The Widower's First Love

5K 30 8
                                    

It's been said that first love never dies, but what if you have found another love? Will you let that unforgettable feelings stay with you for the rest of your life, or will you give yourself a chance to love and to be loved again for the second time around?

Nagsimula ang lahat sa simpleng, "Hi, can u be my textmate?" lang. That was a couple of months ago from now. Galing dun sa isa kong katrabaho yung number nya.

Sinubukan ko lang naman syang itext nung minsang bored ako sa bahay, isa pa gusto ko yung name nya, isa yun sa dahilan kung bakit nakuha nya ang atensyon ko, ang napakaganda nyang pangalan.

Ayun may konting sparks naman akong naramdaman, hanggang sa nagtuloy-tuloy at naging regular txtmates na kami.

Nung una trip lang, pastime lang, 'till I found myself enjoying our li'l conversation turning into li'l sweet sensation. Aba kanta yun ah!

Anyway, tinanong nya kung may FB account daw ako. Umamin ako, sabi ko wala, eh sa wala naman talaga eh! Sa edad ko kasing 36 wala na akong hilig sa ganun, isa pa hindi ako ganun ka-techy, kaya naman hanggang call and text lang ako.

Now about our phone talks, oks naman, she has this soft small voice, yung tipong pabebe ba o pacute, but I find it really funny and good.

Natutuwa talaga ako sa tuwing kausap ko sya sa phone. Kaedad ko lang sya pero kung magsalita sya parang teenage girl lang.

Okay yun, it only shows na match made heaven kami, isang sassy hilarious girl with a very memorable name, and I, a serious kind of man, pero hindi ako boring ha!

And today, after so many thoughts of hesitations, I finally convinced myself for the so called eyeball. Kala ko anong eyeball yun, nakikipag-meet lang pala.

Ayoko naman talaga nung una. Iniisip ko kase na baka sobrang ganda nya kaya malakas ang loob nyang makipag-meet. Pero may sinabi sya sa akin na nagbigay sa akin ng lakas ng loob para pumayag sa gusto nyang eyeball.

Ruby: Hanggang dito na lang ba tayo?
Alex: Ano'ng ibig mong sabihin?
Ruby: Sabi mo sa akin mahal mo ako kahit hindi mo pa ako nakikita, pinaniwalaan ko yon kase ganun din ang nararamdaman ko para sayo. Mahal din kita kahit hindi pa tayo nagkikita. Pero tanong ko lang, masaya ka na ba sa ganito lang?
Alex: Oo naman. Kung ano ang meron tayo, espesyal sa akin. Ikaw masaya ka ba?
Ruby: Nagtatanga-tangahan ka lang ba o sadyang manhid ka lang? Kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi ba dapat gumagawa ka ng paraan para makasama mo sya?

Ang totoo malinaw ko syang nauunawaan. Tama nga naman sya, gagawin lahat ng dalawang nagmamahalan magkasama lang sila. Pero sa lagay ba na to eh mahal ko nga ba sya? Posible nga kayang ma-inlove ka sa taong hindi mo pa nakikita?

Minsan kase madaling mahulog ang loob natin sa matatamis at mabubulaklak na salita. At sa part ko naman, madali ko ring natatago yung mga bagay na hindi na dapat pang sabihin, kumbaga, puro magagandang bagay lang ang napag-uusapan namin.

Pero talagang kakaiba itong si Ruby. Straightforward sya, sasabihin nya kung anong gusto nyang sabihin, hindi sya marunong magpaligoy-ligoy.

Sa palagay ko, kung ano sya sa text ganun talaga sya sa personal. Hindi sya plastik, pero hindi rin naman sya nakakapanakit ng damdamin, hindi sya sobrang pranka, alam nya kung saan sya pepreno.

Hmm...

Minsan ko na ngang na-text sa kanya na mahal ko sya, pero sa pagkakatanda ko lasing lang ako noon. Alam mo naman 'pag lasing sumisidhi ang damdamin at umaagresibo.

Ganunpaman, totoo namang may nararamdaman ako para kay Ruby. Gusto ko lagi ko syang kausap sa cellphone, lagi kong inaabangan text nya. Lagi narin akong nagre-register sa mga unlimited promos ng Globe. Ewan ko nga rin ba, basta hindi lilipas ang araw na hindi ko sya tini-text o tinatawagan.

Tatak FicFacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon