House of the Unmarried Mother

11.7K 54 0
                                    

Walang forever sa mga taong sumusuko, walang forever sa mga taong hindi pa nasusubukang lumaban ay natatakot nang matalo, walang forever sa mga taong tumatalikod sa mahal nila, walang forever sa taong nagdadalawang isip sumugal sa larangan ng pag-ibig.

* * * * * * *

Disgrasyada.

Yan ang madalas kong marinig sa tuwing pinag-uusapan ako ng mga taong may makakating dila dito sa amin. Kung papatulan ko sila parang inamin ko na rin sa sarili ko na mas makitid pa ang utak ko kesa sa kanila. Kung ano-ano ang nasasabi nila tungkol sa akin samantalang hindi naman nila alam ang tunay na kwento ng buhay ko.

Ano nga bang kwento ko?

Well, iyan ang isang bagay na ayaw ko nang pagusapan at balikan. Gusto ko na lang ibaon sa limot ang lahat at magpakatatag na lang sa panibagong yugto ng buhay ko.

Anyway, i'm Carol Teodoro. Sa edad na 27 isa na akong Executive Manager sa isang malaki at tanyag na kumpanya. Huwag nyo nang alamin kung paano nangyari iyon, ako man nagugulat sa bilis ng promotions ko. Sabagay matalino naman talaga ako at responsable, pwera nga lang sa pag-ibig.

One day, atras-abante ako sa parking lot. Hindi ko kasi maisingit ang kotse ko sa pagitan ng dalawang sasakyang ito. Hindi rin naman kase ako ganun kagaling mag-drive at ayaw ko talagang nagpa-park. Kebago-bago ng kotse ko mukhang magagasgasan pa ata.

Bhag!

Shit! May tinamaan pa ata ako! At mukhang hindi sasakyan ang naatrasan ko.

Mayamaya may isang lalaking lumapit at kumatok sa bintana ko. Binuksan ko na bago pa nya ito magasgas.

"Bulag ka ba?!" sigaw agad nya sa mukha ko, "Hindi mo ba nakikita na may tao sa likod ng kotse mo?"

Nanatili akong kalmado kahit tumatalsik ang laway nya sa mukha ko, "S-sorry po." tanging nasabi ko.

"Sa susunod wag kang aanga-anga! Tumingin ka muna sa likod mo bago ka umatras!"

Huh?! Ako aanga-anga? Sa suot kong ganito kadisente? Parang uminit ulo ko sa narinig ko. Dapat pala tinuluyan ko na ang lalaking ito eh! Ang yabang nya! Humingi na nga ako ng sorry eh!

Kung hindi lang talaga ako nagmamadali baka pinatulan ko na ito. Pasalamat sya tinawagan ako nung Boss ko for an early meeting.

Ginawa ko sinara ko na lang ulit bintana ko para matapos na. At nang makaalis na sya buwis-buhay na naman ako sa pagpa-park.

Sayang yon, gwapo pa naman, kaso bastos! Teka, kailan pa ako natutong pumansin ng gwapo?

Bago ko iniwan sa parking lot ang kotse ko pinunasan ko muna yung bintanang hinawakan nung bastos na lalake. Haish. Yoko masira araw ko! Mukhang napaka-importante ng meeting na ito at ganito pa talaga kaaga, kaya gusto ko presentable ako.

Pagdating ko sa loob ng opisina ni Director Malou Wang, aba nagulat ako nandun na daw sya sa loob sabi ng secretary nya. Nakakapagtaka naman sya, dati lagi syang late pumasok, kahit nga meeting nila ni Chairman nali-late pa rin sya, pero ngayon ang aga nya.

"Carol, mamaya may bagong empleyadong darating, gusto ko ikaw mismo ang umalalay sa kanya sa trabaho. Ituro mo sa kanya ang lahat ng alam mo sa pagpapatakbo ng kumpanyang ito."

Ito lang napag-usapan namin sa meeting. Tungkol sa bagong office clerk na mukhang napaka-espesyal naman ata dahil ako pa ang gusto nyang mag-train sa kanya. Hindi kaya kamag-anak nya yon? Pero sa pagkakaalam ko bawal ang magkamag-anak sa kumpanyang ito.

Baka naman kabit ni Mrs. Malou Wang yon?

Sabi nya hintayin ko daw sa office ko, aba dalawang oras na ako sa office ko pero wala pa rin sya. Unang araw pa lang nya late na agad? Huwag lang syang umasta na parang kung sino, kahit isa sa mga board of directors pa ang backer nya hindi sya uubra sa akin.

Tatak FicFacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon