• RUZZEL •
"First rule: bawal kang ma- inlove sakin."
So ayun na nga unang rule palang tablado na ko. How to not fall in love with him? Pano bayun?? kung umpisa palang naman ng kwentong to may gusto na ko sa kanya. Diba napaka hirap naman nun para sakin.
Pero pag naiisip ko si Johann kinakain ako ng konsensya ko. Pano ba naman kasi awang awa ako dun sa bata. Tsaka madali lang naman ehh tutal yung bata lang yung aasikasuhin ko hindi ko nalang siya papansinin. Ganun din naman siya ehh hindi niya rin naman ako mapapansin kaya fair lang kami.
"Sir. Ruzzel ito na po yung room niyo." turo ni aling Vicky sa isang pinto. Nahiya naman ako dahil sa pag galang nito sakin sobrang awkward.
"Manang wag na pong Sir. kahit Ruzzel lang po tsaka pareho lang po tayong nagtatrabaho dito." naka ngiting banggit ko dito.
"Eh! Yun po yung bilin saakin Sir." sagot ng matanda sakin.
"Hindi po ako sanay. Basta Ruzzel nalang po. Ako na pong bahala sa kanila." sagot ko dito at tumango lang to. Pag pasok ko sa kwarto nagulat ako kasi ang laki nito. Hindi ganitong kwarto yung inaasahan ko para sa isang katulong."Manang hindi po ba maling kwarto ang naituro niyo sakin?" tanong ko dito.
"Ayy iho hindi. Kasi yung katabi mong kwarto. Kwarto ng mag ama yan. Diba ikaw ang mag aalaga kay Johann sa gabi o madaling araw kasi madalas nagigising yung bata meron kang isa pang pinto papunta sa kabilang kwarto. Kaya dito ang room mo." banggit nito sakin.
"Room ng mag ama? Ibig sabihin sa iisang kwarto lang po sila natutulog??" gulat na tanong ko kay Manang. Umoo lang yung matanda. Nako nalintikan na. 😭😭
" bakit iho may problema ba?" tanong nito sakin.
"Ayyy wala naman po. Salamat po sa paghatid Manang mag aayos lang po ako ng gamit." banggit ko dito.
"Naayos na namin mga gamit mo. Magbihis kana lang at pagkatapos mo gusto ka daw maka usap ni Madame." banggit nito sakin sabay alis.
Yung totoo? Hinakot nila mga gamit ko tapos naayos narin nila? Jusko hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko.
Nagbihis nalang ako at nakakahiya namang paghintayin si Madam. Naka underwear na ko susuutin ko na sana yung short ko ng biglang bumukas yung pinto. Niluwa nito yung lalaking gusto ko. naka itim na short at sando lang siya ngayon bakat na bakat yung hubog ng katawan niya. Tinaasan lang ako nito ng kilay late kunang na realize na naka brief lang ako sa harap nito. Shit awkward. Nagbihis agad ako at halos mataranta sa pagsuot ng damit ko. Sobrang nag iinit yung muka shit.
"Gusto kitang maka usap." banggit nito sakin na sobrang casual lang alam mo yun parang wala siyang pake na makita akong hubad bwiset. Hindi ba uso sa kanya ang kumatok muna bago pumasok sa kwarto ng iba.
"Tungkol Po saan?" nagtatakang tanong ko dito.
"Nakikita mo yung dalawang ilaw sa taas nung pintong pinasukan ko. " tanong nito sakin. Napatingin ako dito sabay tango.
"May ibig sabihin yan. Pag naka red yung ilaw hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ko pero pag naka green ibig sabihin okay lang kasi wala ako diyan. Naiintindihan mo ba?" banggit nito sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/43935899-288-k680894.jpg)
BINABASA MO ANG
Sir. Marky (bxb)
RandomNa experience mo nabang ma in- love sa Teacher mo? Yung tipong patay na patay ka sa kanya tsk. nakaka takot pakinggan diba? Pero alam mo din na hindi malabong mangyari yun diba?Lalo na pag yung teacher mo eh! Nag uumapaw sa ka gwapuhan. Shitness si...