XVII. Trust

342 9 0
                                    

Itinapat ko 'yung lampara sa daanan ko.

Ang layo na pala ng nilakad ko.

Narinig ko yung mga sigaw ng mga kaibigan ko. Napatakbo ako papunta sa kanila.

Dinatnan ko silang pinagpapawisan sa kakatulak sa pinto para hindi makapasok 'yung mga halimaw. Pati si Cindy tumulong na rin.

"CHLOE! SA'N KA BA NANGGALING? ANG TAGAL MO!" Galit na tanong ni Sam.

Gusto ko sabihing may bata akong nakausap kanina kaya ako natagalan kaso ... wag na siguro. Iisipin na naman nilang weird ako.

"Nahirapan ako sa paghahanap nung portrait e." Palusot ko.

"Ma'am Chloe, nahanap mo ba?" Tanong nung driver.

Natigilan ako. Ano sasabihin ko? Oo o hindi? Naku! Baka sabihin nilang palpak ako.

Kung sumagot ako ng oo, baka isipin nilang na. memorize ko yung nakasulat dun, baka sabihin pa nilang paasa ako. Pag sumagot naman ako ng hindi, para ko na rin silang tinanggalan ng pag-asa.

"Uh oo ... opo, nahanap ko." Sagot ko.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na pumalpak ako dahil dun sa bata. Hindi rin naman sila maniniwala.

"Ano na gagawin ni Chloe, Manong?" Tanong ni Cindy.

"Ma'am Chloe, sindihan n'yo ho 'yung kandilang na'kay Ma'am Cindy." Sabi ni Manong.

Pagkalapag ko sa sahig nung lamparang hawak ko, agad namang ipinasa ni Cindy 'yung itim na kandila sa akin. Sinindihan ko 'yun gamit 'yung posporong ibinigay sa'kin ni Benjie.

Nagtaka sila.

"Sa'n mo nakuha 'yung posporo na 'yan? Do you smoke na?" Tanong ni Sam.

Porke ba may posporo, smoking agad? Hindi ba pwedeng may nagbigay lang muna?

"Ah ... I don't know. I just found it here inside my pocket." Sagot ko.

"At sa'n mo naman nahanap 'yung lampara? Tanong ni Joshua. "Panu mo nalaman kung panu pailawin 'yan? E di ba city girl ka?"

Naku naman! Pati 'yun napuna pa. 'Di ko na nga lang papansinin 'yang mga tanong niya. I will pretend nalang na hindi ko siya narinig.

"Ano na sunod kong gagawin Manong?" Tanong ko.

Please lang Joshua huwag mong ulitin 'yung mga tanong mo.

"Nasa'n na po 'yung mga pilak n'yong naipon kanina?" Tanong ng driver.

Dinukot ko galing sa pockets ko 'yung silver jewelries na naipon ko kanina.

"Here is my silver anklet, take it." Sabi ni Cindy sabay taas ng kanyang paa.

I looked at her strangely.

She sighed. "Please get it." Sabi niya.

"'Yan, very good." Sabi ko then I removed her anklet from her feet. Buti naman at binanggit niya 'yung magic word na please.

"Pumwesto ka ho sa tapat nitong pinto. Hawakan mo nang maigi ang kandila. Isa-isa kaming tatakbo papunta sa likod mo." Sabi ng driver.

"Then what? Papapasukin sila? ... Yung mga halimaw? ... Wait! Wait! Ako haharap sa kanila?" Naguguluhan kong tanong. "Uy ... Scared ako! Ayoko! E kayo nalang. Ako na naman naghanap ng lampara at ilaw e. "

"BILISAN MO! ANG ARTI MO TALAGA CHLOE! NAHIHIRAPAN NA KAMI DITO. NAKIKITA MO NAMAN SIGURO, HINDI BA? KAYA BILISAN MO NA JAN." Bulyaw ni Anthony.

An Abrupt Destination I {C.O.M.P.L.E.T.E.D}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon