Chapter 4

9 2 1
                                    

Mam Pillar's POV

Ang sayang magturo sa mga estudyante,ang sarap sa pakiramdam ng may natututunan sila sa mga tinuturo ko sa kanila.Ngayon nandito ako sa hallway naglalakad papuntang classroom.Kahit pagod kahit puyat pumasok ako para macheck ang mga estudyante ni Mam Alvarez.Ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos dahil sa panaginip ko gabi gabi na tila paulit ulit nalang.Nananaginip ako na may isang itim na usok na nakasunod sa akin at laging may nagsasalita na "oras mo ay bilang nalang sa mundong iyong ginagalawan.Kamatayan mo'y ipapataw ng walang nakakaalam" Nagigising ako gabi gabi dahil sa salitang ito na tila nakakapanlamig at nakakakilabot.

"Miss Pillar!" Tawag ng isang teacher sa akin.Inuutusan daw ako sa office para kunin ang mga papers na gagamitin para sa darating na test.Agad naman akong naglakad patungong office.Habang naglalakad napansin ko ang dalawa kong estudyante na sina Marco at Clark.Tinanong ko sila kung saan sila pupunta nag paalam nama ito na bibili lang ng pagkain sa canteen.

Agad na akong pumunta sa office para kunin ang mga papers.nasa third floor ng building ang office kaya umakyat pa ako.Nang makapasok tumingin ako sa paligid ng office wala ni isang tao maliban sa akin.Tanging sumagi sa isip ko na busy nga pala ang lahat sa pagdedecorate ng kanilang mga silid.

Pumunta na ako sa mesa kung saan nakapatong ang mga papel ng makuha ko ang mga papel,lalabas na sana ako ng, laking gulat ko ng biglang sumara ng biglaan ang pinto.

"Sinong nandiyan!" Tanong ko,ng silipin ko ay ako lamang ang tao naroroon.

"Mga bata huwag kayong mang ganiyan"tanging sabi ko at baka pinagtitripan lamang ako ng mga estudyante.

"Kaluluwa mo'y kukunin kona kaya wala kanang magagawa pa" galing sa isang tinig na kaparehong kapareho ng nasa aking panaginip.

Maya maya pa ay biglang lumakas ang ihip ng hangin kasabay nito ang paglitaw ng isang usok na tila nagiging hugis tao na nakalutang.Nakasuot ito.ng itim na mahabang damit na may hood kaya hindi ko maaninag ang kaniyang mukha.Mas lalo akong natakot ng may biglang napakalaking talim ang lumitaw sa kaniyang kamay at may libro na itong hawak.Sa libro ay may lumitaw na salita*caution*

Laking gulat ko ng inihampas niya ang hawak niyang talim sa isang aquarium na nasa loob ng office dahilan para mabasag at magkalat ang tubig nito.

Wala akong magawa kundi magsisisigaw."Ahhhhhh..layuan mo ako"tanging sigaw ko habang umiiyak na sa sobrang takot.

Lumuwag ang paghinga ko ng mawala ang itim na elementong usok sa may pintuan kaya agad akong tumakbo papunta rito ngunit nakalimutan ko na basa ang sahig kaya nadulas ako at tumama ang ulo ko.Nanlabo ang paningin ko dahil sa pagkakatama ng ulo ko.

Mas lalong nadagdagan ang tubig sa loob ng office dahil nasagi ko ang water dispenser dahil sa pagkakatumba ko.

Dahil sa pagdami ng tubig hindi ko napansin na unti unti na pala itong dumadaloy patungo sa saksakan ng kuryente.Hindi na ako nakatayo pa dahil hindi ko maigalaw ang isang binti ko nabali pala ito at kitang kita ang buto na nakalabas.Maya maya pa ay.

Unti unti ko nang nararamdaman ang pagdaloy ng napakalakas na kuryente.sa aking katawan.Dahil sa lakas ng kuryente unti unting nasunog ang aking balat at naging dahilan ng aking pagkamatay.

DEATH.
*kung iyong akala ikaw ay ligtas na?,nagkakamali ka dahil hindi mo madadaya ang kamatayan

End of chapter 4

Time to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon