Chapter 7

7 2 3
                                    

Marco's POV

Nandito ako ngayon sa may garden ng school baka sa kaling makita ko si Gwen.Gusto kong humingi ng sorry sa kaniya dahil sa nangyari.

Wala na.kaming klase ngayon pwera nalang yung.mga kaklase naming may specialization ngayon.

Habang naglalakad ako pa ikot-ikot ang paningin ko sa paligid para makita si Gwen kung nandito man."Ano kayang alam niya about doon sa libro?"mga salitang sumasagi sa isip ko.

"Jm!!!"Sigaw ng pamilyar na boses mula sa likod ko.Muntik konang masapak ang taong yun hindi dahil nagulat ako, dahil ayaw ko ng tinatawag ng *Jm*.Paglingon ko si Clark.

" Diba sabi ko sayo huwag na huwag mo akong tatawaging Jm!"sigaw ko sa kaniya.

"Hehhe...sorry na yun yung unang lumabas sa dila ko ehh" paliwanag nito habang nagkakamot ng ulo."Oo nga pala Marco si Sophia"siraulo to ipapakilala pa sa akin ehh kaklase namin yan.

"Ano meron kayo naba?" Nakangiting tanong ko.

"Hindi Marco si Sophia kasi lagi niya daw napapanaginipan yung kapatid niya na may sinasabi sa kaniya.Hindi niya masyadong maintindihan ang ibang sinasabi pero ang madalas niya daw marinig ay ang mga salitang "Book,Death,12........"

*vision*

"Ahhhhhhhhh!!!!!!"

Hindi na natuloy ang susunod pang sasabihin ni Clark dahil sa sigaw ng isang babae.Kasabay nun ang paghaplos ng malamig ng hangin sa aking balat dahilan ng kilabot ng aking katawan.

Agad na kaming pumunta sa lugar kung saan namin narinig ang sigaw.Nasa isang cookery room ang sigaw na naririnig namin."Teka parang familiar sa akin yun..Si Kristel yun!"tarantang sigaw ko.

Agad akong sumilip sa bintana at nakita ko si Kristel na namimilipit sa sakit dahil sa pagkakastock ng kaniyang kamay sa blender.Tuloy tuloy ang pag agos ng dugo nito na hos mapuno na ng dugo ang blender.

"Kristel!!!!"dinig kong sigaw ng kaibigan niyang si Sophia.Kasama nga pala namin si Sophia ngayon.

Kami naman ni Clark tulungan naming sinisipa ang pintuan para mabuksan.

" Tulungan niyo ako!!"dinig naming sigaw ni Kristel.Pilit nitong inaalis ang kamay sa pagkakaipit sa blender.Dahil sa pagpupumilit na alisin ang kamay naputol ito dahilan ng lalong pagsigaw ni Kristel.Dahil sa sobrang gulat,takot at sakit unti unti itong napaatras at hindi napansin ang rollingpin na nakalapag sa sahig.Natapakan niya ito at nadulas dahilan para mapunta siya sa meatgrinder.Tuloy tuloy ang pagtalsik ng dugo sa paligid at dinig namin ang pagtunog ng mga buto ni Kristel sa pagkakagiling ng katawan nito...

"Kristel!!!!!!!!!!"

*End of vision*

Nandito ako ngayon sa garden para hanapin si Gwen gusto kong humingi ng sorry sa kaniya dahil sa nangyari..wait....parang naulit na ito.

"Jm!!" Clark

Sh*t naulit nga.Agad agad akong tumakbo papunta sa building ng Cookery"Marco saan ka pupunta!?"dinig kong tanong ni Clark kahit na papalayo na ako sa kanila.Hindi ko namuna sila pinansin at tuloy tuloy parin ako sa pagtakbo mamaya ko nalang ipapaliwanag sa kanila.

Nasa second floor pa ang room ng mga nagcocookery.Bakit siya nandun ehh...magkapareho kami ng course na kinuha.Habang nasa hagdan narinig kona ang sigaw ni Kristel.

Binilisan kona ang pag akyat ko ginawa konang isa ang dalawang baitang ng hagdan.Pagkarating ko agad kong binuksan ang pinto buti nalang hindi nakalock agad agad kong inilabas si Kristel sa room na iyon."Nasa pangabib ang buhay mo Kristel"wika ko habang naglalakad papalayo sa room."May nakita kabang itim na usok na parang kakaiba sa paningin mo?"tanong ko sa kaniya.

"P-pano mo nalaman?" Utal at nagtatakang tanong nito.Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang kami sa pagtakbo.

Pagkarating namin sa baba nakita kami nila Clark at Sophia."Kristel anong nangyari?"alalang tanong ni Sophia sa kaibigan niya.

"Sophia samahan mo na si Kristel na pumunta sa room niyo." Wika ko sa kanila.Tumango nalang si Sophia bilang tugon."Salamat Marco"wika ni Kristel.Tapos nun umalis na silang dalawa.

"Clark di mo ba sasamahan sila Sophia?" Tanong ko.

"Sira kaba alam mo naman na hiwalay ang dorm ng lalake sa babae diba?"wika nito habang kinakamot ang tiyan.

" Nagugutom kana ata Clark tara kain muna tayo anong oras na pala"

Pumunta na kami canteen para kumain.Doon ko na sinabi kay Clark ang nakita ko kanina na navision ko ang mangyayaring masama kay Kristel.Nagulat din naman ito ng banggitin ko ang tungkol sa panaginip ni Sophia yung salitang *book,death,12..*.Nagulat ito ng mahulaan ko ang mga salitang iyon samantalang tumakbo ako kanina para iligtas si Kristel.Ipinaliwanag ko sa kaniya na navision ko ang mga iyon.

"Bwisit nakalimutan ko na yung dapat kong gagawin!!" Wika ko sabay alis sa canteen.Naiwan nanaman si Clark doon na nakaupo." Uy Marco!!"

Death

"Kung nagaakala mong magtatagumpay ka dahil may naligtas ka?Nagkakamali ka dahil nagsisimula palang ako!"

End of chapter 7













Time to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon