Bonus Story: Kirida

6.6K 25 1
                                    

Kirida

This story is based on the confession of an actual wife in her real life events.

Siyam na taon na kaming kasal ng mister ko, may isang anak na rin kami na walong taong gulang. Sa tagal na panahon naming nagsasama ay naging mabuting asawa naman sa akin ang mister ko at mapagmahal na ama sa anak namin, at kahit jeepney driver lang siya ay hindi naman niya napapabayaan ang pang-araw-araw naming gastusin.

Napaka-responsable ng mister ko, mabait at gwapo pa. Kung iisipin ay napaka-swerte na ng isang housewife na tulad ko ang makapag-asawa ng isang butihing mister na katulad niya....pero nagkamali ako.... Napakatanga ko dahil nagpabulag ako sa magagandang katangian meron ang mister ko, hindi ko na naisip na tao parin siya, isang tao na nagkakamali din.

Sa likod ng kaaya-aya niyang maskara ay nakatago pala ang isang taksil...isang taksil sa asawa, isang taksil sa akin.

Napakatanga ko talaga dahil sa siyam na taon naming pagsasama ay ngayon ko lang nalaman na may kirida pala siya, at ang masakit pa nito, ang kirida niya ay ang asawa ng sarili niyang kapatid, si ate Esmeralda na kapit-bahay lang namin.

Siya ay isang teacher sa elementary dito sa aming lugar, at sa edad niyang 45 ay nagawa pa talaga niyang landiin ang 32 anyos kong asawa! Pero aminado ako na may ibubuga pa si ate Esmeralda dahil mukha lang siyang early 30 kung titignan, kung tutuusin ay parang hindi nagkakalayo ang mga hitsura namin, ako na 28 pa lang, siguro ay dahil sa angat sila sa buhay.

Ang asawa kasi niyang si kuya Wilfredo na kapatid ng mister ko ay isang foreman sa isang matatag na kumpanya kaya kahit highschool na ang pinag-aaral nilang anak ay marangya parin ang buhay nila.

Nagsimula ang hinala ko na may kalaguyo ang mister ko nung magsimulang mabawasan ang araw-araw na perang intriga niya sa akin. Pinipilit kong isipin na mahina talaga ang pasada gaya ng lagi niyang dinadahilan sa akin dahil ayokong isipin ang hinala ko na may ginagastusan nga siyang kirida... ngunit nakakapagtakang kada araw ay pakonti ng pakonti ang inaabot niya sa akin.

Masakit...una dahil mahal ko siya, pangalawa ay dahil bata pa ang anak namin at ayokong masira ang pamilya namin kaya tinatago ko nalang ang hinanakit ko at hindi ko siya magawang kumprontahin kahit nagkakatotoo na ang mga hinala ko sa kanya.

Halos mabaliw ako sa kakaisip kung sino ang kirida niya at nung malaman ko na si ate Esmeralda nga ang malanding kalaguyo ng mister ko ay halos himatayin ako sa sama ng loob ko. Bakit sa dinami-dami ng babae sa mundo ay ang asawa pa ng kapatid niya?

Nung una, hindi ko pinapansin ang mga biruan at harutan nila gawa ng mag-hipag nga sila, pero may ibang ibig sabihin na pala yon, kaya pala biglaan nalang ang paghatid-sundo ng asawa ko kay ate Esmeralda sa pinapasukan niyang eskwelahan na dati'y hindi naman niya ginagawa, at sabi pa ng anak namin na estudyante ni ate ay madalas niyang makitang kausap ng mister ko si ate Esmeralda sa eskwela sa twing susunduin siya.

Ayoko sanang bigyang malisya yon pero malakas talaga ang kutob ko, lalo na tuwing mararamdaman kong parang nanlalamig na ang asawa ko sa akin.

Isang araw, sabado, wala namang pasok si ate pero napansin ko siyang sumakay sa harap ng jeep katabi ng mister ko. Hindi ako mapalagay kaya iniwan ko ang sinasampay kong damit, kumuha ako ng tricycle at sinabi ko kay manong na sundan ang jeep ng mister ko.

Nakarating kami sa bayan at huminto ang jeep ng mister ko sa isang malaki at sikat na mall, nakita ko sila na sabay pumasok sa mall, hindi ko na sila sinundan dahil ayokong makita nila ako, kaya naghintay nalang ako sa tricycle ni manong.

Mahigit dalawang oras na akong matiyagang naghihintay, tamang-tama sa isang pelikula sa sine, at sa wakas ay lumabas narin sila.

Akala ko ay uuwi na sila pero tila ibang direksyon ang tinahak nila. Pinasundan ko ulit sila kay manong at laking gulat ko nang makita kong huminto sila sa World Hotel. Nakita kong pumasok sila sa loob. Sumisikip na ang dibdib ko, gusto ko na silang sundan at pagsasampalin pero pinipigilan ko ang sarili ko, ang masakit pa ay kung bakit dito pa sa mamahaling hotel na abot-langit kong pinapangarap na mabista sila gumagawa ng milagro.

Tatak FicFacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon