Chapter 15

4 1 0
                                    

Marco's POV

Nahati kami sa apat na grupo dahil apat lamang ang kwarto dito sa bahay kung saan kami na stranded.Unang nagising ang nasa ikalawang kwarto ngunit nagising nadin kami dahil sa ingay na narinig namin.Mga kalabog na nanggagaling sa di kalayuan.

Pagbukas namin ng pinto agad naming nakita ang ibang kaklase namin na sinisipa ang ding ding.

"Sh*t guys nawala yung pinto na pinasukan natin."Si Brandon habang pilit na sinisira ang ding ding.Makikita mo dahil sa lakas ng sipa niya nagkakaroon na ng crack ang kahoy na ding ding.

Napansin din namin ang iba na pilit binabasag ang salamin ng bintana,pero kahit ilan na.silang sumubok hindi parin nila ito mabasag mabasag basag.

"Guys tingnan niyo to."Agad kaming lumapit kay Brandon na nasira na ang ding ding.Laking gulat namin na may piraso ng papel na may nakasulat na can't escape? Sabay may nakaturong arrow sa isang bagay na katabi ng papel.Isang doorknob.

"Wait saan naman natin gagamitin yang doorknob?"tanong ni brandon?

Kinuha naman nito.ang doorknob napansin kong ibinulsa niya ito.

Tuloy parin sa pag hahanap ng malalabasan ang mga kaklase namin.Parang pinaglalaruan kami dito sa bahay dahil sa biglaan nalang pagkawala ng pinto kung saan kami nakapasok.

"Guys itigil muna natin ang paghahanap ng labasan.Mag almusal muna tayo para may lakas tayo mamaya."suhestiyon ni Sophia.Kahit natatakot ito sa sitwasyon namin ngayon tuloy parin ang tungkulin niya sa amin bilang lider.

Agad naman nagsitigil sa kaniya kaniya gawain ang mga kaklase namin at dumeretso sa kusina.

"Mamaya na ako kakain maglilibot lang ako dito sa bahay"si Brandon.

"Teka nasisiraan kana ba!?Baka matulad ka kay Floyd?"tila nagaalalang sagot ni Rose.

"Diyan lang naman ako,tsaka bat kaba nag aalala,siguro may gusto ka saken noh?"pang aasar nito dahilan para medyo mamula at matahimik si Rose.

"Hi-hindi noh!"pag deny nito sa biro ni Brandon.

Pagkatapos ng usapang iyon umalis na si Brandon para maglibot libot.

Brandon's POV

Anlaki.ng bahay nato nakakaligaw ang daming daanan at likuan.Siguradong maliligaw ka kung hindi ka.magiiwan ng palatandaan.

"Para saan kaya itong doorknob?"

Habang naglalakad ako hindi ko napansin ang isang taong nasa harapan ko may hawak itong kutsilyo na ipinapadaan sa ding ding dahilan para maglikha ito ng ingay na masakit sa tenga.

"Si-sino ka!?"utal.na tanong ko dito.Wala itong sagot nghnit mababakas mo ang mga ngiti nito sa labi na kating kati pumatay.

Hindi ko na inulit pa ang tanong ko agad na akong tumakbo.Hindi kona pinansin ang mga palatandaan na inilagay ko.Bahala na kung saang direksyon ako mapunta basta makalayo lang ako sa mamamatay tao na iyon.

Agad akong pumasok ako sa isang kwarto at nagtago sa cabinet.Habang.nasa loob dinig ko ang yabag na papunta sa direksyon ko.Ang bilis niyang matunton ang kinaroroonan ko.Sana hindi niya ako nakita na pumasok dito.

Maya maya ay biglang kinalabog ang dibdib ko ng makarinig ako.ngnisang ingay na parang makinang umiikot at ramdam kodin na medyo umuuga ang cabinet kung saan ako nakatago.

Makalipas ang ilang minuto tumigil na ang ingay at ang pag uga ng cabinet ng sumilip ako laking gulat ko ng makita ang mga gamit ng kaibigan ko.

Agad akong lumabas,pagkalabas ko nanlaki ang mga mata ko ng malaman na nandito ako ngayon sa loob ng kwarto namin..

"What the!"bulong ko sa sarili ko na namangha na kinilabutan dahil sa nangyari.

Pag kalabas ko ng kwarto sinalubong ako ng mga kaklase ko na nagtataka dahil ang akala nila ay naglibot libot ako.

Hindi na ako.nag aksaya pa ng oras at kinuwento ko ang mga nangyari sa akin kanina.Hindi maipaliwanag ang reaksiyon ng mga kaklase ko ang iba ay natakot ang iba naman ay parang hindi naniniwala.

Marco's POV

Pagkatapos marinig ang kinwento ni Brandon agad akong nabagabag dahil parang may mali dito sa bahay na tinuluyan namin nung simula palang.

"Guys nakita niyo ba si Cale?"tanong ni Lara sa amin.Si Cale kase ang bunsong kapatid ni Lara kaya mababakas ang pag aalala nito sa kaniyang mukha.

"Ahhhhhh!!!!"dali dali Akong lumabas para puntahan kung saan nanggagaling ang ingay na iyon.

Pagkarating ko nandun si Cale na nanginginig dahil sa takot.

"Anong nangyare!?"

Agad itong tumuro sa isang cabinet na may iilang ipis at may daga.

Napabuntong hininga naman ako dahil doon."Ipis at daga lang yan Cale"sagot ko habang lumalakad papalapit sa cabinet para buksan.

"Huwag mong bubuksan nakakadiri baka lumabas silang lahat!!!"pag iinarte ni Cale.Dahil narin medyo mapang asar akong tao binuksan ko ito.Hindi ako makapaniwala sa tumambad sa amin na isang mabaho at tila naaagnas na na bangkay.

"S-si Kristel yan!!!"

Halong sigawan at iyakan ang namuo sa lugar kung saan kami naroroon.


**********end of  chapter 15

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon