chapter 3

11 2 0
                                    

Marco's POV

1 week later*

*kriingggg(alarm)

Pilit kong inaabot ang cellphone ko sa ibabaw ng table para bunutin sa pagkakacharge.Dahil sa pagpupumilit ko laking gulat ko ng bigla akong naground.Nagkaroon ako ng masamang pakiramdam na may mangyayaring masama,dahil sa pagkakaground di sinasadyang nadulas sa pagkakahawak ang cellphone ko sa kamay dahilan para tumalsik ang battery.Dali dali kong pinulot at ikinabit.Habang siniset up ko ang time at date bigla na lamang tumawag si Clark sa akin.

*hello marco nasan kana?*

"Nandito pa ako sa bahay Clark kakagising kolang"

*Dalian mo magdedecorate tayo ngayon diba?*

"O sige papunta na ako"

Pagkapatay ng cellphone
Agad agad na akong kumilos para makapasok.Pagkarating ko sa room busy lahat ng mga kaklase namin sa pag aayos.

"Gooooodddmoorniing Marco!"masigla at malanding bati ni Maya sa akin.Dirediretso lang ako at di ko nalang siya pinansin.

"O Marco ayos kana?" Tanong ni Clark sa akin.

"Oo ayos na ako buti hindi ako nanaginip ng masama ngayon"pagpapaliwanag ko.

Wala kaming klase ngayon dahil bukod sa friday kailangan naming tapusin itong pagdedesign dahil mamaya ay may magoobserve at magjujudge sa bawat decoration ng kada room.

" Uhmm..Marco excuse me.."

"Marco?"

"Excuse me po" nagulat ako ng may kumalabit sa akin si Gwen pala ang tahimik at mahiyain na kaklase namin siya din ang pinakamaganda sa room namin mabait din siya.Hindi ko napansin na nakaharang pala ako sa ginagawa niya.Hindi ko narinig ang patawag niya noong una dahil nakasalpak ang earphone sa tenga ko.

"Ay sorry Gwen naharangan ko ang ginagawa mo tulungan na kita diyan"

"Hindi na ayos lang pasensiya kana din nagulat kita" sabay ngiti sa akin.

"Marco!!!" Pagtawag at paghila ni Maya dahilan para maputol ang usapan namin ni Gwen."Tulungan mo naman ako dito ohh..."maarteng sabi nito.Badtrip bastos talaga itong babaeng to kung di kalang babae baka nasipa na kita.Inalis ko nalang sa pagkakakapit ang kamay niya sa akin at lumabas ng room.Sumunod naman si Clark sa akin.

"Clark bat sumunod ka nanaman?"tanong ko sa kaniya.

Hindi nalang ito umimik,hinayaan ko nalang itong sumama sa akin.

Habang naglalakad ako ginagamit ko ang cellphone ko hindi ko napansin ang nilalakaran ko kaya ako natisod.

" Bwisit sino ba ang naglagay nito dito!?"naiinis kong sabi dahil nasa gitna ng daan ang isang caution sign*caution wet floor*.nagtataka ako dahil hindi naman basa ang sahig dito tsaka hindi naman umulan kahapon.

"Ahm Marco anong oras na?" Tanong ni Clark.

"10:34" nagulat ako dahil parang naulit na ang panyayaring ito.Nabaling naman ang mata ko sa date sa phone ko august 11.F*ck ito yung nasa panaginip ko.Kaya august 11 ang na set kong time dahil nagmamadali na ako kanina.Ang tunay na date ngayon ay july 13.

"Mister Marco,Mister Clark saan kayo pupunta?" Tanong ng teacher namin na si mam Pillar.

"May bibilihin lang po kami"wika ni Clark.

" sige bumalik kayo sa classroom pagkatapos niyong bumili may dadaanan lang ako sa office"agad na itong naglakad palayo sa amin

Paglayo ng teacher namin tsaka ko lang naalala na.
Ito nga yung nasa panaginip ko na kung saan nakatayo ako sa hallway kung saan may nakita akong teacher at kung saan mamamatay ang teacher na iyon.

"Clark kailangan nating magmadali" wika ko.

"Baket Marco?" Nagtatakang tanong nito.

"Clark si Mam Pillar ang napanaginipan kong mamamatay" Agad kaming tumakbo sa office para pigilan ang masamang mangyayari.Pagdating namin nakalock ang pinto.

"Ahhhhhh!!!!!!" Isang sigaw na napakalakas ang aming narinig.

"Clark tumawag ka ng pulis"

Naiwan naman ako ditong sinisipa ang pinto para mabuksan ngunit parang may pumiligil sa akin na ibuhos ko ang lakas sa pagsipa ng pinto.

"Ahhhhhhh!!!!!!layuan mo ako!!!" Dinig kong sigaw ni mam Pillar.

*buhay mo ay akin na hindi kana makakatakas pa!*dinig kong banggit ng isang buong buo at tila nanggaling sa ilalim ng lupa ang boses.

Maya maya pa ay tila may usok na may usok na akong naaamoy at naaninag ko ang kaunting apoy pagsilip ko sa bintana.

Maya maya pa ay dumating na ang mga guard at pulis upang pagtulungan buksan ang pinto.Pagsira ng pinto maingat na pumasok ang mga pulis dahil basa ang sahig ng office.Sumunod ako para tingnan ang katawan ni Mam Pillar ,basa ito at tila sunog dahil sa kuryenteng dumaloy sa kaniyang katawan."Uyy bata hindi ka pwede dito lumabas ka"wika ng isang pulis.

Agad naman akong sinamahang ilabas ng kasama nitong pulis.Makalipas ang halos isamg oras inilabas na ang bangkay ni Mam pillar.Kaliwat kanan ang usapan ng mga studyante tungkol dito.

"Mister maaari ba naming kunin ang statement mo?" Tanong ng isang pulis.

Umiling nalang ako dahil wala naman maniniwala sa akin na hindi tao ang may gawa nun kay Mam Pillar.

"Kung naging alerto lang ako sana walang buhay ang masasayang ngayon.Bwisit bat diko agad naisip na si Mam Pillar ang teacher na nasa panaginip ko ng mga oras na iyon.!"

DEATH.
*isang buhay nanaman ang nakuha dahil hindi ka nakapaghanda.Ipangpatuloy mo lamang ang iyong gawi upang sa huli ako'y magwawagi*

End of chapter 3




Time to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon