• RUZZEL •
It's him again. Lagi niya nalang pinaparamdam sakin na wala akong kwentang tao. Na kahit gumawa ka ng mabuti sa kapwa mo basta mahirap ka masama kana agad na wala kang pwedeng gawing tama sa buhay mo. Isinantabi ko nalang yung sama ng loob na nararadaman ko para sa kanya sa totoo lang sawa narin naman akong husgahan ng maraming tao sa kung ano ako. Wala din namang silbing ipagtanggol ko yung sarili ko. Una mapapa away lang ako, pangalawa kahit anong sabihin ko wala parin namang maniniwala.
Nagulat lang ako na tatay na pala siya. Pero ano naman sakin yun. Wala naman diba medyo luminaw lang sakin na baka kaya siya ganito kasi nawalan siya ng asawa. Pero sagot din siguro to dun sa mga panahong umaasa ko sa kanya. Meaning to say straight talaga siya, no chance talaga ko tapos may anak na siya tapos mukang mahal na mahal niya yung mommy ni Johann kaya up to now ganyan siya. Kaya ibig sabihin stop na talaga.
"Madam, tulog na po si Johann. Mauna narin po akong umuwi. Gabi nadin po kasi." banggit ko sa Lola ni Johann. Hindi ko magawang tumingin kay Sir. naliliit ako sa sarili ko.
Parang gulat naman na lumapit sakin si Madam. "Ahh ganun ba. Sige wait at ipapahatid na kita sa Driver." concern na banggit nito sakin.
"Wag na po Mam. Masyado na po kong nakaka abala sa inyo. Malapit nalang din po bahay namin dito. Okay na po yun." naka ngiting banggit ko dito.
"Ako na maghahatid sa kanya." banggit naman ni Sir.
Sasagot pa sana ko pero hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako palabas ng bahay. Kung sa ibang pagkakataon kikiligin siguro ako dahil sa paghawak nito sa kamay ko napaka lambot kasi ng kamay niya pero hindi eh! Iba to!
" Hindi muna ko kailangan ihatid kayo kuna to. " seryosong banggit ko dito. Sinubukan kong hilahin yung kamay ko pero mas lalo lang nitong hinigpitan yung pagkaka hawak sakin dahilan para mapatingin ako sa kanya pero hindi to naka tingin sakin.
"Sir. Yung kamay ko po." banggit ko dito. Napatingin naman sakin to. Napa titig ako sa mga mata niya parang may gusto siyang sabahin na hindi niya masabi hindi ko alam kasi nalilito din ako. Haissttt. binitawan na nito yung kamay ko tapos iniwas ulit yung tingin sakin.
Huminga pa to ng malalim bago nag salita. " ihahatid na kita sa inyo. Wag kanang mag reklamo, delikado narin sa labas at gabi na. Kukuhain ko lang yung motor ko antayin muna ko diyan. " hindi na ko nito inantay mag salita kinuha niya na yung motor niya.
Hindi ba mas delikado ang sumama sayo. Hindi ko alam ang tinatakbo ng isip mo. Hindi ko alam kung okay ba tayo o hindi kasi sa tono mo kanina halos isumpa muna ko pero ngayon para kang maamong tupa. Huminto ito sa harap ko naka sakay na siya sa motor niyang kulay itim.
"Tara na." banggit nito sakin. Sabay abot ng helmet sinuot ko naman to agad.
Nag dadalawang isip ako kung sasakay ba ko o hindi. Pero nahiya naman akong pag antayin siya. Aangkas na sana ko kaso wala akong makapitan medyo mataas kasi yung motor niya ayoko naman kumapit sa kanya nakaka hiya. Kaya nung paakyat na ko nadulas ako muntikan na kong matumba buti nalang may sumalo sakin.
Wait may sumalo? nararadaman ko nalang na may kamay na naka kapit sa bewang ko pag mulat ng mata ko nakita kong parang nagulat to sa nangyari hawak ako nito at inalalayang tumayo. Hindi parin to nagsasalita tulala parin ako. Nagulat nalang ako ng inabot nito yung kamay ko at inalalayan akong maka sakay sa motor niya hindi niya parin ako binibitawan. Inabot pa nito yung isang kamay ko at pinulupot sa bewang niya. Aalisin ko na sana kaso binawi niya agad at hinigpitan yung pagkaka kapit.
BINABASA MO ANG
Sir. Marky (bxb)
De TodoNa experience mo nabang ma in- love sa Teacher mo? Yung tipong patay na patay ka sa kanya tsk. nakaka takot pakinggan diba? Pero alam mo din na hindi malabong mangyari yun diba?Lalo na pag yung teacher mo eh! Nag uumapaw sa ka gwapuhan. Shitness si...