"Teka!" Sigaw ng bata sa likod ko.
"ANO! Bigla-bigla ka lang mawawala palibhasa kasi ... may kasalanan ka! Inis ako sa'yo." Tanong ko as I turned my back. "Ba't mo ginawa 'yun? Hindi mo ba alam kung ga'nu 'yun ka-importante sa akin at mga kasama ko?" Sabi ko habang naluluha.
"Paumanhin." Sabi ng bata.
"Ano ba magagawa n'yang paumanhin mo huh?" Tanong ko habang pinupunasan ko 'yung basa kong mukha. "Ba't mo ba kasi ginawa 'yun?"
"Ang totoo niyan e, ayaw kong umalis kayo dito. Masyadong malungkot mag-isa dito sa loob." Paliwanag niya.
"May buhay pa kami sa labas nitong mundo n'yo. Hindi kami maaaring magtagal dito." Sabi ko. "Naiintindihan mo ba?"
"Naiintindihan naman kita." Sabi niya.
Napaupo ako sa silyang nasa tabi ko. Nanghihina ako. We lost the chance of getting out of this place.
"Ano ba gagawin ko ngayon?" Nababahala kong tanong.
"Gusto mo bang sagutin ko lahat ng mga tanong mo kanina?" Tanong ng bata.
Natigilan akong bigla. May naisip ako. Napatingin ako sa kanya.
"Sige. Makikinig ako. E matutulungan mo ba ako sa problema ko?" Seryoso kong tanong.
"Gusto mo bang sagutin ko 'yung tanong mo kanina?" Tanong ulit nung bata.
I sighed. Walang akong makukuha dito sa batang' to. Well, wala naman akong choice e. Ano ba naman ipapaliwanag ko sa mga kaibigan ko? Dito nalang muna ako.
"May magagawa pa ba ako?" I asked then I shrugged my shoulders. "Oh well, start now."
"Taong 1935 iyon ng Oktubre. Nag-organisa ang aming mga troop leader na magcamping sa isang lugar sa Pampanga. Kasa-" Kwento niya.
"Teka, Pampanga? E papunta kaming Tacloban nang napunta kami sa lugar na 'to e." I interrupted.
"Ang iba't ibang sulok ng Pilipinas ay may portal papasok sa lugar na ito." Sagot niya. "Ang mga portal ay naglilitawan lang nang biglaan. Tuwing araw, nakasara ang mga ito, tuwing gabi naman ay nakabukas. Ang mga portal ay hindi namamalagi sa iisang lugar lamang, palipat-lipat sila. Walang ni isa ang nakakaalam kung kailan at saan banda naglilitawan ang mga portal."
"Kaya pala mahirap maiwasang makapasok dito sa lugar na 'to." Sabi ko. "Go on with your story, little boy."
"Kasama ko 'yung daddy ko nun at mga kasamahang cub scouts. Nasa loob kami ng isang bus. Natutulog kaming lahat maliban lamang sa driver. Nagising na lamang kami nang biglang huminto 'yung bus. Nagtaka kaming lahat. Nagsitayuan 'yung mga guardian namin. Napatanong si daddy, ano ba raw nangyayari. Nasiraan ata tayo, sagot nung isang troop leader namin. Lumabas 'yung driver, dala-dala 'yung flashlight niya. Sinundan ko siya ng tingin mula sa bintana. Sinilip niya 'yung mga gulong ng bus. Matapos ang ilang minuto, pumasok siya ulit sa bus na nakakunot ang noo't napakamot sa ulo. Napatanong 'yung daddy ng kapwa ko cub sout, ano ba raw 'yung sira. Hindi muna umimik 'yung driver at naupo sa upuang bakante malapit sa kanya. Tapos-" Kwento niya.
Biglang tumigil ang bata.
"Tapos? Ano nangyari?" Tanong ko habang nakatingin ako sa kanya.
"Nagsimulang magsalita 'yung driver. Sabi niya nakapagtataka raw na mga damo na 'yung nasa ilalim ng mga gulong ng bus. Mas lalo naman daw'ng nakapagtataka na may nabangga kaming malaking bato, hindi naman siya nakakita ng malaking bato sa daanan kanina, tanging patag na sementadong daan lang daw. Dagdag pa nung driver, hindi raw niya alam kung ba't napunta kami sa gubat. E kanina binabaybay lang daw namin 'yung daanan papuntang camping site namin." Kwento nung bata. "Hindi siya pinaniwalaan nung mga guardian naming kasama, baka daw nakatulog lang 'yung driver o kaya'y nakainom kaya nakalimutan 'yung daanan papuntang camping site namin. Tinanong siya ng mga troop leader kung ano raw pupwede nilang gawin para maayos 'yung sasakyan. Binulyawan pa ng lolo ni Kevin 'yung driver, ano pa raw tinutunga-tunganga nung driver, simulan na raw 'yung dapat simulan at nang makapunta na kami sa camping site."
BINABASA MO ANG
An Abrupt Destination I {C.O.M.P.L.E.T.E.D}
Mystery / ThrillerNagplanong magbakasyon sina Samantha at ang kanyang barkada sa isang rest house sa Tacloban. Papunta ron ay may kakaiba nang mga nangyari. Nawala sila sa rota ng kanila sanang paroroonan, makabalik pa kaya sila? Tunghayan ang kakaibang ikot ng isto...