Chapter 13

8 0 0
                                    

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat ng mga kaklase ni Marco,na siya naman ikinababahala niya sa kung anong pwedeng mangyari sa kanila.Maagang pumunta ang mga estudyante sa school para sa camping nila,bitbit ang mga gamit na dala nila.Bago sumakay ng bus isa isang chinecheck ng adviser nila ang attendance.

"Ok yung mga tatlong magkakasama pumila na dito para makaalis na tayo."

Pagkatapos macheck ang bawat isa agad na itong nagsipasok sa bus.Ang bus ay may capacity na 30 seats,24 lamang ang studyante sa section nila Marco kaya may sobra pa.

Mapapansin mo ang excitement sa mga mukha ng mga estudyante,na handang handa na para sa camping.Dumating na ang takdang oras ng pag alis ng bus na siya naman ikinatuwa ng mga studyante.

Kaniya kaniyang kwetuhan,tawanan at gawa ng kung ano-anong mapaglilibangan habang nasa bus.Kasabay ng ang mga ibang third year student.na medyo nauuna ang bus sa sinasakyan ng section nila Marco.

Marco's POV

Malakas ang kutob ko na merong mangyayaring masama samin dahil bago paman ako makasay sa bus,may nakita akong isang taong familiar ang mukha sa akin.Hindi kolang masyadong mamukhaan kung sino dahil sa kalayuan.Pero hindi ko pwedeng sabihin ang aking nakukutuban dahil bago ako gumising napanaginipan ko na may isang itim na usok.

*Maililigtas mo kaya sila?!*

Yan ang salitang naaalala ko na binitiwan niya bago nagbago ang paligid sa panaginip ko sa parang may pagsabog na naganap sa paligid,at nakita ko ang ibat ibang parte ng katawan ng tao na nakakalat sa paligid.

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang nakita ko noong mga panahong iyo.*Xyz express* isang bus na ganiyan ang pangalan...at ang bus na iyan ay ang bus na sinasakyan namin ngayon.

Hindi kaya sa oras na ito  sasabog itong bus na sinasakyan namin.?!Maya maya pa ay bigla na lamang bumilis ang takbo ng bus at tila hindi ito macontrol ng driver.

Ang mga kaklase ko ay nagsisigawan dahil sa takot.Maya maya pa ay nangyari na ang hindi inaasahan dumiretso ang bus na sinasakyan namin sa bangin at nagpagulong gulong ito pababa.Nang magkamalay agad kong tinulungan ang ibang kaklase ko na makalabas.

Iilan lamang ang nailigtas ko dahil bago paman ako bumalik agad na itong sumabog.Nagtalsikan ang ibat ibang parte ng bus sa mga nailigtas ko dahilan para magkanda hiwalay ang katawan nila at mamatay.Hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari ng bigla akong bagsakan ng nagiinit at napakalaking makina.Dahilan para mamatay ako.

"Sh*t!"
Nagising ako na pawis na pawis dahil doon.Panaginip nanaman pala ang nangyari.Ngayon nandito na kami sa parteng mapuno at mabundok.

Napatingin ako sa gawi nila Clark at Sophia na ang sarap ng tulog habang nakasandal ang ulo ni Sophia sa dibdib nito.

Napatingin naman ako sa gawi kung saan nakaupo si Gwen at ang dalawang bastos na kasama niya.Bat ba kasi siya pumayag na maging kasama yung dalawang  yon.

Ang mga iba naman naming kaklase ay natutulog at ang iba ay nagkukwentuhan.Nasa magubat na bahagi na kami ng daan at papalubog nadin ang araw.

Habang tinatahak ang daan bigla nalamang nayanig at gumewang-gewang ang bus dahil sa tila na naflat ang gulong nito.Buti na lamang at agad itong naipreno ng driver.

Agad nagsibabaan ang ibang kaklase namin.Kapansin pansin ang gulong ng suriin ito.Tila parang sinadyang pasabugin ang gulong nito dahil may nakatusok ditong isang kutsilyo,hindi lang ito basta kutsilyo,may nakadikit ditong parang isang litrato.Litrato ni Brandon na may nakalagay na dugo sa kaniyang bibig.

"T-teka bat nandiyan yan?!"nagtatakang tanong nito na bakas ang konting takot dahil sa nakita.

Habang nagkakagulo sina Brandon dahil sa nakitang litrato.Agad na sinabi ng Driver ng bus na sinasakyan namin sa matatagalan ang pag alis namin sa lugar na ito..

"Ok class huwag kayong mag papanic dahil aabutin tayo ng gabi dito sa daan.Parang may sumabutahe.ng bus natin dahil pati ang extra na gulong ay nawawala."Paliwanag ng Teacher namin na siyang naka assign sa amin.

"Guys tingnan niyo may bahay na malaki doon oh baka pwede tayong makiusap na doon muna magpalipas ng gabi."Sigaw at nakaturo na si Hans .

Sinusubukang tumawag ng teacher namin sa ibang section na kasabay namin sa kamping upang humingi ng tulong.Pero walang signal sa lugar kaya mukhang aabutin talaga kami ng gabi dito.

"Sige ang iba sa inyo pumunta doon sa bahay na iyon."Utos ng teacher namin..Nagsimula ng maglakad ang mga kaklase ko mga ilang hakbang lang naman ang bahay mula sa kalsada.

Nang makarating agad napanganga angnmga kaklase ko dahil sa laki ng bahay mula sa labas..Agad nagdoorbell si Paul na nauuna sa amin..

Agad naman nag bukas ang pintuan ngunit.ng.magbukas ito wala.namang taong sumalubong sa amin..Agad naman nagsipasok ang iba naming kaklase.

"Ikaw Marco hindi kapa ba papasok?"tanong ni Dexter sa akin habang nakatutok sa librong binabasa niya.

Hindi ako agad makapasok dahil parang may kakaiba dito sa lugar na ito kapansin pansin kasi ang mga kagamitan dito na parang marami ng pinagdaanan dahil sa kalumaan pero maganda ang loob ng bahay dahil sa lawak ng sala at mapapansin sa unang palapag palang ay may kwarto kana agad na nakikita.

"Sila Mam at yung driver di paba papasok dito?"Tanong ni Sophia sa siyang leader ng section namin dahil siya ang president ng klase.

*BOOOOOMMMMM!!!!!*

Isang napakalakas na pag sabog mula sa labas ang narinig namin.Nang tingnan namin sa bintana ay laking gulat namin ng ang sumabog na iyon ay ang bus na sinasakyan namin.Nag iyakan ang mga babae dahil sa takot si Clark naman ay agad niyakap si Sophia Ako naman ay dali daling hinila si Gwen dahil halatang natatakot ito hindi dahil sa pagsabog kundi sa isang masamang kutob dito sa bahay na napasukan namin.

Agad naman nagpumilit lumabas ang mga kaklase ko ngunit hindi silanmakalabas dahil bigla nalang nawala ang pinto.na pinanggalingan namin kanina.Habang busy ang mga kalalakihan na humanap ng lalabasan bigla na lamang sumigaw si Elen."Guys si Kristel nawawala!!"

Unknown

"Hahahaaha!!!nagkamali kayo ng pinasok na bahay.Ang akala niyo welcome kayo dito nagkakamali kayo dahil sinet up ko kayo dito upang patayin isa isa!!!"

**************end of chapter 13******


Thank you for reading.

Time to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon