sa wakas nakapag enrol na din ako. hayahaya na muna after ng mahabang pila at mainit na siksikan ng mga studyanteng nageenrol. maaga pa naman ee pwede pa ako maglibot libot.
naglalakad kami ng mga barkada ko sa hallway ng biglang may nakabangga saking babae. masakit ang pagkakabangga nya a. nahulog mga gamit nya. di ko na natulungan kasalanan naman nya e dapat nga mag sorry pa sya.
tumambay kami sa isang kwarto. habang nagkkwentuhan, nakataas pa ang mga paa namin sa silya. parang boss lang ang dating. ng biglang natulala ako.
teka?! bat parang nangyari na tong nangyayari ngayon.
---
ang hirap magpaenroll masyadong napagod ang mata ko kakatingin sa mga bagong student sa school namin. ang daming chikas kung pwede nga lang akin na lang lahat ng mga chix na makakasalubong ko e. di ako aayaw. ako pa mismo ang papayag.
parang timang lang. akala mo mauubusan ng babae sa mundo e. masyado na din kasing matagal simula nung iniwan ako ng Ex ko. kaya siguro ganon na lang ako kasabik magmahal ulit at mahalin din. pero okay lang. wala naman akong magagawa kundi ang magintay ee. di naman pwedeng agawin ko mga gf ng makakasalubong ko db? paano kung sakin gawin un? edi ako naman yung nasaktan sa kalokohan ko na gagawin.
magaantay na lang ako kung sino ang dadating, kung sino ang taong makaka appreciate sakin pag dating ng araw. di ako maiinip magantay kahit sabik na sabik na ako na mahagkan ka. dahil alam ko darating ang panahon ako naman ang uulanin ng pagmamahal.
nak ng!! ang galing magdrama ng isip ko aa. sana sa pagaaral ganyan din ako magisip para naman di ako bokya sa mga quizes namin nakakahiya kaya minsan. pero pagbubutihan ko na lang sa mga darating na exam.
---
sa sobrang saya namin magkakaibigan di namin namalayan na masyado na palang maingay ang tawanan namin. bigla kasing may sumilip sa pinto na babae. parang familiar nga ang itsura nya e. pati din yung mga mata nya. parang gusto kong makilala yung babaeng yun. san ko nga ba yun nakita ?
Ay!! uo eto yung napanaginipan ko kagabi bago ako pumunta dito sa school. akalain mo yun. pwede din palang mangyari yung mga nasa panaginip ang akala ko sa mga palabas lang nangyayari ang Dream come True na sinasabi. natatawa ako bat parang ang saya lang ng araw ngayon kahit naputol yung tulog ko kaninang umaga. ang ganda na sana ng panaginip ko ee
pero mas maganda pala talaga ang reyalidad kesa sa panaginip. una. nakapag enroll na ako. pangalawa may nakasabay pa akong chix na maganda. pangatlo nagkita-kita nanaman kaming magbabarkada. pang apat naman sana makilala ko na yung taong magpapaganda ng semester ko ngayon.