CHAPTER - 7

353 30 7
                                    

• RUZZEL •

Nakaka bingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Kasi sa tono niya kanina mukang galit siya pero kung titigan mo naman siya ngayon blanko  lang yung ekspresiyon ng muka niya.

Kung sakali mang galit siya. Ano naman kayang pwedeng maging dahilan? Tungkol parin kaya to sa pagiging gay ko at nagagalit siya na yung lalaking kasama ko kanina ay yung lalaking minsan nang ng trip sakin. Pero kung yun yung dahilan bakit siya magagalit? Eh?? Wala naman siyang pakialam sakin diba.

"Wag mo kong titigan! May problema kaba sa muka ko." banggit nito sakin na naka tuon parin ang pansin sa kalsada.

Huh? Ibig sabihin kanina niya pa alam na nakatingin ako sa kanya ang obvious ko naman kasi masyado!

"Wala po. Tsaka hindi po ako sa inyo naka tingin sa may labas po" pagpapa lusot ko dito at mukang hindi naman to naniniwala.

"at ano naman tinitignan mo sa labas?" Nagdududang tanong nito sakin.

"yung-yung ano yung Ano po? " Wala akong maisip nyeta " yung mga puno sa labas. " pahabol ko pa dito.

"Bakit magkasama kayo ni Gelo?" Bigla nitong tanong sakin.

"Nagka sabay lang po kami sa daan. Tsaka wala naman po kaming ginagawang masama." Sagot ko dito. Hindi ko alam kung bakit ko kailangan ipaliwanag yun sa kanya.

Huminga to ng malalim bago nag salita ulit. "May gusto ba siya sayo? Nililigawan kaba niya?" Sunod sunod na tanong nito sakin.

Teka pano kami napunta sa ganitong usapan. Tsaka ano naman sa kanya kung manligaw o magustuhan ako ni Gelo! Mali nanaman ba? Porket ba ganito ako! Hindi ko ba deserve na magustuhan.

"Straight po yun at napaka imposible naman po na magustuhan niya ko. Wala naman pong straight na lalaki na seseryoso sa mga kagaya namin. Lalo na sakin kasi wala naman pong kagusto gusto sakin." malungkot na banggit ko dito.

Hindi na ito sumagot sakin at binalik na ang focus sa pagmamaneho. Nanatili kaming tahimik hindi naman talaga kami close para mag usap kami. Tsaka kailangan kong ilugar yung sarili ko lalo na pagdating sa lalaking to.Nakarating kami sa bahay papasok na sana ko sa loob ng tawagin ako nito.

"Zel" tawag nito sakin. First time niya kong tinawag sa pangalan ko. Hindi ako sanay nakakataba ng puso pero ayaw kong bigyan nanaman ng motibo yung mga sinasabi nito.

"Bakit po Sir? May papagawa po ba kayo sakin?" Seryosong tanong ko dito.

Hindi naman to sumagot agad. Napakamot pa to sa batok niya, kung titignan mo siya parang nahihirapan siyang sabihin yung gusto niyang sabihin. Pinag ti-tripan mo ba ko? Sa isip-isip ko.

"Sir. Kung wala naman po kayong sasabihin, papasok na po ako sa loob." Banggit ko dito.

"Yung kanina. Mali yung iniisip mo. Hindi ganun yung gusto kong sabihin. Hindi ko gustong maramdaman mo yun." Seryosong sagot nito sakin. Bago pumasok agad sa loob ng bahay.

Ano daw? Hindi ko siya na gets? Anong mali yung iniisip ko? Pano niya nalaman yung nasa utak ko! Hindi niya gustong maramdaman ko yun? Na ano na magustuhan ko siya? So ibig sabihin busted na ko ganun? Ano ba ang gulo mong titser ka!

Sir. Marky (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon