CHAPTER - 2

1.1K 77 15
                                    

RUZZEL

Hindi ako maka tulog, ang daming gumugulo sa utak ko lalong lalo na sa pag aaral ko. Kailangan kong maka tapos, sarili ko lang ang inasahan ko wala namang ibang tutulong sakin kundi ako lang din. Ang kinakatakot ko lang eh kung papasa kaya ako kay Sir.Marky sa ganitong klaseng set up namin, yung papasok lang ako kung kelan niya gusto jusko baka siya pa yung dahilan para lang gumulo lalo ang buhay ko. Major subject ko siya kaya dapat maganda ang record ko sa kanya. Haissttt.

Ano naman kasing connect ng pagiging gay ko sa klase niya at sa pagtuturo niya. Pwede naman niyang wag akong pansinin the whole time na nagtuturo siya. Hindi pwedeng ganito kailangan ko siyang kausapin, Kailangan ko nadin sigurong alisin yung pagka gusto ko sa kanya! Shit! Dahil sa kanya naapektuhan yung pag aaral ko. Pano nayung mga pangarap ko.

Tinignan ko ang phone ko at 11:30 na ng gabi. Nakaramdam naman ako ng gutom, Haissttt hindi padin pala ko kumakain. Tinignan ko yung wallet ko at saktong 50 pesos nalang ang laman, bukas ko palang makukuha ang sahod ko kila Jade siya ang nag aabot sakin nun sa school. Maliit lang naman yun pero malaking tulong na sa pang araw araw ko,buti nga sakto yung araw ng sahod ko sa mga bayaran ko. Kagaya bukas mag babayad ako ng upa sa tinitirahan ko, kasama nadun yung sa tubig at ilaw Haissttt.

Ang pinaka mahirap sa lahat eh! Pag may mga babayaran sa school na hindi covered ng scholarship ko. Dun nag sho-short ako. Kagaya ngayon dating gawi, para maka kain ako pupunta ako sa may pinaka malapit na sari-sari store dito samin kaso sa isang kanto pa yung pinaka malapit Haissttt bago ko maka rating patay na ko sa gutom.

"Nay pabili nga po." banggit ko sa tindera, si Aling Violy mabait to at lagi kong kabiruan kaya dito ako madalas bumili. Sasagot na sana ang matanda ng may isang magandang motor ang huminto sa tapat ng tindahan nito, bumaba naman yung lalaki at pagtanggal ng helmet nagulat ako na si Sir. yun. Pero anong ginagawa niya dito.

"Ruzzel anak anong bibilhin mo?" tanong ng matanda sakin.

"Ay sige po Nay unahin niyo na si Sir." sagot ko dito.
Napatingin naman sakin si Sir at nagulat nang makita ako. Grabe siya ibig sabihin hindi niya ko napansin kanina nung bumaba siya sa motor niya hanggang maka punta siya dito. Ouch 💔

"No! You go first. Ikaw naman yung nauna kesa sakin ehh!" cold na banggit nito.

Haisssttt mas malamig pa sa Pasko ang boses niya, hindi ko alam kung zombie ba to or what! Tsk. Pero infairness poging zombie to hahaha pwedeng pwede mag pakagat.

"I said you go first." medyo asar na banggit nito sakin.

Ayyyyssss natulala pala ko sa kanya tsk.masyado akong obvious bwiset. Hahaha "Ahh okay po. Nay isang skyflakes nga." banggit ko kay Nanay Violy.

"skyflakes nanaman? Kagabi ito lang din kinain mo ahh! Ikaw talagang bata ka!" banggit ni Nanay sakin. Tsk. Pinarinig niya pa talaga sa zombie, ano nalang iisipin nito bakla na nga ako pobre pa! Jusko wala na talaga kong chance.

Napatingin naman ako kay Sir. pero seryoso padin at walang paki sa pinag uusapan namin. "Oh ito! Mag cup noodles ka at tinapay. Libre kuna yan! Subukan mo lang tumanggi at hindi na kita pag bebentahan dito. Ikaw talaga sabi ko sayo lalapit kalang sakin pag Kailangan mo ng tulong." naawang banggit sakin ni Nanay.

"Sorry, pero salamat po ulit dito Nay. Hayaan nyo makaka bawi din ako sa inyo." sagot ko dito.

Umalis nako dun at nag pasalamat, nag paalam din ako kay Sir. pero kahit tango o isang ngiti lang hindi niya manlang nabigay napaka damot hahaha. Nag lalakad na ko pauwi ng may madaanan akong mga tambay na nag iinuman tsk. Kaparehong kapareho sila ng tatay ko mga batugan at mga walang plano sa buhay.

"Hoyyyy boy Tara tagay ka!" banggit nung isang tambay sakin.

"Sige po salamat nalang may pasok pa po ko bukas." pag tanggi ko eh hindi naman talaga ko umiinom.

"Nako Gelo natanggihan ka ata ngayon." banggit nung kabarkada niya.

Mga muka silang gangster pwera lang sa Gelo na to,malinis kasi siyang tignan at gwapo. Siguro kaedad ko lang siya. Tumayo naman to at lumapit sakin.

"Isang tagay lang tapos, uwi kana!" maamong banggit nito tsk. Style mo.

"Hindi talaga ko umiinom ehh! Sorry" banggit ko dito. Maglalakad na sana ako paalis nang bigla nitong hinawakan yung kamay ko. Nag sigawan naman yung mga kabarkada niya. Tsk. Ano kami loveteam. Duh!

"PA HARD TO GET KA NAMAN." naka ngising banggit nito sakin.

"Tsk. Bitawan muna ko. Hindi ko naman kayo ginugulo." natatakot ng banggit ko dito. Shuta naman sa tagal kong naka tira dito ngayon lang ako na ganito.

"Matagal na kitang napapansin dito, ikaw lang yung baklang gusto kong makita. Gusto kita swerte mo kasi madaming babae at bakla ang nag kaka gusto sakin pero ikaw pa yung napansin ko." seryosong banggit nito sakin.

Kapal naman ng muka neto. Wala naman akong PAKE kung maraming nagkaka gusto sa kanya. Hindi ko naman siya gusto. Duh! Gusto ko yung lalaking may pangarap sa buhay. Duh!

"Sorry, hindi kasi kagaya mo yung type ko. Gwapo ka kaso mukang wala kang pangarap sa buhay kaya sorry. Mahirap na nga ko tapos mahirap pa yung mamahalin ko ano na lang mangyayari sa buhay ko! Kailangan kong maging practical." Seryosong sagot ko dito.

Napatawa naman to sa sinabi ko mag sasalita na sana to ng biglang may humintong motor sa tapat namin. Kilala ko to nakita kuna yung motor nayun kanina. Nag tanggal to ng helmet haisssttt ang gwapo niyang tignan sobra. Pero anong ginagawa niya dito.

"Gelo ano to?" banggit ni Sir kay gangster. Binitawan naman nito yung kamay ko.

"Wala to Sir. Nag uusap lang kami. Sige kita nalang ulit tayo next time." umalis na to sa harap namin at alam kong may iba pang ibig sabihin yung sinabi niya. Haisssttt Kailangan kunang mag iba ng daan.

Nag umpisa na kong mag lakad pauwi ng may mag salita sa likod ko. "Umangkas kana! Hahatid na kita sa inyo." blangkong banggit nito sakin.

Pumintig pintig naman ang puso ko dahil sa sinabi nito. Pero hindi naman ako ganung kagarapal na papayag agad sa gusto niya. " Salamat nalang po Sir. Malapit lang naman po ang saamin." naka ngiting banggit ko dito.

"Hindi ko naman tinatanong kung pumapayag ka! Inuutusan kita! Wag kanang mag inarte delikado ng lumabas ng ganitong oras kaya pwede bang umangkas kana." bulyaw nito saakin. Dahil natakot ako sumunod nalang ako dito. Pero nag lagay ako ng espasyo sa pagitan namin.

"Umusog kapa! at kumapit sakin." Seryosong utos nito.

Umusog naman ako at kumapit sa balikat niya. " Wag dyan dito sa bewang ko. Nag iisip kaba! " Hinawakan nito yung kamay ko at nilipat sa bewang niya na nag bigay sakin na malakas na kuryente halos manginig yung kamay ko sa sobrang kaba. Haisssttt napaka stubborn tsk.

Pinaandar na nito ang kanyang motor, nag para lang ako ng tumapat na kami sa inuupahan kong kwarto. Pagbaba ko mag papa salamat na sana ko kaso pina harurot na niya agad yung motor niya. Tsk.

"Thank you Sir." banggit ko dito habang tinatanaw ang papalayo nitong motor.

End of Chapter - 2
VOTES AND COMMENTS

🍀 VERON SO 🍀

Sir. Marky (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon