His Mistress Versus Me

20.2K 84 4
                                    

May mga bagay na may kanya-kanyang dapat kalagyan. Kung sakaling hindi mo alam kung saan ka lulugar, mas mabuti pang magpatangay ka na lang sa hangin sa himpapawid, kaysa salubungin ang agos ng tubig sa ilog. Sa paglubog ng buwan, matatanaw mo ang bukang-liwayway na nananahan sa gitna ng dalampasigan.

Once there was a Witch who fell deeply in love with a Soldier, but the Soldier doesn't love her in return because he was in love with a Princess.

The Witch had been doing everything since then, just to make the Soldier love her. And with all her hope and spell, she made it, and a miracle came which made the Soldier chose the Witch over the Princess.

It was a starlight when the Soldier finally learned to love her with all his heart, and the Witch was living a happy life after she got married.

* * * * * * *

Nagpasabog sya ng isang malaking bomba, at talagang tinamaan ako noong makita ko ito. Napaka-deadly ng ginamit nyang sandata at aminado akong walang panama pati secret weapon ko.

Pagbukas ko ng pinto, gulat na gulat talaga ako sa nasaksihan ko. Magkasiping sila, talagang nagsisiping sila! Sa sarili pa naming pamamahay! Though, romansahan pa lang nadatnan ko pero natitiyak kong sa sex din ang uwi nito!

Tangna, parang napuruhan na ako sa espada ng babaeng ito na tumagos sa puso ko! Nasaktan ako!

Sino'ng hindi masasaktan kung mahuli mo ang taong pinakamamahal mo na nakakulong sa kwarto kasama ang kalaguyo nya?

"A-ano'ng ibig sabihin nito?!" I really don't understand kung bakit nakukuha ko pang magtanong.

Nataranta ang magaling na lalaki at hindi malaman kung paano ibubutones ulit ang polo nyang kamuntik nang mahubad ng bruhang parang ayaw pang tumayo sa kama kahit nakita na nya ako!

"Denisa, let me explain!"

"No!" bigla akong napasigaw, "How could you do this?!"

Umatras muna ako sa laban. Gagamutin ko muna ang sugat ko. Paghahandaan kong mabuti ang bruhang ito sa susunod naming pagkikita. Sa ngayon hinila ko muna ulit ang pinto at saka na ako tumakbo ng mabilis palayo.

This is where the war begins.

* * * * * * *

Mistress.
I hate the word.
I hate the woman behind the word.
And I hate the man beyond the word.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko dito. Parang tangang nakaupo dito sa isang pangit na resto somewhere in San Fernando. Hinihintay ko yung manager na lumabas. Sana tama yung info na nakuha ko na dito nagtratrabaho yung Mistress na yun!

Since last night na mahuli ko sila sa akto, hindi na sya matanggal sa isip ko. And now, i'm here, like a fool, trying my luck to talk to her, na lumayo na sya at huwag nang magpakita pa sa amin forever.

Hangga't nakokontrol ko pa ang anger ko!

I put my Gucci shades on, nung matanaw ko na syang lumabas doon sa pinto ng counter. Her beauty made her the most disgusting whore i've ever seen. If I only have the rights na ilampaso sya sa sahig, sisirain ko talaga ang pagmumukha nya!

"What are you doing here?" ask nya nung makalapit sya sa akin.

Hindi na ako magtataka kung bakit nakilala agad nya ako. Kagabi lang kami nagkita, in the most horrible way pa, pero tinandaan na agad nya ako.

"What do you guess? Did you bring your brain, para isiping kakain ako sa bulok na restong ito?" pagsusungit ko, "Nandito ako para tingnan kung anong klaseng putahe ba ang pinapakain mo sa kanya at parang nabaliw sya sa iyo."

Tatak FicFacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon