Hallway VII

19 1 0
                                    

di ko talaga maiwasan ang hindi magisip ng mga pwedeng mangyari sa isang araw. nasanay na kasi akong laging nagiisip para sa ikagaganda ng araw ko e. kaya lahat na lang ng di pwedeng mangyari iniimagine ko para naman kahit sa panaginip o imahinasyon ko lang nangyayari sila.

"San ba maganda tumambay mga tol?" tanong ko sa mga kaibgan ko.

"gusto mo punta tayo sa SM north?" sagot nung isa kong kaibigan.

"oo! maganda dun tsaka madami tayong makikita" sambit naman nung isa ko pang kaibigan.

nagpasya kaming pumunta sa SM north. magpapalamig lang tas konting kaen na din. paborito kong bilhin na inumin dun yung Nai Cha sa 2nd floor. Buy one take one kasi un ee. kaya sulit ang 50 pesos mo. masarap na. busog kapa.

nung naisip ng isa kong kaibigan na pumunta kami sa isang palaruan. Quantum para makapag libang naman kami para di na din namin mapansin ang oras.

--

"tol! punta lang ako CR aa.!" sabi ko sa isang kong kaibigan na busy sa paglalaro.

nung naglalakad na akong papuntang Cr biglang may pumasok sa isip ko. parang familiar sakin yung mga kilos ko ngayon. tinignan ko ang paligid ko. familiar nga sya. parang nakita at nangyari na tong sinaryo ngayon.

naguguluhan na ako a. halos isang buong araw na akong minamaligno ata a. wala naman akong naihian na bahay ng mga nuno. at wala naman akong binatong puno ng mga engkanto. dumiretso pa din ako sa CR para mag pa gwapo at konting ayos ng buhok. baka kasi may magpakilala sakin bigla ee sayang naman.

di ko iniisip na magandang lalake ako. pero ang masasabi ko lang na totoo. hindi ko kaya ang manloko ng isang babae kahit mahilig ako sa mga chix. mahilig ako pero di ibig sabihin nun lahat sila gagawin kong prinsesa ko. sympre gusto kong maayos lahat ng makaka relasyon balang araw. dahil ganon ako minulat ng mga nararanasan ko sa buhay pag-ibig ng mga kaibigan at kakilala ko.

pabalik na ako sa mga kaibigan ko. busy pa din sila sa kanya-kanyang laro nila. ako naman dahil di ko hilig maglaro ng mga ganyan. nagikot ikot ako. nakinig ako sa mga kumakanta. nanuod sa mga nag dadrive ng Initial D. nanuod sa mga naglalaro ng Marvel at ng KOF.

habang nagiikot ako may nakita akong isang pamilyar na likod. sinundan ko sya ng tingin. sinundan ko din sya ng paghakbang ng mga paa ko. nung malapit na ko sakanya. kinalabit ko sya. nagulat ako nung pag harap nya sakin.

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon