CHAPTER - 3

859 63 11
                                    

RUZZEL

What happened last night was a little bit unexpected. Who would have thought na yung teacher mong crush mo at the same time galit na galit sayo ay mag o-offer na ihatid ka sa bahay mo medyo masungit nga lang ng onti pero okay na atlis na touch ko yung bewang niya at the same time yun yung first time na sobrang magka dikit kami.

Even though I get the chance to be with him that close he keeps on reminding me how much he hate me. Not vocally but the way he look and his body react pag magkalapit kami I knew it, I felt it.

kagaya nga ng sinasabi ko I like him pero hindi yun dahilan para mahulog ako sa kanya or mag paka tanga. I had so much respect sa sarili ko. Gusto ko siya, yes but it's not even a reason para magpaka tanga sa Love knowing and given na he will never like me the way I like him.

I'm on my way sa school. Medyo maaga ako ngayon pumasok hahanap nalang ako ng tatambayan kagaya kasi dati late na kong papasok sa first subject ko not because I want to. Pero dahil yun ang gusto ni Sir. Siguro kung sa ibang estudyante okay yun at pabor sila pero sakin hindi. Major subject yung subject ko sa kanya tapos sa set up namin na ganito wala akong natututunan very bad yun.

Malapit na ko sa garden ng biglang may sumabay saking mag lakad. Hindi ko pinansin kung sino yun baka kasi nagka taon lang tsaka wala naman akong ibang kakilala dito kung di yung bestfriend ko lang. Tuloy tuloy lang akong maglkad pero napansin kong nakasabay parin sakin yung tao kanina.

"Ganyan kaba talaga? Hindi mo ba talaga ko papansinin." tanong nito sakin.

Napalingon naman ako dito. Nagulat pa ko sa itsura nito. Gwapo pala niya pag naka uniform siya. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito." gulat na tanong ko dito.

Natawa naman to sa reaksyon ko. " obvious ba. Nag aaral ako dito. " banggit nito sakin sabay pakita ng I.D

"Engineering Student ka. Totoo ba? Eh diba tambay kalang. Manginginom." gulat na banggit ko dito.

" porket ba umiinom tambay na agad. Diba ayaw mo sa tambay, ayaw mo sa walang pangarap sa buhay. Edi pwede na kitang ligawan?" banggit nito sakin.

"Seryoso kaba talaga sa sinabi mo. O mahilig kalang talagang mang trip." banggit ko dito.

"I'm Serious" pa cute nitong banggit sakin

"Serious kaman o hindi, my answer is No." taray diba gwapo natong nasa harap ko. Ganda pa katawan at height pero tumanggi ako. Pahiram ng crown dali.

"Ouch" pag drama nitong papikit pikit pa. "Hindi mo manlang ba itatanong pangalan ko. " malungkot na banggit nito sakin habang paawa yung muka niya. Kahit nilukot na yung muka niya ang pogi padin my ghad. Kalma lang Kalma.

"Ewan ko sayo! Wag kang O.A hindi ka gwapo!" pero deep inside Joke lang. Bakit ba kasi madilim nung niyaya niya kong uminom hindi niya tuloy ako napapayag uminom. "Ano bang pangalan mo?" kunyari wala akong pake.

"Hindi daw gwapo pero gusto malaman pangalan ko, okay sige MIKE GELO SALVADOR, 4th Year Engineering Student. GWAPO,MACHO,YUMMY may Pangarap sa Buhay at higit sa lahat bagay sayo." mayabang na banggit nito sabay abot kamay sakin.

"Pero Gelo nalang tawag mo sakin o kaya Babe or baby ikaw bahala." pahabol pa nito. Natulala nalang ako sa pinag sasabi nito.

Sir. Marky (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon