CHAPTER - 8

382 28 6
                                    

• RUZZEL •

Sabado ngayon at walang pasok. Nandito lang ako sa kwarto ko, nakahiga sa kama habang nag sa soundtrip. Actually kailangan kong mag paalam kay Sir. dahil ngayong araw ang birthday ni Gelo. Nakapangako ako sa tao na pupunta ako kaso nahihiya akong mag paalam baka kasi magalit nanaman to pag nalamang kila Gelo ako pupunta. Pero nakakahiya din naman kay Gelo kasi kaibigan ko siya at nag sabi din ako sa kanya. Haiitsttt!

Hindi ko nga alam bakit napaka big deal sa kanya pag si Gelo ang pinag uusapan eh! . Baka may personal silang away? Pero hindi eh minsan nakita ko silang nag uusap ng maayos. Mukang okay naman sila. Hirap din kasing unawain nitong asawa ko eh! Charr ng amo ko pala.

Nasa ganun akong pag-iisip ng makarinig ako ng malalakas na katok sa pinto. Tinanggal ko ang earphones ko at pinatay ang music sa cellphone ko bago ko lumapit at binuksan ang pinto. Niluwa nito ang pamilya ko. Charr ulit yung gwapo kong amo at yung cute niyang anak. Naka pang swimming yung bata at yung tatay naman naka swimming trunks Pero naka suot pa siyanng mahabang t-shirt natatakpan pa naman ang santolan station. Wag ka bakit kailangan ko pang sabihin sa inyo yun hahaha.

"Tito Zel. Tara po mag swimming." Pagyaya sakin ng bata. Tinignan ko naman si Sir Pero tahimik lang tong nag aabang ng sagot ko.

"Okay lang ba kung samahan ko nalang kayo. Pero hindi ako maliligo?" Banggit ko sa bata. Feeling ko chance ko nadin yun para mag paalam kay Sir na aalis ako. Sakto maaga pa naman eh pwede naman akong umalis after lunch.

"okay po. Tara na po." Masayang banggit ng bata. Hinatak ako nito papunta sa pool area. Naka sunod lang samin ang tatay nito. Pagdating namin dun agad naman nitong kinuha ang salbabida sumakay dito at lumusong na sa tubig.

"Baby dahan dahan kalang huh. Baka mabitawan mo yung salbabida." Nag aalalang banggit ko dito.

"Don't worry, Johann can manage. Sanay na yan diyan at nandito naman ako babantayan ko din siya. Hindi ko naman siguro hahayaang malunod yung anak ko." Banggit nito sakin dahilan para mapatingin ako sa kanya. Hindi na naalis yung tingin ko dito ng hubadin nito yung t-shirt niya. Kita ko yung abs niya at yung Kiki-kili niya. Sabi sa inyo eh masama to lumabas nayung santol, napalunok nalang ako tapos sigaw ng darna . Nakaka asar lagi niya nalang ba kong aakitin huh.

"Mainit ba? Bakit pinag-papawisan ka? Sure kabang ayaw mong mag swimming?" Naka ngising tanong nito sakin.

Pinunasan ko naman ang pawis ko. "ayaw kong mag swimming sir. Baka maging pating ako at makain kita. Este baka mabasa ako ng tubig. Ahhh basta kayo nalang po." Sagot ko dito.

Napangiti lang to sa sagot ko. Paking tape. Ngumiti siya? Nginitian niya ko. Napaka gwapo niya. Lakas ng kabog ng dibdib ko. Lumusong nadin to sa tubig at sinamahan ang anak nitong mag swimming. Ang saya nilang panoorin, ang sarap pangarapin na magkaroon ng ganitong klaseng pamilya.

"Zel paabot nga tubig." Utos ni Sir sakin.

Kinuha ko naman yung bottled water sa may lamesa at inabot dito. Nagulat ako ng hawakan ako nito sa may braso ko at hilahin pabagsak sa tubig. Sa sobrang taranta ko nag kawag-kawag ako sa tubig dibale ng mag mukang palaka kesa malunod ako. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Napatigil lang ako ng may kamay na pumulot sa bewang ko. Pag tinging ko dito sobrang lapit namin sa isat isa halos dikit yung katawan ko sa katawan niyang hubad.

"Kumalma ka nga hindi ka malulunod. Sasaluhin naman kita eh." Napatigil ako sa sinabi nito. Hindi ko maintindihan Pero may ibang kahulugan yung sinabi nito sakin. Nakaka asar ayokong umasa pero mukang doon ako papunta.

Sir. Marky (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon