8

1K 21 3
                                    

Mula sa dalawang oras na biyahe ay nagpasiyang umuwi na muna si Lena para sana magpahinga. Kaninang madaling araw ay bumiyahe siya patungong Naga City para kunin ang mga paninda niyang imported na damit at bag na inangkat niya sa kaibigan ni Tessa na kauuwi lang mula sa Korea.

Dahil medyo kaclose na rin naman niya si Leoniza ay pumayag ito na kalahati lang ang idown niya sa kinuha niyang items. Kapag nakapagbenta na siya ay ipapadala niya ang natitirang bayaran niya dito na nagkakahalaga ng sampung libo.

“Ang mama?” pabulong na tanong ni Lena kay Tessa nang pumanhik siya sa itaas ng bahay.

Plano niyang paupahan ang ibabang parte ng bahay nila. May malapit kasing private school sa lugar nila. Pero bago niya ituloy ang planong pagpapaupa ay kailangan pa niyang ipaayos ang ibaba at hatiin iyon sa apat o limang unit.

“Nakatulog na siya, ate Lena. Kanina ka pa nga niya hinihintay eh,”

“Ganoon ba?” bigla siyang nalungkot dahil sa sinabi ng pinsan niya.

Nakokonsensiya na siya sa pag iwas sa ina kaya kanina sa biyahe ay nakabuo na siya ng plano. Hihingi agad siya ng tawad dahil alam niya na nagkamali rin siya sa pagsagot sagot dito nang dalawin sila ng ama.

“Ate, may bagong hello kitty bag ba? akin na lang, kaltas mo na lang sa allowance ko. Please?” ungot ni Tessa nang mapansin nito ang dalawang malaking plastic bag na bitbit niya.

“Okay, sige. Hati tayo sa bayad.” buwanan niyang binibigyan ng limandaan na allowance si Tessa.

“Ay, salamat!” pumalakpak ang pinsan niya dahil sa sobrang tuwa. 

“Sssh! huwag kang maingay. Baka magising ang mama,” saway niya dito.

Nang marinig niyang tumunog ang cellphone mula sa loob ng bulsa ng bag niya ay nagmamadaling ibinigay niya kay Tessa ang mga dala.

“Ilagay mo na muna sa kwarto ko. Mamaya ko na lang ibibigay sa'yo ang bag na gusto mo dahil wala pang price ang mga items na kinuha ko. Okay?”

“Okay!” anito at sinunod na ang utos niya.

Nagmamadaling sinagot niya ang tawag nang mabasa ang pangalan ni Fei sa screen ng cellphone niya.

“Hello, Fei?” napakunot noo siya nang marinig mula sa kabilang linya ang pag iyak ng dalagita. “Okay ka lang ba?” agad na binalot ng matinding takot ang dibdib niya nang mapahagulhol ito.

“A-ate, s-sorry kung naistorbo kita, kanina ko pa kasi tinatawagan si Ate Ramona kaya lang ay nakaalis na pala siya ng bansa. S-si Tita Mona kasi....sinugod namin siya kanina sa ospital. Ate Lena, pumunta ka na dito. Please?”

“Ha?!” halos madurog ang cellphone nang ikuyom niya ang palad niya

. Tila wala na siyang naintindihan sa nangyayari sa paligid. Agad na pinatay niya ang tawag at mabilis ang mga hakbang na tumakbo na siya para puntahan ang matanda sa ospital.

Sampung minuto ang matuling lumipas bago siya nakarating sa ospital. Agad na hinanap niya ang room number na itinext ni Fei sa kaniya bago siya makarating doon.

Nang makita na niya ang silid na hinahanap ay nangangatog ang buong katawan na pumasok na siya sa loob.
Tumambad sa kaniya ang natutulog na anyo ni Nanay Mona. Habang sa isang sulok naman ay naroon si Fei at umiiyak. 

“Fei!” tawag niya dito.

“Ate!” umiiyak na lumapit ito sa kaniya at niyakap siya.

“Kumusta ang Tita Mona mo?” buong pag aalalang tanong niya. Pinigilan niya ang mapaiyak nang makita ang nakakabit na oxygen mask sa matanda.

“M-medyo okay na po siya sabi ng doktor. Sinumpong siya ng sakit niya sa puso. Ate, hindi ko alam na may sakit pala si tita Mona sa puso. Hindi niya ipinaalam sa pamilya namin.”

Malungkot na tumango siya. Hindi rin niya alam ang tungkol sa sakit ng matanda. Marahil ay ayaw nitong mag alala ang lahat para dito kaya nagpasiya ito na ilihim na lang ang tungkol sa sakit.

Dahil napagod sa pagbabantay ay pinagpahinga na muna niya si Fei. Lumabas siya ng silid para sana bumili ng pagkain nila. Nagulat siya nang makita niya si Luke na nakatayo sa labas ng silid. Naroon ito sa mahabang pasilyo ng ospital at tahimik na naghihintay. Nakayuko ito at nakasandal ang likod sa malamig na pader. Halatang napakalalim ng iniisip nito dahil halos hindi na nito napansin ang paglapit niya.

“Luke?” mahinang tawag niya sa lalaki.

Hindi ito kumilos man lang para sulyapan siya. Naririnig ba siya nito?  Nang hawakan niya ito sa kanang balikat ay gulat na nag angat ito ng tingin sa kaniya.

Parang may sumuntok ng malakas sa kaliwang dibdib niya nang makita na hilam sa luha ang mga mata nito.

“L-luke..” natitigilang anas niya.

Parang yelong natunaw ang puso niya nang makita na umiiyak ito. Naramdaman niya na parang may munting mga palad ang humaplos sa puso niya.

“I’m willing to change.... lahat gagawin ko para lang matuwa sa akin si Lola Mona. But please….sabihin mo sa akin na okay na siya. Please..” nagmamakaawang anas nito.

Sa narinig ay kusang pumatak ang mga luha niya. Bigla ay nagbago ang tingin niya kay Luke. Sa kabila ng magaspang na pag uugaling ipinapakita nito ay may itinatago itong kabutihan. Maaaring hindi iyon napapansin ng iba pero nakita niya ang totoong Luke ng mga oras na iyon.

“Okay na siya, hindi ka na dapat na mag alala pa. Magiging okay din ang lahat, Luke.” pilit na pagpapagaan niya sa loob nito.

Ibinuka niya ang mga labi para muling magsalita pero natigagal siya nang bigla ay yakapin siya nito ng mahigpit.

“Thank you..thank you..” paulit ulit at umiiyak na anas nito habang nakabaon sa leeg niya ang mukha nito.

Naipikit ni Lena ang mga mata dahil pakiramdam niya ay biglang nablangko ang utak niya. Lahat ng tensiyon at pagod na naramdaman niya buong araw ay parang bula na biglang naglaho.

At ang lahat ng iyon ay dahil sa mainit na pagyakap ni Luke sa kaniya.

A NOBODY AND THE PRINCE BY BETHANY SY (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon