XV. I'm Benjie

353 6 0
                                    

Chloe's POV

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kinaroroonan ng mga barkada ko. Itinapat ko 'yung ilaw ng phone ko sa dinadaanan ko.

Ano na sasabihin ko sa kanila? Nakalimutan ko 'yung nakasulat dun sa likod nung portrait dahil sa batang multo? Haaay! Praning na nga tingin nila sa'kin e because I see ghosts, what more now?

Napailing nalang ako.

Di ko na talaga alam kung anong gagawin.

Biglang nagvibrate cellphone ko. Tiningnan ko.

Ay! Wrong timing naman. Lowbat na device ko.

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Naku naman! Ang malas ko talaga.

Bigla kong naalala 'yung bata.

"Little boy? Yohoo are you there?" Tawag ko.

Ano nga ba pangalan nun? Ay naku, bat nga ba hindi ko natanong.

"Little boy?" Tawag ko ulit. "I need your help."

"Hindi na nga siguro yun magpapakita sa akin kasi na naman niya lahat ng kailangan kong malaman e. Teka! Ano nga sabi nung batang yun sakin? Ay oo, sabi niya pumikit lang daw ako. Tapos? What happens next? Ay ewan ko na." Sabi ko sa sarili. Tapos bigla akong may naalala."Ay! Di ba nasa loob ng bulsa ko yung medallion na bigay niya?" Sabi ko sabay kapa sa bulsa ko. "Positive. Nandito pa nga sa bulsa ko. Siguro magpapakita pa iyon sa akin para kunin ang medallion niya. Hintayin ko nalang saglit."

Biglang lumitaw 'yung bata sa harap ko.

"Ano?" Sabi nito. "May kailangan ka na naman ba? Ano yun?"

"Naku! Susmaryosep!" Sabi ko sabay hawak sa dibdib ko. "Aatakihin ako sa puso sa' yo. Ba't ba kasi bigla ka lang sumusulpot? Huwag ka ngang ganyan."

"Nakakatuwa ka pa lang gulatin nuh?" Sabi ng batang multo sabay tawa.

"Hoy bata ka! Hindi nakakatuwa yun ah." Sabi ko.

"Magmadali kang makapunta sa mga kasama mo. Malapit nang magbalik 'yung mga maonsatara." Babala ng bata.

"E ano gagawin ko? Hindi ko alam kung ano sasabihin sa kanila. Hindi ko nagawa yung pinapagawa nila sa akin, 'yung isa sa mga bagay na pwedeng makasalba sa amin dito sa lugar na 'to." Sabi ko.

"Pumikit ka lang." Maikli niyang sabi. "Hindi ba' t yun ang sinabi ko sa'yo kanina?"

"Huh? Tapos?" Tanong ko.

"Gawin mo nalang sinasabi ko." Sabi niya.

Pumikit nga ako gaya ng sinabi niya.

"Ano meron? E wala naman akong makita e." Sabi ko, habang nakapikit.

"Hoy!" Tawag niya.

Binukas ko mga mata ko.

"Ano?" Tanong ko.

"Mamaya mo na gawin 'yan kapag kelangan na." Sabi niya. Napakamot pa siya sa ulo.

"Ah ganun ba?" Tanong ko.

Napailing ang bata.

"Sorry. Medyo nawawala ako sa sarili." Sabi ko sa kanya. "Nga pala, hindi ko makita 'yung daan pabalik dun sa mga kaibigan ko. Naglowbat na phone ko. Ano na gagawin ko?" Tanong ko.

Itinuro niya 'yung maliit na cabinet na nasa likod ko. Liningon ko 'yun.

"Oy may drawer pala dito? Di ko napansin 'to dito ah." Sabi ko. "E ano meron sa drawer na'to?" Tanong ko sa kanya.

"May lamparang maliit d'yan. Gamitin mo." Sabi niya.

Binuksan ko 'yung cabinet. Nakita ko ngang may lampara. But it was dusty.

"Wala bang mas malinis naman?" Tanong ko matapos kong maubo. "Magkakahika ako sa kapal ng alikabok dito e, kanina pa exposed tong baga ko sa dust sa place ninyo."

"Wala ka na bang kailangan?" Tanong ng bata.

Inangat ko 'yung lamparang hawak ko.

"Wait. Panu ko ba toh paiilawin? Ngayon lang ako nakakita ng ganito." Tanong ko sa kanya.

Wala naman kasing ganito sa lugar namin. High-tech na kaya dun lahat.

Tapos bigla siyang may dinukot sa bulsa niya. Tapos ibinigay niya sa'kin.

"Heto oh! Posporo." Sabi niya.

Tinanggap ko naman 'yung posporo.

"Little boy, anu ba gagawin ko sa posporong 'to?" Tanong ko habang tinititigan ko 'yung posporo sa kamay ko.

"Benjie." Biglang sabi ng bata.

Napatingin ako sa kanya.

"Ano?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Napatingin ako sa paligid. "Sinong Benjie?"

"Wag mo nalang akong tawaging little boy, Benjie nalang." Sabi niya.

"Okay. Benjie, panu ba 'to? Ano ba gagawin ko sa lampara at posporong 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Ipatong mo muna 'yang lampara sa ibabaw ng cabinet." Utos niya. "Akin na nga 'yung posporo ko." Sabi niya sabay kuha sa kamay ko ng posporo. "Ako na gagawa."

Napangiti ako.

"Ayan! Ang galing! May ilaw na rin ako sa wakas." Sabi ko pa.

Ibinigay niya sa'kin 'yung posporo. Nagtaka ako.

"Little... Este Ano ulit yung pangalan mo?" Tanong ko.

"Benjie."Maikli niyang sagot.

"Ah e Benjie, ano gagawin ko dito sa posporo? Hindi naman ako mahilig manigarilyo e. Baka naman remembrance?" Tanong ko.

"Wala naman akong sinasabing naninigarilyo ka e. Teka... Ano bang ibig sabihin ng remembrance?" Tanong ng bata. "Pamilyar iyang salitang yan pero hindi ko na matandaan ibig sabihin."

"Remembrance... hmm... Panu ko ba 'to sasabihin. Parang nasa dulo na ng dila ko e pero na-stuck lang." Sabi ko.

"Naku! Hayaan mo na kung anu man yung ibig sabihin nun. Kailangan mo nang magmadali at kailangan ka na ng mga kasama mo. " Sabi niya.

"Para saan ba kasi' to?" Pangungulit ko.

"Itago mo' yan bilang alaala ng batang multong nagpakita sa'yo." Sabi niya.

"Oo! Yan nga ibig sabihin nun! Ang sweet mo!" Sabi ko sa kanya. "Napangiti mo puso ko, alam mo ba 'yun? Salamat ah."

Ngumiti siya.

"Salamat at napangiti mo ako. Sobrang tagal na rin nung huli akong ngumiti." Sabi niya sa akin.

Bigla akong may naalala.

"Uy yung medallion mo nasa akin pa." Sabi ko sabay kapa sa bulsa.

"Sa iyo na yan. Sigurado akong magiging malaki ang tulong nun sa inyo." Sabi niya.

"Tulog? Panu?" Tanong ko.

"Basta huwag nang maraming tanong." Sabi ni Benjie na tela nakukulitan na sa akin.

Ngumiti nalang ako.

"Nga pala. May narinig kong may pinag-uusapan silang babaeng nakaitim na nakaitim daw." Bigla niyang sabi.

Nagkunot ang noo ko."Babaeng nakaitim? Bakit daw? Meron bang ganun dito? Black lady? Ganun? Katakot pala dito. Buti nalang at ikaw lang nakita ko nuh? Hinimatay na siguro ako sa nerbyos." Tanong ko.

"Nakita raw nung Cindy na kaibigan mo nung pumunta siya dun sa itaas para hanapin yung kandilang pinapahanap sa kanya." Sagot niya.

"Ano bang meron sa babaeng nakaitim na 'yun?" Tanong ko.

An Abrupt Destination I {C.O.M.P.L.E.T.E.D}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon