"Good morning!"
Mas matinis pa sa tili ng babaeng manganganak na sabi ni Lena nang pumasok siya sa loob ng silid ni Luke. Hindi na siya nagulat nang madatnan niya ang binata na nakahiga sa malaking kama at naghihilik pa.
Dahil walang aircon ang bahay ni Nanay Mona ay halos itabi na ni Luke ang electric fan sa pagtulog nito. Naiinitan marahil ito kung kaya tanging boxer short lang ang suot nitong saplot. Napaantada siya sa nakita at biglang tumalikod.
"Diyos na maawain, hindi naman sinabi ni Nanay Mona na kakarampot lang pala ang saplot ng bampirang bwisita niya kapag natutulog." ilan beses siyang huminga ng malalim bago muling hinarap ang lalaki. Dahil tulog pa rin ito ay pabalibag na isinara niya ang pinto.
"Wow," napapalatak siya ng hindi pa rin magising si Luke. "Kahit siguro pausukan ko ang kwarto niya, matutulog pa rin siya." napailing siya at nakapamaywang na humakbang palapit sa paanan ng kama.
Nakadapa si Luke kaya malaya niyang napagmamasdan ang maputing likod nito. Mahinang sinipa niya ang paa nito para gisingin ito.
"Hoy, mahal na prinsipe, gumising ka na po, oras na ng trabaho mo,"
"Hmmm?"
"Gising na, hoy!" mas lalo pa niyang nilakasan ang pagsipa sa paa nito. Pero tanging mahinang ungol lang ang naging tugon nito sa kaniya. Sa sobrang inis ay binunot niya ang saksakan ng electric fan. Isang segundo lang ay nagising na ang pasaway na binata.
"What do you want?" nanggigigil na asik nito sa kaniya. Bumalikwas ito ng bangon. Nakaluhod ito sa malambot na kutson at nakasimangot na hinarap siya.
"Ang gusto ko?" nakangising pinamaywangan niya ang lalaki. "Hindi ka ba nasabihan ng lola Mona mo na kailangan kitang itraining?"
"Training?" nalilitong tanong nito sa kaniya.
"Yup, training. Kailangan kitang mapatino para naman makontento na ang mga magulang mo."
"But-"
"Anong 'but' ka diyan, bawal ka kayang kumontra. Kapag hindi mo ako sinunod isusumbong kita kay Nanay Mona. Tapos isusumbong ka naman niya sa mga magulang mo. Tapos kapag nagalit ang mga magulang mo sa'yo, lagot ka na. Paaalisin ka na dito at baka sa Timbuktu ka na manirahan, forever."
"Shut up!" angil nito at akmang mahihiga muli sa kama pero maagap na hinawakan niya ito sa isang balikat.
"Aba, kamahalan, alas kuwatro na ng madaling araw, marami pa akong gagawin kaya wala na akong oras na hintayin ka pa." reklamo niya.
"Four in the morning?" halos mag isang linya ang mga kilay nito. "Ginising mo ako ng ganito kaaga? Are you crazy?!" dumagundong sa buong silid ang tinig nito.
"Loko ka ba? alam mo ba na dito sa amin alas kuwatro palang abala na ang mga tao. Dito sa bayan namin hindi pwede ang petiks lang. Abala ang lahat dahil gusto nilang kumita para may maipangtustos sa pamilya nila. Ikaw, hindi mo naiintindihan iyon dahil umaasa ka lang sa mga magulang mo. Hindi mo man lang naisip na ang mama mo malamang naghihirap sa abroad para lang may maipadala sa'yo. Tapos ikaw puro ka kaartehan, puro ka luho. Diyan ka na nga lang!" nanggigigil na tinalikuran na niya ito. Bahala na ito kung ayaw nitong sumama sa unang araw ng dapat sana ay pagdidisiplina niya dito.
Pero nakailang hakbang pa lamang siya ay muli siyang pumihit at lumingon kay Luke. Napansin niya na nakaluhod pa rin ito sa kama at walang imik na pinagmamasdan siya. Nagulat ba ito sa mga sinabi niya?
Paki ko?
"Nga pala, umalis si Nanay Mona kasama si Fei dahil araw ngayon ng linggo at magsisimba sila. Mag isa ka lang dito sa bahay. Bubuksan ko na lang ang mga ilaw para hindi ka nila mapaglaruan."
BINABASA MO ANG
A NOBODY AND THE PRINCE BY BETHANY SY (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR)
RomanceMalaki ang naging galit ni Lena sa kaniyang ama magmula nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang pag alis nito noon. Hindi pala ito totoong nag abroad at sumama lang sa anak ng mayaman nitong boss. Dahil sa nalaman ay malaki ang naging galit ni...