Hallway

64 1 1
                                    

Paano nga ba magtapat sa isang kaibigan?

Nung una hinahayaan ko lang na magkaibigan tayo dahil pareho naman tayong masaya, pareho naman tayong dalawa ang makikinabang, pero habang tumatagal meron akong gustong sabihin sayo na hindi ko masabi sabi hayyy!! Hayaan mo na nga baka nadadala lang ako. Kasi lagi kitang kasama, kakulitan,  kakwentuhan, kaasaran, kalokohan. Pati sa pag-iyak mo at sa pag-iyak ko, sa mga problema natin sa love life at sa eskwela natin.

Nung una tayong naging magkaibigan hindi ko inaasahan na darating tayo sa punto na parang gusto kong mag level up yung status natin bilang magkaibigan. Bilang isang magkarelasyon hindi bilang magkaibigan lang.

Naalala ko pa nung nagkabanggaan tayo sa hallway papunta sa room namin. Nagkekwentuhan kami nun nang klasemeyt ko ng bigla tayong nagkabanggaan, asar naman tong mga klasmeyt ko imbis na tulungan yung babae inasar pa “Uy! Destiny” napangiti ako at napaisip, pano kung destiny nga talaga? Paano kung destiny talga na nagkabanggaan tau sa hallway. Tsk tsk naku! Nagpapantasya nanaman ako sa destiny destiny nayan.

“hoy! Tara na! malalate na tayo!” sigaw nung isa kong kupal na klasmeyt.

“Ano ba iniisip mo dun at nakatulala ka? Siguro iniiisip mo yung babaeng nakabanggaan mo sa hallway ano? Aminin mo! ” biglang tawa ang iba kong mga kaibigan.

--

“Okay class! Meron tayong transferee na magiging klasmeyt nyo! Sya si Miss. De Leon” Hiyawan yung mga baliw kong kaibigan. “Destiny!!” Sigaw nung isa. Natulala ako habang nagpapakilala sya sa klase.

Hala!? Ano tong nangyayari? Bat kinakabahan ako? Nakatitig ako sakanya hanggang sa matapos sya magpakilala sa harapan. Nakatitig pa din ako habang naglalakad sya papalapit saakin. Nang biglang may bumulong. “May naka-upo ba sa tabi mo?” hindi agad ako nakasagot. Nakatingin pa din sya saakin . di ko akalain na ako pala ang kinakausap nya “Ay?! Wala! Wala! Sige upo ka na lang dyan!”

--

“Hoy! Pakopya nga ako sa No.3 ang hirap ee” bulong ko sa katabi ko. nang biglang may nagbigay ng papers at sagot. Nanglaki mata ko si Miss De Leon. Duon nagsimula ang lahat bilang isang magkaibigan.

Sabay kami naglulunch, gumagawa ng school papers, sabay kami umuwi at magdamag magka text pag nasa bahay na.

“Goodnight!” ang sabi nya.

“Gudnyt din! See you tom.” ang sabi ko naman .

Sasabihin ko na di ko na kayang pigilan tong nararamdamn ko. alam mo yung alam mo yung sasabihin mo pero di mo alam kung ano yung dapat na sasabihin at kung paano mo sisimulan. Ang gulo no? ganyan yung nararamdaman ko.

Sasabihin ko naba ? pano kung hanggang don lang pala ang nararamdaman nya para saakin? Edi ako naman ang kawawa. Hays!! Naguguluhan na ako. Bahala na nga! Bahala na kung ano yung magiging reaksyon nya kapag sinabi ko kung ano talaga pagtingin ko sakanya. Maging mali man ang enterpretasyon ko sa pinaparamdam nya, magiging tama din ang lahat kapag nasabi ko na kung ano yung dapat na malaman nya.

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon