VII. Identical

416 7 0
                                    

Cindy's POV

Nang makalapit kami sa bahay, Manong stared at the house.

"Ito na nga siguro 'yung bahay na sinasabi ng lola ko." Manong concluded.

"Ah hindi pa ba tayo papasok manong? Alas dose na." Paalala ni Chloe kay Manong.

Biglang may tumakbo sa likuran namin.

"Ano 'yun?" Sabi ni Joshua sabay lingon.

Chloe and I run towards Samantha who was standing at the balcony, in front of the door.

"Mukhang sirado ata 'yung pinto e. Panu natin 'yan mabubuksan, Manong?" Tanong ni Samantha.

"GUYS! LOOK BEHIND YOU!!!!" Sigaw ni Chloe, tinuturo ang mga nilalang.

Lahat naman kami nagsilingunan sa kinaroroonan ng mga lalaki (malapit lang naman sila sa amin, pero nasa balcony lang kaming mga babae at si Manong).

May nakita kaming papalapit na gumagapang na nilalang. Tapos biglang sumigaw si Chloe.

"AHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ulit ni Chloe. "What's that?"

"Takbo na tayo, pre!" Aya ni Anthony.

Nagsitakbuhan ang mga lalaki papunta sa amin na nasa balcony. Papalapit naman nang papalapit ang mga nilalang na gumagapang.

"Wag kayong sumigaw. Sa gano'ng paraan, tinatawag n'yo 'yung iba pang mga naninirahan dito." Babala ni Manong.

"It's coming." Pabulong na sabi ni Chloe nakayakap kay Joshua habang nakapikit.

"Subukan n'yong buksan ang pinto." Utos ni Manong kina Samantha at Anthony.

"That won't work. Sinubukan ko na kanina e." Sabi ni Sam.

"Ako na nga. Alis ka jan." Sabi ni Anthony na halatang nagmamadali nang makapasok. "Naku! Ayaw bumukas. Locked nga."

"What if we break this door?" Suggestion ni Joshua.

"'Yan ang wag na wag n'yong gagawin. Oras na masira ang pinto ng bahay na 'yan, malaya nang makakapasok ang mga halimaw na nananahan sa lugar na ito at wala na tayong pag-asang makaligtas dito." Babala ulit ni Manong.

"What do we do now? Dumadami na 'yung gumagapang na creatures, Manong." Natatakot na sabi ni Chloe.

"Dito ka sa likod ko Chlow." Sabi ni Joshua.

Agad namang nagtago si Chloe sa likod niya.

"They're everywhere." Sabi ko pa.

"Manong, ano na? Ano na ba gagawin natin ngayon?" Tanong ni Anthony na kanina pa 'di mapakali. "Hihintayin na lang ba natin na may mamatay sa atin? May susi ba 'to? Sa'n ba natin mahahanap 'yun?"

"Wala akong maalala na naikuwento ni lola ang tungkol sa susi nitong bahay." Sabi ni Manong. "Subukan nating maghanap sa paligid kung nandito ba 'yung susi."

Naghanap-hanap kami.

"Wala dito sa gilid ng mga bintana." Sabi ni Joshua habang nakayakap sa likod niya si Chloe.

"Wala rin dito sa ilalim ng floor mat." Sabi ni Anthony.

May floor mat pa talaga? Sosyal naman nitong lumang bahay.

"Ayan na sila. Ayan na." Umiiyak na sigaw ni Chloe na nagtatago sa likod ni Joshua.

Aksidente ko namang natapat ang flashlight sa leeg ng driver.

An Abrupt Destination I {C.O.M.P.L.E.T.E.D}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon