SAMANTHA'S POV
Naiwan kaming apat dito sa pinto. Halos maglabasan na mga ugat namin sa kagustuhang hindi sila makapasok dito.
"I THINK I'M LOSING MY STRENGTH, THEY'RE TOO STRONG FOR THE FOUR OF US." Sabi ko habang tinutulak 'yung pinto.
"MANALIG KA MA'AM." Sabi ni Manong. "WAG LANG KAYONG BUMITAW."
"NA'SAN NA BA KASI 'YUNG DALAWA?" Tanong ni Anthony. "ANG TAGAL!"
"AAAHHH! NAUUBUSAN NA AKO NG LAKAS!" Sigaw ni Joshua.
Pinagpapawisan na kami nang sobra. Sa'n na ba kasi 'yung dalawang 'yun? Sobrang tagal nila. Palibhasa hindi nila alam kung gaano kahirap ginagawa namin dito. Tsk!
"OO NGA PALA." Biglang sabi ni Manong. "MAY BATANG NANINIRAHAN DITO SA LOOB NG BAHAY, NAIKUWENTO YUN SA'KIN. MAG-ISA LANG SIYA DITO."
"HO?" Tanong ko.
Narinig ko ba ''yun ng tama?
Saglit kaming natigilan nina Anthony at Joshua.
"May bata sa loob nitong bahay." Halos pabulong niyang pagsang-ayon sa sinabi ko.
"Ha? E panu siya nakapasok?" Tanong ni Joshua.
"Siguro kagaya rin siya natin na bigla lang napunta sa lugar na 'to." Sabi ni Anthony sabay kibit ng kanyang mga balikat. "Siguro naiwan lang siya ng kanyang mga magulang dito."
"O baka naman, nagpaiwan nalang talaga siya." Sabat ko. "San na nga pala siya?"
Tumingin-tingin pa ako sa likuran ko.
"Nandito ba siya sa loob ng bahay?" Tanong ko.
"Medyo may punto kayo ... pero ito talaga 'yung nangyari. Marami na talaga ang nagagawi sa lugar na 'to. 'Yung susi na nakita n'yong nakakabit sa kwintas ko? Hindi ko alam na nandu'n 'yun. Kanina ko lang naalala ang sinabi ng lola ko tungkol dun sa susing iyon. Bigla lang daw iyong lilitaw na nakakabet sa kwintas ng isa sa mga magagawi dito." Kwento ni Manong.
"Cool!" Sabat ni Anthony.
"Akala namin tinatago mo lang 'yung susi para pagpapapakin kami ng mga halimaw na 'yan sa labas." Sabi ni Joshua.
Napailing si Manong at ngumiti.
"Hindi ko magagawa 'yun. E di konsensya ko naman 'di matatahimik sa lagay na 'yun." Sabi ni Manong.
"E ano na po ba 'yung tungkol dun sa bata?" Biglang singit ko."Nasa'n na po siya?"
"Medyo hindi ko kasi maalala 'yung kwento tungkol dun sa bata e. Ang sabi sa kwento, nagawi raw 'yung batang 'yun kasama ang kanyang grupo. Cub scouts? Ano nga ba tawag sa maliliit na boys scouts?" Tanong ni Manong sabay tingin sa amin.
"TEKA!" Biglang napasigaw si Joshua. "PUMAPASOK NA 'YUNG ULO NITONG ISANG HALIMAW!"
"CINDY! CHLOE! SA'N NA BA KAYO?" Sigaw ko.
Matapos ang ilang minute, napansin naming nagsiatrasan ang mga halimaw.
"Anong nangyayari?" Pagtataka ni Joshua sabay silip sa labas ng pinto.
"Parang umaatras sila Manong." Dagdag ni Anthony habang nakasilip sa bintana.
"Itapat mo nga 'yung ilaw n'yo sa labas Anthony." Utos ko.
Ginawa naman ni Anthony 'yung pinapagawa ko.
"Wala na sila." Sabi niya.
"Ba't ba di maisara 'tong pinto? It's bullshit!" Nabubwiset na sabi ni Joshua tapos sinipa ang pinto.
BINABASA MO ANG
An Abrupt Destination I {C.O.M.P.L.E.T.E.D}
Mystery / ThrillerNagplanong magbakasyon sina Samantha at ang kanyang barkada sa isang rest house sa Tacloban. Papunta ron ay may kakaiba nang mga nangyari. Nawala sila sa rota ng kanila sanang paroroonan, makabalik pa kaya sila? Tunghayan ang kakaibang ikot ng isto...