Chapter 9

10 1 1
                                    

Marco's POV

Isang buwan ang nakalipas ng maganap ang insidente sa substitute teacher namin.Maraming mga nabahala dahil sa mga nangyaring iyon dahil sa pag aakalang may gumagalang killer  sa school.

"Marco kung tititigan mo lang yang pagkain mo hindi mauubos yan."Si mama pala na nakatingin sa akin habang pinupunasan ang mga platong hinugasan niya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo tungkol bayan sa mga projects sa school?"

Tumango nalang ako sabay tumayo at nagiwan ng halik sa pisngi ni mama bago umalis ng bahay.Hindi ako nakakapag paalam kay papa dahil maaga siyang umaalis para pumasok sa trabaho.

Nagsimula na akong maglakad papasok.Naglalakad lang ako para exercise tsaka walking distance lang naman ang school namin.

Pagpasok ko sa gate ng school  nanibago ako dahil ang dating lugar na maraming estudyanteng masayang nagkukwentuhan at naglalakad sa mga oras na ito.Ngayon ay ang linis ng paligid wala ni isang estudyante at mga guro na naglalakad."Bata dumeretso kana sa room mo at wag kana magpalakad lakad dito sa labas.!"mariin na paalala ni manong security guard sa akin.

Agad na akong naglakad papapunta sa room namin.Walang katao tao na naglalakad sa hallway lahat ng madaanan ko na room ay sarado ang mga pinto at bintana at may nakapinta na "HELP!" Sa bawat pinto na parang ipininta gamit ang dugo.

Dahil sa mga nakikitang mga kakaiba sa school hindi ko naiwasan na bilisan ang paglalakad ko.Nasa first floor palang ako ng building ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko."Marco!!"

Sabi na ngaba siya yun dahil nairita nanaman ako.Si Maya nanaman,pero wait parang kakaiba siya ngayon.Wait ano to may role play ba kami?Naka make up at naka gown si maya ngayon.Hindi ko maitatanggi na maganda siya.

"Marco halika samahan mo ako" Sabay hatak sa akin papunta sa room namin.

"Wait ano bang meron?!"Nagtatakang tanong ko sa kaniya pagkarating sa tapat ng room namin.

Hindi ito umimik at dumeretso lamang sa pinto ng room namin at sabay pihit ng doorknob.

"Tingnan mo sila Marco ang sasaya nila diba?"wika nito habang nakaturo sa mga kaklase namin habang nakangiti ng wagas.

Agad akong nakaramdam ng takot at kaba ng biglang nagbago ang paligid nagkaroon ito ng mga dugo na nagtalsikan kung saan sulok ng room namin..

"HAHAHHAHAA!!!"dinig kong halakhak ni Maya ni tila nagiiba ang boses na parang nagiging isang malaking boses na nakakakilabot.

"A-ano bang nangyayari!!!!"tanging sigaw habang hawak sa ulo ko na parang nasisiraan na sa nangyayari.

Nabaling.ang tingin ko kay Maya na nakatingin at nakangiti sa akin.Nanlaki ang mata ko sa susunod na nangyari ng biglang naputol ang ulo nito At ang mga kaklase ko na kaninang masaya ay tila nakakakilabit ang mga itsura ng biglang nagiba ang anyo nila may ibang kalahati na ang katawan,pirapiraso ang katawan na nagkalat sa sahig,ang iba ay hindi na makilala dahil parang nabagsakan ng malaking bato sa.mukha.

"Uhgggggggggg!!!"napaluhod na ako dahil sa sakit ng ulo ko.

Maya maya pa ay may bagay.na gumulong sa kinaroroonan ko.Nanlaki ang mata ko ng matuklasan na ang bagay na iyon ay ang ulo ni maya.Tila mababaliw ako ng bigla itong humarap sa akin at nagbitiw ng salita"MAMAMATAY KAYONG LAHAT DAHIL SA PANGEGE ALAM NIYO!" Isang boses na buong buo na parang narinig ko na noon.

***********
"Marco!Marco!"isang boses na kilalalang kilala ko.."Marco gumising ka!"Bigla na lamang akong nagising dahil sa lakas ng sampal na binitiwan ng taong iyon.

Pawis na pawis ako at tila tumakbo ng napakalayo dahil sa paghahabol ko ng hininga.

"Nananaginip ka ng masama"wika ng taong nagligtas sa akin sa bangungot na iyon.Si Gwen pala iyon.Pero teka nasaan ako?

"Nasaan ako?!"tila pasigaw kong tanong.

"Kumalma kalang nandito ka sa clinic bigla ka nalang nawalan ng malay kanina sa room."wika nito sa akin.

"Makinig ka Gwen mamamatay tayong lahat!"pagpapaliwanag ko dito.tumagal ng ilang segundo bago ito sumagot.

"Alam ko."tipid nitong sagot sa akin.Teka alam niya?Papano niya nalaman to?

"T-teka pano mo nalaman ang tungkol dito?"utal kong tanong sa kaniya.Ibig sabihin ba nun pareho kami.ng nararana...?

"Mali ang iniisip mo"hindi pa tapos ang sasabihin ko ng bigla itong sumagot.Teka nababasa niya ang isip ko?

"Sino ka.Anong klaseng tao ka?!"mariin na tanong ko sa kaniya.

"Ako ang tutulong sa inyo para maligtas kayo kay Death."

           *End Of Chapter 9*

******************

Thank you for reading

Hi guys nakapag update din sa wakas.whoohoo..!!

Thank you for reading po ulet and seeyah,yah,yah.Sa next chapter.😊

Time to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon