaling humila ng lalaki pero hindi ako basta-basta nakikipag-sex sa kung sino man, dahil sa tawag-ng-laman may isang lalaking pumupuno ng lahat ng pangangailangan ng aking katawan, ang bestfriend ko, si Patrick.

Sa tuwing maghahanap ang katawan ko ng katawan ng lalaki, si Patrick ang nagpapaligaya sa akin.

Matagal na kaming magkakilala ni Patrick. Sya ang tinuturin kong bestfriend since high school. Kung may isang tao na nakasubaybay ng talambuhay ko, at kilala ako ng buong-buo, si Patrick na 'yon.

Nung una nga hindi ako naniniwala sa opposite sex friendship eh! Alam ko kase 'pag gano'n siguradong magkaka-ibigan din, matutukso sa isa't-isa o pwede ring one sided love, pero ako mismo hindi makapaniwalang tatagal ang pagkakaibigan namin ng walang talo-talo.

Tatak FicFacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon