CHAPTER - 4

914 68 6
                                    

• RUZZEL •

I was sitting on the grass thinking about unusual things when someone came up. Isang estudyante same course kami pero hindi ko siya kilala.  May dala siyang hamburger and mineral water sabay abot sakin.  Hindi ko naman kinuha kasi hindi ko alam kung kanino galing at kung bakit niya ko binibigyan ng pagkain.

"Bakit mo ko binibigyan ng pagkain? We don't even know each other?" nagtatakang tanong ko dito.

"May nag utos lang bigay ko daw sayo!." banggit nito sakin na mukang kinikilig pa. May nagbigay sino naman kaya?

" pwede ko bang malaman kung sino nagbigay?" tanong ko dito.

"ang sabi niya sakin wag ko daw sabihin sayo kung sino siya. I can assure you na malinis yan kaya wag kang mag alala.  Enjoy your meal. "  naka ngiting banggit nito sakin sabay larga na.

Hawak kuna yung burger at tubig pero I'm still curious kung sino ang nagbigay sakin nito. Narinig ko namang umaalma na ang tiyan ko sa gutom.  Binigay ko kasi sa bata yung pagkain ko kanina. Kung bibili naman ulit ako ng pagkain magagalaw ko nanaman yung baon ko para bukas. Edi gutom ulit ako bukas.  Kung sino man ang nagbigay nito thank you sa kanya.   Pero sana makilala ko siya para makapag thank you naman ako sa kanya.

After kong kumain dumiretso ako agad sa library para gawin yung assignment ko. Hindi ko kasi afford mag punta sa mga computer shop para mag Internet at mag search ng para sa assignment kaya pag ganitong may mga assignment,  research and project ako itong library ang takbuhan ko.

Nowadays onti nalang ang pumapasok ng library especially sa ganitong oras kaya sigurado akong ako lang mag isa dun ngayon pabor sakin yun kasi mas tahimik at mas makakagawa ako ng maayos.  After kong mag sign ng pangalan ko sa log book diretso na agad ako sa favorite spot ko. Sa dulo sa may pinaka mataas na bookshelves. Mas nakagagawa at mas nakakapag isip ako pag nandun ako sa pwestong yun.

Naglalakad na ko papunta dun ng may mapansin akong lalaking naka tayo at nagbabasa ng mga librong nasa shelves. He's wearing a white polo shirt na naka open yung butones sa may dibdib kaya kitang kita ang magandang chest nito at the same time young colar bone niya and yung adams apple na sobrang lakas ng dating. Napaka gwapo niya talaga isa sa dahilan kung bakit ko siya gusto.  Parang ang manyak ko naman sa mga pinagsasabi ko. 

Hindi ko tuloy alam kung didiretso paba ako o aalis nalang, after nang nangyari samin kaninang umaga nahihiya akong humarap sa kanya. Nakalimutan kong teacher ko nga pala siya kaya dapat hindi ko siya sinagot ng ganun. I decided na umalis nalang alam ko naman na hindi niya rin gugustuhin na makita ako.

Paalis na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Napalingon ako dito dahilan para magka titigan kami. Ito yung first time na nagkatitigan kami, ako oo syempre lagi ko siyang tinititigan gusto ko siya eh. every time kasi na magkaharap kami lagi akong nakayuko hindi ko kasi alam ko kaya ko ba siyang tignan natatakot akong baka magalit siya o kaya isipin niya na may malisya ako sa kanya. Inaantay ko itong mag salita mukang may gusto kasi siyang sabihin pero hindi naman niya masabi. Kaya inunahan kuna to.

"May gusto po ba kayong sabihin Sir.?" pormal na banggit ko dito.  Iniwas ko narin ang pag tingin dito sobrang nakaka intimidate kasi tsaka yumuko nadin ako kagaya ng normal na ginagawa ko.

Ng wala akong salitang marinig ay hinila kuna yung kamay ko pero mas hinigpitan nito yung pagkaka hawak. "Ahh. Ano. Ahhmmm..." banggit nito na hindi mabanggit ang gustong sabihin.

Sir. Marky (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon