Chapter 12

6 0 0
                                    

Unknown

"Nakakasabik naman ,malapit na ang araw na pinakahihintay ko,nakahanda na ang mga bagay na gagamitin ko sa pagubos sa kanila.Pero bago ko sila patayin isa isa papahirapan ko muna sila.Hahahaha!"naputol ang pagpaplano ko ng tawagin ako ng isang babaeng kinaiinisan ng lahat at ang laging nambubully sa akin.

"Hey freak,baket ka nandito sa place namin?!"tila pagpapaalis nito sa akin na kala mo pagmamay ari ang lugar na ito sa part ng school namin.

"I'm sorry Maya napadaan lang ako dito dont worry aalis na agad ako."tila pagkukunwari ko na malungkot dahil sa pang aalipusta nila.

"Wait,wait,wait.Bago ka umalis akin nayang hawak mong pagkain."pairap na wika ni Rose at nakataas naman na kilay na kala mo nagmamataas na si Mary Jane pagkatapos nito ituro ang pagkain na dala ko.Pagkatapos kong maibigay ang pagkain na dala ko agad nila akong tinaboy papaalis sa lugar na kinatatayuan namin.Pero bago yon binalaan nila ako na huwag na ulit babalik doon.

"Hahahhaha!!!...,Gusto kong makita ang ganiyang tapang niyo habang unti unti kayong pinapatay.Freak ba kamo?,yes im freak at dahil sa kafreakan ko tingnan natin ang magagawa ko sa inyo.!" Nasasabik na imahinasyon ko habang naglalakad papalayo sa mga malalanding iyon.See yah in Hell b*tches.

Marco's POV

Dahil sa mga nangyayari palagi nalang tuloy malalim ang iniisip ko,hindi ko maiwasang alalahanin ang mga salita na narinig ko mula sa boses ng isang babae.Napa isip ako na baka ang bises na iyon ay mula sa babaeng nakita ko sa labas ng bintana ng room namin.

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno malapit sa may quadrangle,gusto ko muna mapagisa dahil iniisip ko ang maaring panganib na kaharapin namin.Hindi namin alam kung kelan magsisimulang ubusin kami isa isa ng kamatayan.Masama ang kutob ko na mamamatay kaming lahat dahil sa napanaginipan ko.

Habang nakaupo at nagiisip,laking gulat at biglang kaba ko ng biglang may palaso na muntik tumusok sa mukha ko.Pero halata itong sinadyang hindi ipatama sa akin dahil sa may sulat na nakakabit dito.

*Make sure you are ready,dahil sa oras na kumilos ako di niyo na ako mapipigilan*

Ito ang nakalagay sa sulat,tila isang babala sa amin.Pero sino itong taong ito may koneksiyon ba siya kay death?!

"Tsk!Mukhang kailangan na din nating kumilos ahh..??"Si Gwen na bigla nalang sumulpot na tila may kakaiba sa kaniya.Parang siya ang Gwen na kausap ko noong nasa clinic kami.

"Teka sino kabang talaga?!"naguguluhang tanong ko dito.

"Marco magsisimula na siya,hindi na siya mapiligilan sa pagpatay kapag hindi ka kumilos."pababalang tono.na wika nito sa akin.

"Teka sinong tinutukoy mo?!"Napatayo ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Tanging kayo ang makakatuklas niyan,dahil hindi ko pwedeng sabihin sa inyo ang pangalang niya.Dahil sa oras na sinabi ko kung anong pangalan niya bigla na lamang akong maglalaho at hindi na kayo magagabayan pa.Dahil nakasumpa sa akin na hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan ng anak ni death."Tila naguguluhan parin ako sa paliwanag niya.

"Anong pangalan mo?!"tanong ko sa kaniya.

"Ako ang ate ni Sophia,ako si...si....."naputol ang sasabihin niya na parang bigla na lamang nawala ang kaluluwang nakasanib sa katawan ni Gwen at ang katawan ni Gwen ay bigla na lamang nawalan ng malay at natumba.

Gwens POV

"Gwen..gwen...." Naririnig ko ang boses ni Marco.Teka nasaan ako?

Agad kong minulat ang mata ko at inilibot sa paligid una kong nakita sina Marco at Clark.Nasa Clinic pala ako.

"Anong ginagawa ko dito?"mahinahong tanong ko habang hawak ang aking ulo dahil sa sakit nito.

"Bigla ka nalang nawalan ng malay kanina.Buti nalang nakita ko si Clark na naglalakad kanina."paliwanag ni Marco.

"Kaya mobang sumama sa camping bukas?"alalang tanong ni Marco sa akin.

"Oo.."sagot ko sabay ngiti ng matipid.

Kahit na masama ang kutob ko na baka may mangyari sa amin bukas nila Marco may tiwala ako na ililigtas niya ako.Hindi ko pwedeng sabihin sa mga kaklase ko ang masamang kutob ko dahil wala pa akong proweba at baka mapagkamalan akong nababaliw sa sinasabi ko.

"Gwen"pagputol ni Marco sa iniisp ko.

"Masama ang kutob ko sa camping bukas kaya kailangan nating magdoble ingat"paliwanag ni Marco na ikinagulat ko.Pareho pala kami ng kutob para bukas.

"Tsaka gwen may ipapaliwanag ako sayo,hindi kalang nahimatay ng basta basta kundi...."Ipinaliwanag sa akin ni Marco ang lahat ng nangyari kanina bago ako mawalan ng malay.

Unknown

"Dumating na ang araw na pinakahihintay ko!hahahahaha...!!!!DUGO,DUGO,DUGO!!!SYEMPRE HINDI KO MAKAKALIMUTAN ANG KALULUWA NA MAGIGING SUSI PARA BUHAYIN SI PAPA!,FIRST TARGET IKAW!!!!HAHAHAHA!!!"

*End of chapter 12*








Time to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon