2

1.4K 20 0
                                    

"Good morning, Nanay Mona!"

masiglang bati ni Lena nang makarating siya sa sala ng bahay ng matandang kapitbahay niya. Isa sa mga raket niya ang pagiging extra housemaid sa bahay ni Nanay Mona. Nasa Maynila ang anak nitong si Ramona kaya pinakiusapan siya ng matanda na pagsilbihan ito.

Sa lahat ng raket niya ay ang pagiging kasambahay na marahil ng matanda ang pinakaimportante sa kaniya. Hindi man ganoon kalaki ang bayad sa kaniya ay natutuwa naman siyang makasama ito madalas. Hindi na kasi niya nagisnan ang lolo at lola niya sa parehong side ng mga magulang niya kaya ganoon na lang ang pagkasabik niya sa tuwing kausap si Nanay Mona. Idagdag pa na masarap itong magluto kaya napamahal na ito sa kaniya.

Simula nang magkaisip siya ay bihira nang magkaroon ng tao sa katabing bahay nila na pag aari ni Nanay Mona. Ilan taon din itong nanirahan sa Maynila kasama si Ramona. Nang magkaroon na ng magandang trabaho si Ramona sa Maynila ay pinauwi na nito ang matanda sa Bicol at pinatigil na sa pamamasukan bilang kasambahay.

Nang maalala ang anak ni Nanay Mona ay bigla siyang nalungkot. Mas matanda ng limang taon sa kaniya si Ramona at isa na itong accountant sa malaking kompanya sa Maynila. Hindi totoong anak ni Nanay Mona si Ramona dahil maagang nabiyuda ang huli at hindi na muling nag asawa pa. Ang kwento sa kaniya ng matanda ay anak si Ramona ng bunsong kapatid nito.

Nang maaksidente at pumanaw ang mga magulang ni Mona ay kinupkop na ito ng matanda sa edad na limang taon. Habang namamasukan si Nanay Mona sa isang mayamang pamilya sa Maynila ay kasama naman nito si Mona. Ang pamilyang pinagsisilbihan ng matanda ang nagpaaral kay Ramona hanggang sa kolehiyo. Sa ngayon ay ilan taon nang nagretiro si Nanay Mona sa trabaho nito at bumalik na sa probinsiya nila.
Kagaya ni Ramona ay pangarap din niyang makapagtapos ng pag aaral at magkaroon ng negosyo balang araw pero sa palagay niya ay matagal pa iyon. Marami pa siyang kakaining bigas para maipakita sa ama na kaya niyang umangat ng walang nakukuha na tulong mula dito. Kaya nga puspusan ang pagtratrabaho at pag iipon niya. Sa sunod na taon ay maaari na siyang makapag enroll sa isang State University para maipagpatuloy niya ang naudlot na pangarap.

"Nanay Mona?" agad na tumikwas ang isang kilay niya nang mapansin na parang dinaanan ng matinding bagyo ang buong sala.

Anyare?

mag isa lang sa bahay ang matandang kapitbahay niya. Sa gabi ay kasama nitong natutulog ang dalagita nitong pamangkin at sa araw naman ay madalas na naiiwan itong mag isa. Imposible na si Nanay Mona ang gumulo ng buong sala dahil kilala niya ang matanda. Kaya nga hindi siya nahihirapan sa paglilinis ay dahil masinop ang matanda sa mga gamit nito.

Napalunok siya nang matapakan ang nagkalat na mga balot ng chicharya. Sa coffee table ay may pitsel na halos mangalahati na ang laman na juice. May upos ng sigarilyo sa sahig at kahit walang tao ay hinayaan lamang na nakabukas ang TV at electric fan.

"Mali ba ako ng bahay na pinasok?" nanlalaki ang mga mata na inilibot niya ang mga mata sa buong paligid ng sala. "Tama naman!" napasinghap siya.

Nakasabit pa sa isang sulok ng bahay ang mga medalya at litrato ni Ramona noong college graduation nito. Sa ilalim ng hagdan ay may mahabang mesa kung saan nakadisplay ang mga trophy nito. Ibig sabihin ay naroon siya sa bahay ni Nanay Mona.

"Hindi kaya pinasok na si lola ng magnanakaw kagabi?!"

kinilabutan siya sa senaryong pumasok sa isip niya. Mabilis pa sa alas kuwatro na dinampot niya ang isang trophy ng bigla ay may kaluskos siyang narinig. Saka lang niya napansin ang isang maputing lalaki nang kumilos ito mula sa pagkakahiga sa mahabang sofa. Natabunan pala ito ng mga throwpillow kanina kung kaya hindi niya ito napansin habang nakahiga ito sa sofa.

A NOBODY AND THE PRINCE BY BETHANY SY (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon