Between Me and my Ex-wife

8.2K 58 5
                                    

"It's amazing how you continue loving someone you don't have, maybe because staying away is much more painful, but either fighting for the love or simply giving up, you know you'll get hurt anyway."

After all these years, finally nagkaroon din ako ng pagkakataong humingi ng tawad sa kanya. Sa tuwing magkakaharap kasi kami nawawalan talaga ako ng lakas ng loob na mag-apologize sa mga nagawa ko sa past.

Pero hindi ko alam kung bakit parang nahihirapan pa rin akong mag-let go... Siguro dahil ngayon ko pa lang nare-realized ang lahat ng pagkakamali ko, at ngayon ko lang pinanghihinayangan ang lahat ng sinayang ko.

I've cheated her.

And I realized, fuck, only in the end, na masakit pala yung ginawa ko sa kanya, at alam kong hindi lang sya ang niloko ko at sinaktan, alam kong pati anak namin, at kung may higit na nagdusa at nahihirapan, alam ko yun yung kaisa-isa naming anak.

At the end, ako pa rin yung talo. Iniwan ako ng mag-ina ko, nung una ayoko pang ibigay yung anak ko, katunayan humarap pa kami sa korte, pero talo pa rin talaga ako dahil sya ang pinili ng anak ko.

Masakit para sa akin yon. Yung magising ka sa umaga na wala sa tabi mo ang asawa't anak mo. Yung harapin mo mag-isa ang mga bagay na nakasanayan mo nang gawin kasama ang pamilya mo.

Wala naman akong nagawa kundi tanggapin na lang ang lahat. Sinabi ko na lang sa sarili ko na ito na lang ang magiging kabayaran sa lahat ng nagawa kong kasalanan.

Kung bakit kasi nagmatigas pa ako noon eh! Kung nagpakumbaba na lang sana ako noon at humingi na lang sana agad ng tawad.

Tingin ko kasi sa asawa ko noon mukhang desidido na talaga sya na hiwalayan ako. Ang naging katuwiran ko tuloy ay kung ayaw na nya, ayaw ko na rin. Which I think is the worst mistake I ever made.

Inuna ko pride and ego ko bilang isang lalaki.

Hindi lang yon, it seems that my wife made her final tough decision. Hindi ko alam kung paano sya nakakuha ng restraining order sa korte, but the point is, kumuha sya at pinagbawalan akong lapitan o makita man lang sila ng anak ko.

So from that point, I decided na magpakalayu-layo na lang at magpalamig sa ibang bansa. Doon ko na-realized na mali ang lahat ng ginawa kong desisyon.

Habang namumuhay akong mag-isa, itinuon ko na lang ang oras ko sa trabaho. Nagsikap ako at nagpakayaman. Hinarap ko lahat ng hirap at nangako ako sa sarili ko na, one day babalikan ko ang mag-ina ko at aayusin ko na yung problema between me and my ex-wife.

Ganunpaman​ minomonitor ko pa rin sila thru social medias. Gumraduate ng elementary yung anak ko pero wala ako sa tabi nya. Pero hindi naman ako nagkulang financially, pinapadalhan ko ang anak ko lingid sa kaalaman ng asawa ko, ayaw kasi nyang tumanggap.

Andaming messages ng anak ko for me na nagsasabing sana magpakita na ako sa kanya.

* * * * * * *

There is this some difficult times that we have to face a certain situation wherein we have to make a choice that we don't want to make, 'cause the choices are equally unsatisfactory.

I've been through in many different instances, but this one might be the worst predicament ever came into my life. It's like i'm dying every single day of my life. Fighting for something I've already given up.

"Okay Johna, i'm on my way..."

Kausap ko sa phone ang anak ko while driving. Gustong-gusto ko syang tinatawag sa name nya, naalala ko kasi ang asawa ko. Johna, means JOhnny Half aNAlene. Sya ang trademark ng pag-iibigan namin ng asawa ko.

Tatak FicFacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon