Mischievous Affair

9.1K 31 0
                                    

"Bakit kung kailan minahal ko na siya, dun pa siya nawala?
Bakit kung kailan nakuha niya na ang pagkababae ko, dun pa kami kailangan maghiwalay?
Ano ang ipinapahiwatig ng tadhana?

Napaka-miserable ng kapalaran ko, ngayon lang ako nagmahal pero sa maling tao pa."

-Kriselda.

* * * * * * *

Sanggol pa lang ako nang iwanan ako ni mama kay lola Auring. Pinagamot kasi sa isang magaling na psychiatrist sa ibang bansa ang mama ko, matapos niya akong isilang sa mundong ito.

Ilang beses daw akong tinangkang ipalaglag ni mama sa sinapupunan niya pero hindi siya nagtagumpay.

Hanggang sa paggaling niya ay hindi na siya bumalik sa bansa.

Mula noon ay si lola Auring na ang nagpalaki at nag-aruga sa akin at puro kwento nalang ni lola ang narinig ko tungkol kay mama, dahil hanggang ngayon ay hindi parin nagpapakita sa akin si mama.

Noon pa man alam ko na hindi ako mahal ng sarili kong ina, dahil ipinagbuntis ako sa pagka-dalaga.

Oo, bunga ako ng kasalanan.

Isang kasalanan na kailanman ay hinding-hindi matatanggap ni mama sa buong buhay niya.

Nauunawaan ko siya kung bakit kahit sa telepono o kahit ibang komunikasyon ay pinagkakait pa niya sa akin. Ngunit masakit parin sa akin na hindi ko nakita si mama at hindi niya rin ako nasubaybayan sa aking paglaki.

Nung magka-isip na ako, sinabihan ako ni lola na huwag ko daw munang guluhin si mama at hayaan muna daw namin siyang maka-get over sa masaklap niyang sinapit.

Nasa huling taon na daw ng high school si mama nang gahasain siya ng isang lalaking hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala.

Bale kaedad ko lang siya noon. 16 years na ang lumipas at hanggang ngayon ay nabubuhay parin sa kadiliman si mama.

Naging mahirap daw ang mga panahon na iyon para kay mama, halos mabaliw na daw siya at wala daw siyang ibang ginagawa kundi magkulong sa silid at lagi lang umiiyak, at wala daw siyang ibang kinakausap at lagi lang niyang sinasambit ang pangalang, "Arthur Ramirez".

Ipinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko ang lalaking yon. Paghihigantihan ko siya.
Kahit gaano kahirap, kahit imposible at kahit buhay ko pa ang kapalit.

Pagka-graduate ko ng high-school ay huminto na ako, mukhang sapat na ang naipon ko para sa plano ko.

Inalagaan ko ng maayos ang sarili ko. Pinanatili ko ang kulay tan at makinis kong kutis, nagpahaba ako ng buhok at naging responsable ako sa diet, at nilalamas-lamas ko lagi ang mga suso ko para kahit papaano ay makatulong sa paglaki nito.

Ito ang magiging sandata ko sa pagpatay sa taong nagpahirap at nagnakaw ng puri kay mama.

A/N: This is one of my favorite writings.
Please discontinue reading if you are underage of 18.

Laking pasalamat ko dahil sumasang-ayon sa akin ang pagkakataon. Nakuha ko sa tulong ng isang kaibigan ang larawan at ang kumpletong address ni Arthur Ramirez.

Ngayon alam ko na ang hitsura ng lapastangan, nalaman ko na rin kung saan siya nagtatrabaho, pero medyo mahirap lang dahil isa pala siyang pulis.

Nag-impake ako at lakas-loob kong tinahak ang Maynila dahil dun siya nakatira. Ang sabi ko kay lola ay magtatrabaho lang ako.

Ngayon, ang unang hakbang ko ay siguraduhin na siya nga ang taong hinahanap ko.

Araw-araw ko siyang sinusubaybayan, mula bahay hanggang sa munisipyo kung saan siya naka-duty. Nagkaroon din ako ng pagkakataong masilip ang record niya.

Tatak FicFacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon