4

883 21 0
                                    

Inayos na muna ni Lena ang suot na baseball cap at akmang kakatok na sa gate ng bahay ni Nanay Mona ng bigla siyang matigilan. Iniluwa ng bakal na pinto ang nakakunot noong si Luke.
Parang seryoso ang mukha nito at mainit ang ulo. Sa halip na pansinin ang madilim na reaksiyon ng lalaki ay sinundan niya ito nang pabalibag na isinara nito ang pinto ng gate.

“May lakad ka?” nakataas ang isang kilay na tanong nito.

“Wala kang pakialam.” malamig na turan nito.

Wow!

Pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng dibdib at inihanda ang sarili sa giyerang susuungan niya. Ngayon ang pangalawang beses na dapat niyang disiplinahin si Luke. Plano sana niya itong isama sa paglilinis ng isang nursery school na malapit sa lugar nila.

“May trabaho tayo, sumunod ka na lang sa akin,” mas malamig pa sa yelo ang tinig na wika niya.

Tutal naman ay parehong nakaparada sa labas ang kotse nito at ang motor niya ay madali lang para kay Luke na sundan siya.

Tinalikuran niya na ito pero nakailang hakbang pa lang siya ay narinig na niya ang marahas na pagbuntong hininga nito.

“Bullshit!” inis na pinagsisipa nito ang gulong ng kotse nito. Napaigtad siya sa nangyari. Nalilitong nilapitan niya ang binata.

“May problema ba?” seryosong tanong ni Lena.

“Problema?” nanlilisik ang mga matang asik nito sa kaniya. “Ikaw, kayo, lahat kayo problema ko!”

“Ako?” hindi makapaniwalang bulalas niya at itinuro ang sarili.

“Yes, ikaw! sino pa ba? ang hilig mong makialam sa buhay ng ibang tao. Kay lola Mona, sa akin. Sino ka ba sa akala mo, ha?” bulyaw nito.

Naikurap niya ang mga mata at hindi makapaniwalang napaatras siya.

Iglap lang ay parang patak ng ulan na bumuhos ang mga luha niya. Ayaw niya sa lahat nang sinisigawan siya at pinagbibintangan sa bagay na hindi naman niya nagawa. Alam niyang iniisip ng lahat na matigas siya pero ang totoo niyan ay madali siyang masaktan.

“A-ako?” iyon lang ang mga salitang nabigkas niya.

“Alam mo, sana hindi na lang pala ako nagpunta dito. Sana tahimik ang buhay ko ngayon at walang kagaya mo na umiistorbo sa dapat sana ay pagbabakasyon ko.”

Nakagat niya ang mga labi at matapang na sinalubong ng tingin ang mga mata nito. Nakita niya ang pagsungaw ng matinding pagkagulat sa mga mata nito nang mapansin ang pag iyak niya.

“Lena…”

“S-sorry kung nakialam ako sa buhay mo. Sorry kung sinunod ko ang utos ni Nanay Mona. Ang akala ko kasi kaya kong mapatino ka. Kaya lang hindi mo naman pala gustong magbago kaya wala na rin akong magagawa pa.” huminga siya ng malalim para mabawasan ang bigat ng dibdib niya.

Tinalikuran na niya si Luke pero mabilis na pinigilan siya nito sa isang braso.

“Nabigla lang ako......”

“Bitiwan mo ako, wala akong oras sa mga paliwanag mo. Hindi ako kagaya mo na nagsasayang ng oras sa mga walang kakwenta kwentang bagay. Saka mo na ako kausapin kapag naiintindihan mo na kung bakit gusto ng lola Mona mo na magbago ka.” malamig na sabi

Nabitiwan nito ang braso niya nang tabigin niya ito kaya agad na ihinakbang niya ang mga paa at tinungo ang kinaroroonan ng motor.

Lahat ng inis at galit niya kay Luke ay ibinuhos niya sa pagpapatakbo ng motor. Pinaharurot niya iyon at pinakain ng usok ang lalaki.

Napaismid siya nang marinig ang malakas na pag ubo nito.

Mabuti nga sa'yo! napakayabang mo!

A NOBODY AND THE PRINCE BY BETHANY SY (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon