Prologue

27 2 0
                                    

"Ahhhhh!!!!!layuan mo ako pakiusap!" Pagmamakaawa kosa isang itim na elementong nakalutang sa harap ko.May hawak itong isang matalim.na bagay at nakasuot ng itim na damit na may hood, hindi mo masasabi na ang hawak niya ay isang kutsilyo dahil napakalaki nito at pakurba ang hugis nito.Laking gulat ko ng may biglang lumitaw na librong nakalutang sa kaniyang harapan.Lalong kinilabutan ako ng bigla itong tumuro sa akin tila  hindi ako makatayo para tumakbo,hindi din ako makahingi ng tulong dahil nandito ako ngayon sa gubat nahiwalay ako sa mga kaibigan ko dahil.ng nagising ako sa ingay na nasa labas ng kubo na tinutuluyan namin.Sinundan ko ang ingay nayun dahil narin sa curiousity ko ngunit ng mapadpad na ako sa gitna ng kagubatan laking gulat ko ng biglang may talim na dumampi sa aking braso dahilan para maputol ito..."ahhhhhh!!!!"tanging sigaw ko dahil sa sakit.

Nanlaki ang mga mata ko ng may usok na itim na nagiipon ipon at parang nagkakahugis ito isa itong itim na nakalutang na may talim na hawak.

Habang nakalutang ang libro may lumitaw na salitang "spike" sa libro.Agad akong tumakbo at nagsisisigaw para manghingi ng tulong.Dahil sa dilim ng nilalakaran ko hindi ko napansin ang ugat ng puno na nakaharang kaya natisod ako,"ahhhhhhh!!!!!!!"lalong umalingaw ngaw ang sigaw ko dahil ang nabagsakan ko ay mga matutulis na kahoy,natusok ang likod ko tumagos sa tiyan ko, sa bandang balikat ko at sa binti ko.Nakatihaya ako ng bumagsak kaya nakikita ko ang itim na nakalutang na sumusunod sa akin.Nakatingin lang ito sa akin kahit itim lang ang mukha nito at di mo maaninag ang mukha nito dahil sa hood at madilim ang paligid."pakiusap tama na"tanging pakiusap ko at napapaiyak nadin dahil sa sakit at takot ko.

May inilabas siya na isang orasan at ipinakita niya sa akin ang oras ay "2:59" 30 secs nalang bago mag alas tres ng madaling araw.Pinilit kong alisin ang katawan ko sa pagkakatusok "15 secs" ang natitirang oras nakatapat lang ito sa akin habang inaalis ko ang sarili ko sa pagkakatusok ngunit kahit isa hindi ko maalis sa pagkakatusok.Maya maya pa ng nag alas tres na ng madaling araw laking gulat ko ng lumapit ito sa akin tinusok nito ang baba ko gamit ang talim na hawak niya ,dahil sa laki ng talim tumagos ito sa aking ulo.Dahilan para malagutan ako ng hininga.

*You can't hide,you can't run i will find you where ever you are!!*💀

*******end of prologue

Time to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon