CHAPTER - 9

699 41 21
                                    

• RUZZEL •

Wala akong maayos na tulog kakaisip sa nangyari kagabi. I know may mali ako, tama naman si Sir. masyado kong nag enjoy kagabi to the point na nakalimutan ko ng I-inform yung mga kasama ko sa bahay na gagabihin ako or late na kong makaka uwi. Hindi lang kasi din ako nasanay na may nag-aantay sakin. Halos buong buhay ko nasanay na kong mag-isa hindi ako sanay na may ibang taong concern sakin bukod sa sarili ko at ang hindi ko maintindihan kung concern ba talaga si Sir.

Hindi ako mkatulog kakaisip kung bakit niya ko inantay. Bakit nag effort pa siyang antayin ako samantalang wala namang dahilan para gawin niya yun. Alam niyo yun may namumuong pag-asa sa puso ko na baka sakaling may pag-asa na ko sa kanya, kaso hindi eh! Sa larong to ang unang umasa, ang unang bumigay sa motibo siya ang talo. Dapat alam ko kung saan ako lulugar. Hindi ako susugal sa larong alam kong umpisa palang talo na ko.

"First Rule: Bawal kang ma in-love sakin."

Haiiiisssttttt

Sunday ngayon kaya magkakasama kaming magsisimba nasa loob na kami ng sasakyan at papunta na kami sa simbahan magkatabi ang mag lola sa likod at katabi ko naman sa harapan yung gwapo naming driver. Seryoso lang tong naka tingin sa daan samantalang ako hindi ako komportableng katabi siya hindi dahil sa may gusto ko sa kanya kundi dahil sa nahihiya ako sa ginawa ko kagabi.

"Zel kamusta naman yung Birthday party na pinuntahan mo" tanong ni Madam sakin.

Hindi ko alam kung pano ko sasagot. Pakiramdam ko hindi tamang mag sinungaling ako sa kanila. "Masaya naman po Mama Carlota, marami pong handa at tao na pumunta sa birthday party." Sagot ko dito.

"Mabuti naman at nag enjoy ka." Banggit nito sakin.

"Gusto ko din pong humingi ng pasensya sa nagawa ko po kagabi. Hindi ko po naiisip na mag message manlang o tumawag sa inyo kagabi para sabihing late na po ako makaka uwi. Hindi ko na po uulitin." Seryosong banggit ko sa kanila. Pero baka tingin ako kay Sir. Marky. Yung seryoso nitong expression kanina napalitan ng mukang nagtataka sa sinsabi ko.

"No big deal anak. Importante nag enjoy ka at safe ka namang naka uwi." Sagot ni Madam sakin.

"Pero Ma! Hindi tama yun. Pano pala kung may mangyari sa kanya sa labas syempre sa bahay natin siya nakatira ibig sabihin may pananagutan na tayo sa kanya." Galit na sagot ni Sir. Marky. Napayuko nalang ako at nahihiya dahil sakin magtatalo pa sila ng Nanay niya.

"Ano kaba namang tao ka napaka hot tempered mo naman masyado." Sagot ni Mama Carlota dito.

"pasensya na po talaga. May kasalanan naman po talaga ko. Hindi ko nalang po uulitin." Sagot ko sa kanila.

"Safe naman na nakuwi si Zel, first time lang niyang magkaroon ng mga kasama sa bahay. Bigyan mo siya ng time para mag adjust satin." Banggit ni Madam dito. Natahimik naman si Sir. at binalik na ang focus sa pag da-drive.

****************************************

After ng Mass ay umuwi rin kami agad sa bahay. Matatapos na yung buong kalahating araw ko ng ganun ganun lang after kasi naming mag breakfast nag paalam si Mama Carlota na dadalaw sa mga amiga niya kasama si Johann so kami lang ni sungit ang naiwan sa bahay pero yung mokong nag kulong sa kwarto niya.

Inip na inip na ko sa buhay ko kaya nag decide nalang akong tumambay sa may pool area kahit papano nakaka relax naman pag masdan yung tubig at maliit na garden malapit doon. Saktong paglabas ko ng kwarto ng maabutan ko si Manang Ema na bitbit yung maruruming damit ng mag-ama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sir. Marky (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon