Chapter 6

7 2 0
                                    

Marco's POV

Pagpasok ko sa library nakita ko si Gwen na tahimik at magisang nagbabasa sa isang table.Lumapit ako sa kaniya para tanungin kung bakit siya laging nag iisa.

"Uhm...Gwen?" Pagkalapit ko sa kaniya.Nang tumingin ito sa akin nagtakip ito ng mukha gamit ang libro,tila nahihiya siya ngayon sa akin.

Masyadong mahiyain si Gwen kaya minsan naririnig kong tawag sa kaniya ng mga kaklase namin kapag nasasama siya sa usapan nila ay"silent girl"dahil sa sobrang pagigiging tahimik at mahiyain niya.

Tinanggal ko naman ang libro niya sabay ngiti sa kaniya.

"Pwede ba ako maupo dito?" Tanong ko.Tumango lamang ito bilang tugon sa akin pagkatapos ay ibinaling na ulit ang atensyon sa kaniyang binabasa.

Tumayo ako saglit para hanapin ang libro na tungkol sa Death na sinabi ng lalake.Ngunit makalipas ng halos isang oras na pagiikot sa library wala akong nakitang ganung libro kaya bumalik nalang ako sa upuan kung nasaan si Gwen.Kamot ulo akong umupo dahil wala akong nakitang librong hinahanap ko.

"Hayy..naku naman saan ko kaya makikita yun" pabuntong hininga kong wika.Tapos iniyuko ang aking ulo na tila nawawalan ng pag asa.

Mga ilang minuto ang lumipas pag angat ko ng ulo ko wala.na si Gwen pwesto niya."San naman napunta yun?"bulong ko sa aking sarili at iniikot ang paningin sa paligid baka lumipat lang siya ng pwesto.Ngunit wala na siya dito sa loob malamang umuwi.na siya.

Dahil gabi na naisipan ko na ding umuwi .Paglabas ko ng library kinilabutan ako sa paligid dahil ang dilim.Naisip kong kunin ang phone ko sa bulsa para pang flashlight kaso deadbat na ito.Kaya wala akong nagawa kundi lumabas ng building.na iyon ng kapa kapa sa aking nilalakaran.Maya maya pa ay nakarating din ako sa exit.ng school.Pagbukas ko ng pinto saktong sumalubong si Clark sa pagbukas."ahhhhhh...."sigaw naming parehas sa isa't isa.

"Ano ba Clark papatayin moba ako sa gulat?!" Sigaw ko sa kaniya.Di pa pala umuwi to.

"Pasensiya na sasabay na sana ako sayo." Paliwanag nito.

Hindi kona pinahaba pa ang usapan at agad na akong naglakad."uy hintay!!"sigaw nito dahil naiiwan kona siya.

Iniisip ko parin kung saan ako pwedeng makakita ng libro na makakatulong sa akin para makakuha ng information about kay Death.

*Morning*
(Kriiiiinnnngggg)*alarm*

Agad na akong bumangon at naghanda para sa panibagong araw.Susubukan ko uling hanapin sa library kung meron doong libro na hinahanap ko.Friday nga pala ngayon kaya madaming mga estudyante na pakalat kalat dito sa hallway ng dorm papunta sa canteen para kumain.

Magisa ko lang ngayon na pupunta sa library dahil nagpaalam si Clark sa akin na makikipag kita kay Sophia.

"Goodmorning Marco!!" Isang bati na nanggaling sa isang babae.Wala iba kundi si maya nanaman.

Kelan ba ako titigilan nitong babaeng ito."San ka pupunta Marco samahan na kita"isang pakiusap na may halong kaartehan nanaman.

Akmang hahawak nanaman ito sa braso ko ng bigla akong umiwas."Maya huwag mo nang balakin may magagalit"wika ko.

"Huh sino?" Takang tanong nito.

Agad akong lumakad palagpas sa kaniya at lumapit sa babaeng nasa likod niya.Hinawakan ko ang kamay nitong babae at sinabing"Baka magalit si Gwen girlfriend ko."Si Gwen naman napayuko nalang dahil sa hiya.Hindi ito nakapagreklamo dahil pasimpleng tinakpan ko ang bibig nito.Tanging ito lang kase ang paraan para umiwas na sa akin si Maya.

Agad kong hinila si Gwen papunta sa library.Habang papalayo kami lumilingon lingon ako habang naglalakad pansin kong nakatayo parin si Maya doon sa lugar kanina."Marco ano ba yung sinabi mo kanina bakit mo ako tinawag na girlfriend sa harap ni Maya?"nagtatakang tanong nito,tila.malumanay parin ang kanyang boses habang nagsasalita.

"Mamaya kona ipapaliwanag"wika ko.

Pagpasok sa library agad akong humingi ng pasensiya kay Gwen

" Gwen pasensiya kana kanina ayaw kasi ayaw akong layuan nun ni Maya ehh.."paliwanag ko sa kaniya.

Nagtataka ako kung bakit hindi parin siya nagsasalita.Napansin kong namumula ito hindi ko kase namalayan na hawak ko parin ang kamay niya hanggang ngayon.Agad long binitawan ang kamay niya at humingi uli.ng pasensiya"sorry Gwen.."wika ko habang nakatingin sa mukha niyang namumula parin.

"Ahh..ehh...ok lang yun." Aligagang sagot nito.

"Oo nga pala Gwen alam mo.ba yung about sa librong Death?"bulong ko sa kaniya

"Ano bang pinagsasabi mo!?hindi totoo yung libro na iyon!"tila ang malumanay na boses ni Gwen tila tumaas sa pagkabigla sa aking tanong.Ang mga tao sa loob ng library ay tila napatingin sa amin.

Agad na lumabas si Gwen at tumakbo papalayo.

Bakit koba sinabi kay Gwen iyon hindi ko nakontrol sarili ko,parang may nag utos sa akin na sabihin ko iyon sa kaniya.

Tsaka bakit ganun siya makareact?may alam kaya siya tungkol sa libro na iyon?

End of chapter 6




Time to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon