Anthony's POV
"Kailangan n'yong hawakan ang dalawang Chloe na 'yan sa magkabilang braso. Sa paraang 'yun, malalaman natin kung sino ba sa dalawa ang tunay na Chloe. Pagharapin n'yo silang dalawa." Bulong ni Manong sa amin ni Joshua.
"Papaano naman namin malalaman kung sino sa kanila ang tunay na Chloe?" Pabulong kong tanong kay Manong.
"Ang totoong Chloe e hindi nakakakita sa halimaw na kumopya sa kanya kaya magtataka siya at tititigan niya kung ano 'yung ipinaharap n'yo sa kanya na sa paningin niya'y tila invisible. Habang nakatitig si Chloe sa kaharap niyang halimaw, unti-unting lilitaw ang totoong hitsura nung halimaw. Oras na mangyari 'yun. Magsisilitawan ang iba't ibang mga halimaw na nagtatago lang sa paligid kaya kung sino man sa inyong dalawa ang may hawak sa halimaw, itapon n'yo ito at dali-dali na kayong pumasok dito sa loob ng bahay. Ako na ang bahalang magsara ng pintong ito." Instrak ni Manong.
"E ano mangyayari sa totoong Chloe?" Tanong ni Joshua.
"Walang mangyayari sa kanya." Sagot ni Manong.
We were convinced with what Manong told us. Pero bago pa man kami makalapit sa dawalang Chloe, nagsilitawan na ang mga halimaw.
"WHAT'S HAPPENING?" Sabay na tanong ng dalawang takot na takot na Chloe. Nagsimula na silang magpanic.
Pumwesto kami ni Joshua sa likod ng dalawang Chloe.
"GAWIN N'YO NA!" Sigaw ni Manong. "Nagsisidatingan na sila!"
Sinimulan na naming hawakan sa magkabilang braso ang dalawang Chloe. Si Joshua ang nakahawak sa Chloe na nasa kaliwa at ako naman sa nasa kanan. Nagpupumiglas ang dalawang Chloe.
"What's wrong?" Umiiyak na tanong ng dalawang Chloe nang sabay. "Am I going to die now?"
Biglang lumakas ang hangin at nagsiingayan na ang mga halimaw.
"What's going on?" Narinig kong sabi ni Samantha sa loob ng bahay.
"Thank goodness. You're fin'lly awake." Bungad ni Cindy sa kanya. "Come here, stand up." Rinig kong sabi ni Cindy.
"Why are there two Chloes??" Nagtataka niyang tanong. "Anong nangyayari?"
Biglang lumakas ang ihip ng hangin.
Nagsimula nang magsigawan ang dalawang Chloe."ANONG NANGYAYARI? PAKIUSAP ANSWER ME." Umiiyak nilang sabi.
"LAKASAN MO ANG LOOB MO CHLOE. ITIGIL MO NA RIN PAG-IYAK MO KASI GINAGAYA KA LANG NIYA." Sigaw ko kahit pa hindi ko tiyak kung sino ba 'yung totoong Chloe sa dalawa.
May sinabi naman si Joshua sa hawak niyang Chloe na sa tingin niya'y siyang tunay na Chloe.
"Chloe, titigan mo 'yang Chloe na hawak ni Anthony." Sabi ni Joshua.
"What? He is not holding anything! Ano tititigan ko? Just let me go. Trust me. I am the real Chloe." Nagpupumiglas na sabi nung Chloe na hawak ni Joshua.
"Wag ka lang maingay. Don't talk just do what I said." Malakas niyang sabi kay Chloe.
Halos di na kami magkarinigan sa lakas ng ihip ng hangin.
Tinitigan ng hawak niyang Chloe ang hawak kong Chloe (na nakaharap sa kanya).
"You freaks! I can't see anything!" Sigaw ng Chloe na hawak ni Joshua.
"Please, Anthony, believe me. I am the real Chloe. Please let us just go inside. All these will be over. I know." Pakiusap ng Chloe na hawak ko.
"Chloe, just do as I say!" Sigaw ni Joshua.
"Okay. Okay." Napipilitang sagot ng Chloe na hawak niya.
Titig na titig si Chloe (na hawak ni Joshua) sa hawak kong Chloe kahit pa man sabi niya'y wala siyang makita. Unti-unti namang lumitaw ang tunay na anyo ng hawak kong Chloe. It was making noise as it changes its image.
"ANG INGAY NIYA!" Sigaw ni Cindy as she hugged .
"SOBRANG INGAY NAKAKABINGI" Sigaw naman ni Samantha, as she covers her ears, too.
"AYAN NA! ITAPON MO NA 'YANG HAWAK MONG HALIMAW, BOY" Sumisigaw na utos ni Manong sa'kin.
Agad kong tinapon ang hawak kong halimaw. Tapos nagsilapit ang mga halimaw sa bahay.
"PUMASOK NA KAYO DITO." Sigaw ni Manong habang nakahawak sa pintuan."BILISAN N'YO."
Nagsipasok naman kami nina Chloe at Joshua. Agad namang isinara ni Manong ang pintuan but he was finding it hard to shut it.
"TULUNGAN NATIN SI MANONG!" Sigaw ni Samantha, sabay takbo papunta kay Manong.
Nagsitakbuhan naman kami ni Anthony papunta kay Manong at tumulong.
"MANONG, ANONG GAGAWIN NATIN? ANG LAKAS NG HANGIN AT HINDI PA MAISARA 'YANG PINTO. ANO BA PROBLEMA D'YAN?" Nag-aalalang tanong ni Chloe na nakaupo sa sahig.
"Hala! Sobrang dami na ng mga halimaw! Nakapalibot na sila. MANONG, ANO NA GAGAWIN NATIN?" Natatakot na tanong ni Cindy.
"PERO BAKIT GANUN? WALA SILANG GINAGAWA. NAKATINGIN LANG SILA SA ATIN. BA'T GANUN?" Nagtatakang tanong ni Samantha.
"NAGHIHINTAY LANG SILA NG TAMANG TIYEMPONG MAKAPASOK." Sagot ni Manong.
"MAMAMATAY NA BA TAYO?" Napapaluhang tanong ni Chloe. "GUYS, TELL ME? ARE WE GOING TO DIE?"
"WALANG MAMAMATAY!" Sigaw ni Manong. "HANGGA'T NANDITO TAYO SA LOOB NG BAHAY NA 'TO, HANGGA'T WALANG NAKAKAPASOK NA MALIMAW DITO. WALANG MAMAMATAY. TEKA LANG. SINO BA MAY LIGHTER SA INYO?" Tanong ni Manong.
"NASA BINGIT NA NGA TAYO NG KAMATAYAN! NAISIPAN MO PANG MANIGARILYO!" Sigaw ko.
Nakakabwiset tong driver na'to. Kunti nalang, ipapakain ko na'to sa mga halimaw dun sa labas. Kanina pa 'to e.
"Ano ka ba ha, pre? Hindi ka ba nag-iisip? Si Manong lang nakakaalam kung ano ang dapat at hindi rito. Please naman! Have some respect. Tinutulungan tayo ng tao o? Pasalamat ka nga at natukoy natin kung sino yung totoong Chloe e at walang nakapasok na halimaw dito. Naku! Pre, ewan ko nalang .. Siguro alaala nalang tayo. Buti sana kung may makakaalala, hindi ba?" Bulong ni Joshua.
"Ang sabihin mo, masaya ka lang at okay na kayo ni Chloe. Este naging okay. Hindi mo ba nakukuha? Kanina pa natin hinahanap yung susi pero nasa leeg lang pala nung gago e." Bulong ko sa kanya.
"Gago ka talaga. Anong Chloe-Chloe ka jan?" Tanong niya na parang natatawa.
"Halata ka na, pre. Ako pa ba? Sus alam ko na mga galawan mo uy." Sabi ko pa.
"Hay naku! Sira ulo ka talaga. Kahit kailan. Tumahimik ka na nga lang, pre. Mamaya marinig ka pa nina Sam. Maniwala pa sila sa'yo." Bulong niya na sumesenyas sa katani naming si Sam na kanina pa tumutulong sa pagtutulak.
"Ma'am Cindy, hanapin n'yo ang itim na kandila at ipunin n'yo lahat ng pilak na maiipon n'yo." Sabi ni Manong.
"Here's my silver necklace." Offer ni Joshua.
"Here are my silver earings and my necklace." Sabi ni Sam. "Chloe please catch this."
"Chloe, gather all the silver things you can. I will find that black candle." Sabi ni Cindy sabay talikod sa'min.
"Para san ho yung lighter, Manong?" Tanong ni Joshua.
"Hello? Kandila nga e. Remember? Panu kaya magkakasilbi yung kandila kung walang lighter or posporo?" Pambabara ni Samantha.
"Ay naku, pre. Awat na kasi sa kakaisip sa kanya. Humihina tuloy yang pang-intindi mo." Sabi ko sabay tawa.
BINABASA MO ANG
An Abrupt Destination I {C.O.M.P.L.E.T.E.D}
Misteri / ThrillerNagplanong magbakasyon sina Samantha at ang kanyang barkada sa isang rest house sa Tacloban. Papunta ron ay may kakaiba nang mga nangyari. Nawala sila sa rota ng kanila sanang paroroonan, makabalik pa kaya sila? Tunghayan ang kakaibang ikot ng isto...